Chapter 9: Old Friend

95 88 5
                                    

Chapter 9: Old Friend



"Oo, bakit may poblema ba?" Sabi ni Christian na napangisi.

"Wala." Sabi ko sabay iwas ng tangin.

"OMGG! Ikaw yung Chairman ng Arrandle??" Sigaw ni Ella.

"Hay nako nag fan girl ka nanaman. Psh." Sabi ko sabay cross-arm.

"Shane, tara na male late tayo sa movie." Sabi ni Faith.

"Oo nga, tara na!" Sabi ko habang hinila sila paalis ng school.

"Byeee John and Christian!!!!" Sigaw ni Ella habang nakatalikod na kinakaladkad ko.

Nakalabas na kami ng school at naghihintay ng bus.

Pagkapasok namin ng bus ay nagkuwentuhan nalang kami.

"Ano bang papanoorin natin?" Tanong ko sakanila.

"Mamaya na yun! Shopping muna tayo!" Sabi ni Faith.

"Luhh! Kala ko ba male-late na tayo sa movie?" Sabi ni Ella na nakasimangot.

"Psh. Sinabi ko lang yun para makaalis na tayo dun." Sabi ni Faith sabay irap.

"Ano bayan! Gusto ko pa makausap si John eh!" Sabi ni Ella.

"Kala ko ba si Christian crush mo?" Sabi ko sabay napangisi.

"Oiii! Hindi kaya..." Sabi ni Ella na napaalis ng tingin.

Tumigil na ang bus sa bababaan namin at bumaba narin kami.

Pumasok na kami sa mall at naiihi daw si Ella kaya nag hintay muna kami ni Faith sa labas ng CR.

Pagtapos ni Ella ay pumunta na kami sa favorite designer nila na shop para mamili.

"Shane! Bagay ba?" Tanong ni Ella habang tinatry ung damit na hawak niya.

"Bagay na bagay." Sabi ko habang nakatutok sa cellphone ko na naglalaro.

"Eh eto?" Sabi naman ni Faith.

"Perfect!" Sabi ko na naglalaro parin sa cellphone.

Mananalo na sana ko ng may humablot ng phone ko.

"Hindi ka naman nakatingin eh! Pano mo malalaman kung maganda!" Sabi nilang dalawa na naka cross-arms na inirapan ko lang.

Kinuha ko na ulit ung phone ko sakanila at tinago na sa bag ko.

"Alam mo Shane, mag sukat ka nalang din!" Sabi ni Faith.

"Eh, ayoko nga." Sabi ko sakanila na nakaupo lang habang hinihila nila ako.

"Sige na!! Pleaseee." Sabi nila na sinunod ko nalang at tumayo.

"Oh eto try mo!" Sabi ni Ella na binigay sakin ung damit na kulay red sabay tinulak ako sa fitting room.

Ella's Point of View

"Ang tagal naman ni Shane." Sabi ko.

Maya-maya ay bumukas na rin ang fitting room at lumabas dun si Shane.

Nanglaglag ang panga namin ni Faith ng makita siya.

Ang ganda ng dress niya, kulay red ito na fit na fit na parang silk.

"Oh ano? Ang pangit noh? Kaya ayaw ko magsukat eh." Sabi niya samin.

"Shane... ang ganda.." Sabi ni Faith.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon