Chapter 18: Help

67 45 1
                                    

Chapter 18: Help


"ANO BA?! SABING PAKAWALAN NIYO NA KO!" Sigaw at pagpipiglas ko sakanila na habang sakalukuyan akong sinasakal ni Christian.

"CHRISTIAN! Bitawan mo siya!!! Babae parin yan!" Sigaw ni John kay Christian at akmang lalapit na kay Christian ng binitawan niya naman ako. Finally... Nakahinga na ako.

"So, pwede na ba siyang umalis?" Tanong ni James ng sabay irap na naka cross arms.

"Ano bang poblema niyo?! Sadya ba talagang wala kayong pake na napunta ang babaeng ito sa teritoryo NATIN?!" Naiinis na sigaw ni Christian sakanila.

"Hindi naman sa gano---" Hindi na natuloy ni Jeon ang sasabihin niya ng pinutol siya ni Christian. Hilig mo talagang mamutol ng sasabihin eh noh? Kung putulin ko kaya yang ulo mo?

"Hindi naman pala eh! So shut up nalang kayo!" Galit na sigaw ulit niya sakanila. Halata ang galit ni Christian sa mukha niya. Ayaw niya talaga siguro ng may tumatapak sa sarili niyang teritoryo. Para bang namumula?

Siguro 5 hours na kaming nandito at hanggang ngayon ay tinatanong niya parin ako kung bakit at pano ako nakapunta dito kahit ilang beses ko na sinabi sakanya na hindi ko nga alam.

"Christian, pwede ba? Palayasin na natin siya? Inaantok na ako." Bored na sabi ni Chim. Tinignan ko silang lahat na naka-upo sa sahig at yung iba naman ay natutulog na.

"Fine. I'll let this slide, for now. Your free to go." Kalmado niyang sabi saakin habang sinenyasan ang isa sakanila na pakawalan na ako at ihatid sa taas. Ng mapakawalan na nila ko ay tumayo muna ako at hinintay ang sasabihin niya.

Tumingin ito saakin. "Oh? What are you waiting for? Alis na bago pa magbago ang isip ko." Ma-otoridad na sabi niya saakin. Akamang paakyat na kami ng hagdan ni James ng may pahabol siyang sinabi.

"And James? Make sure she's safe to get in her dorm." Sorry Shane, sorry...

Bella's Point of View

Sakalukuyan akong nandidito sa dorm nina Shane ng sinabihan ako ng mga kaibigan niya na hindi pa daw nauwi si Shane simula nung umaga. Mag a-alas dose na ng umaga at wala parin siya. Hanggang sa may narinig na kaming pumasok ng pinto.

"SHANE! Saan ka galing?!" Tanong namin sakanya habang dali dali na pinuntahan siya. Kita namin ang pamumula ng leeg niya kaya agad na tinanong namin siya.

"Anong nangyari gyan sa leeg mo? May nangyari ba?"

"Wala." Maikli nitong sagot habang umiiling-iling. Napatingin ako sa pinto na may nakatayong lalaki. Andito pala si Chim?

Shane's Point of View

Kailangan ko munang magsinungaling sakanila. Sa tamang panahon ko na sasabihin kapag sigurado na ako at alam ko na ang buong storya.

"Matulog na kayo. May pasok na tayo bukas." Sabi ko sakanila at hinintay munang pumasok sa kani-kanilang kuwarto nila at pinahatid ko na rin si Bella kay Chim kahit na nandyan lang sa katabing pintuan yung dorm nila. Teka... bakit nandun si Chim sa labas?

.
.
.
.
.

"Shane? SHANE! Tumakbo ka lang! Wag kang lilingon!" Bakit parang may nagsasalita? At bakit ako natakbo? Nasa isanh gubat rin ako at sobrang dilim. Napatigil ako, dead end. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaki na puno ng.. dugo?

Nagmulat agad ang mga mata ko at napaupo. Panaginip lang pala. Pinunasan ko ang mukha ko na punong puno ng pawis. Napatingin ako sa orasan at... "7:00 NA?!" Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko at ginawa ang mga dapat 'kong gawin. Tinignan ko sina Ella na hinihintay pa pala ako sa labas ng dorm.

"Bakit ang tagal mo Shane?" Tanong ni Faith.

"Na-late ng gising eh..." Excuse ko sakanila habang napakamot sa batok. Dumiretso na kami sa classroom at akmang papasok palang si Ms. Nat. Science nga pala ngayon.

Nagpunta kami ng lab at hindi nagtagal ay natapos rin yon'. May ginawa kaming experiment at nag dissect ng frog kaya kinuha ni Ms. Angel ang time ng next subject namin kaya ngayon ay papunta na kami ng caffeteria para kumain.

Sinabihan ko sina Faith na mauna na at may mga baon pala sila kasi bibili pa ako. Nakapila ako para bumili ng may humila saakin. "T-teka! Saan mo ako dadalhin?!" Inis na tanong ko ng kung sinong tao 'man ang kumaladkad saakin papunta ng garden.

"Sino ka?" Tanong kong' muli ng bitawan niya ako. Isang babae. Mukhang freshman dahil sa suot na uniform niya. Mahaba kasi ang palda ng mga freshman habang kami naman ay maiikli.

"I need your help." Ang unang naging tugon niya saakin.

"Help? About what?" Sagot ko sakanya.

"About this school." School? Tinutukoy niya ba ang mga sikreto katulad ng sinabi saakin ni Ivy?

"What help would you want me to do?" Naga-alanganin kong' sagot sakanya.

"I know you can do something. Let's both unfold the secrets. Together. Please, I want to know everything too." Halos mangiyak-iyak na pakiusap niya saakin habang hinawakan ang kamay ko.

"S-sorry.... I can't do anything... I can't help you..." Nauutal na sagot ko sakanya habang dahan dahan na inalis ang kamay niya saakin.

"I know you can. There's something in you. You even changed Christian. Please." Pagpipilit niyang muli saakin. Ano bang' mga tinutukoy niyo na iniba ko siya? Eh napaka-sungit nga ng ugali!

"What do you mean I changed him...?" Nagtataka kong' sabi. Lumilingon lingon siya sa paligid na para bang' may pinagtataguan siya?

"Just... please.... help me.... help us..." Ang mga huli niyang kataga ng bigla niya na ako'ng bitawan sa kamay at umalis. Pano ko kayo tutulungan?!

Bumalik na ako ng caffeteria at umupo kung saan nakaupo sina Faith at Ella.

"Saan ka nanggaling Shane? Bakit bigla ka'ng nawala?" Tanong nila saakin.

"A..ah... ang haba kasi ng pila kaya kinuha ko nalang yung pagkain ko sa dorm..." Dahilan ko sakanila. Nag 'ahhh' nalang sila bilang sagot. Kumain na kami ng sabay sabay at maya-maya ay natapos din at bumalik ng classroom. Bakit feeling ko napaka-peke? Ang plastic ng lahat?

.
.
.
.
.

"Mauna na kayo sa dorm, mag c-cr lang ako." Paalam ko kayna Ella at Faith at pumunta agad ng cr. Pumasok na ako sa cubicle at pagkatapos ay naghugas ng kamay.

"Your still stiff?" Narinig kong' nagsalita galing sa tabi ko. Hindi ko namalayan na may iba pa palang tao dito. Tinignan ko siya. Yung babae kanina.

"W-what do you mean?" Sagot kong' pabalik.

"Do you still care or not?!" Inis na may halong galit sa tanong niya.

"Ofcourse I care!" Pasigaw na sagot ko sakanya.

"I want to fvcking leave this school! But I can't!" Maiyak-iyak ba sabi niya. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao niya sa lababo.

"Why can't you leave? C-can you tell me what happened in this school..?"

"P-promise me not to tell anyone..." Kalmadong sabi niya saakin. Tinignan ko muna lahat ng cubicle at baka kasi may tao. Delikado na.

"I'll tell you everything I know." Sabi niya habang napa-buntong hininga at humarap saakin ng seryoso.


~~~~End of Chapter 18~~~~

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon