Chapter 13: Mystery

88 75 4
                                    

Chapter 13: Mystery


Kakapasok lang namin sa school at wala pa ring dumadating na mga may otoridad. Ano kaya nangyari dun sa babae?

Sakalukuyan akong nakatingin sa ere ngayon at tulala. Kanina pa ata ako tinatawag nina Faith pero hindi ako nalingon at hindi ko alam kung bakit. Pilit ko kasing iniisip kung anong nangyari dun sa babae.

Maya-maya ay may pumasok na teacher. Tumingin naman agad ako sa board kung saan nasa harap ang teacher.

"Everyone please go to your respective dorms. Classes are canceled for today." Pagka-announce ng teacher na biglang naglakad palabas ng room.

Ano ba talagang nangyayari? Nakikita ko yung mga ibang estudyante na sobrang takot na takot na kahit hindi man nila pinapahalata.

Katulad ng sinabi ng teacher, tumayo na ako sa upuan ko para pumunta ng dorm at sumunod naman sakin sina Faith.

"Punta na kayo sa dorm. Sunod nalang ako." Sabi ko sakanila na sinunod naman nila. Inaayos ko pa kasi yung gamit ko.

Nakita ko na ako nalang yung nasa room namin kaya binilisan ko na. Bakit ba kasi ang daming gamit na nakalabas sa bag ko? Palabas na sana ako ng room ng may humarang sakin na babae at binulungan ako.

"Magiingat ka, baka ikaw ang sunod na target."

Bigla nalang akong nagulat. Umalis na rin siya agad pagkatapos niya akong bulungan. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makagalaw. Anong ako yung sunod?

Sinubukan ko ng tumakbo pero di ko talaga magawa kaya naglakad nalang ako papuntang dorm. Habang naglalakad ako sa hallway ay napakatahimik. Wala ka ring makikitang tao kahit isa kundi ako. Ang dilim rin pero tanghali pa lang naman.

Nakadating na ako sa dorm namin at umupo sa sofa. Bumungad naman sakin ang naka pout na Andrei. Ano nanaman?

"Shane.." Sabi niya sakin habang hinihila yung tela ng uniform ko.

"Ano nanaman?" Sagot ko sakanya habang nag cecellphone at naka poker face lang.

"Si Ella kasi.." Sabi niya na naka pout parin.

"Ano?" Sabi ko ulit sakanya na ganun parin ang ginagawa.

"Inagaw niya yung chips ko eh.." Jusme kala ko naman kung ano. Chips lang pala.. eto talagang mga PG nato.. haysss

"Oh, anong gusto mong gawin ko?" Sagot ko sakanya na sarcastic.

"Ehh..." Ang naging sagot niya naman na sumandal na lang sa upuan at naka pout parin.

"Oo na, bibigyan na kita." Sabi ko naman sakanya na tumayo at kumuha ng chips.

Binato ko na sakanya yung chips bago ako umupo at tinignan ulit ako.

"Oh, ano nanaman Andrei?"

"Mag te-thank you lang. Thank you!" Sabi niya na may napakalawak na ngiti at nagsimula ng kumain. Ash Gang ba talaga toh?

Na bored na ko kaya nagpaalam ako sakanya na lumabas muna ng dorm. Mukha naman siyang walang pake at busy sa pagkain kaya tumango nalang ang luko.

Pagkalabas ko ng dorm ay bumaba ako sa hallway. Lumabas ako ng school at pumunta ng garden. Uupo pa lang sana ako sa bench ng may narinig akong nag-uusap kaya nagtago ako sa likod ng puno.

"Anong ng gagawin natin?" Sabi nung isa na babae ata.

"May plano na daw si Ma'm. Maghintay ka." Sabi naman nung isa na kausap ng babae na lalaki.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon