Chapter 30: Sister

25 9 64
                                    

Chapter 30: Sister


Someone's Point of View

Naglalakad ako sa hallway papuntang locker ko ng pagbukas ko neto ay may maraming lumabas na mga sulat at ang iba ay may mga pulang rosas pa. Heh, it's so nice to be back here.

"Ms. Chang, please go to the Headmistress's Office." Rinig kong sabi sa speaker kaya binalik ko muna ulit lahat ng mga sulat at rosas na nasa aking locker.

Pumasok na ako ng office ni Madame Alex at umupo sa harapan ng kanyang lamesa. "Cassandra, welcome back." Nakangiting bati saakin ni Madame Alex. "Thanks." Maikling sagot ko.

"Here are your keys para sa dorm mo, and for your locker, yung dati parin ang gagamitin mo. Tanda mo pa naman siguro ang password noon right? As for your classroom, you're in section A-1." Tugon niya saakin. I smiled.

"Yes Madame. Natutuwa rin po ako sa mga welcome back gifts ng mga students na nasa locker ko." I lied. Ugh I will never like and open those letters. Ano sa tingin niyo, itatago ko 'yon? Eww, Never. Itatapon ko lang ulit lahat ng iyon katulad dati.

"Oh by the way, I will introduce you to your sister later. Go to the gymnasium tomorrow by six thirthy am." I will finally meet my sister all these years! Tumango ako kay Madame at tsaka pumunta na sa dorm ko.

Shane's Point of View

Naglalakad ako ngayon papuntang locker ko para kunin ang aking mga libro. Pero pakshet 'tong mga estudyante na 'to, kanina pa pinaguusapan yung nyetang Cassandra na 'yon. Puro Cassandra, Cassandra, Cassandra!Nyenyenye! "Bwiset! SINO BA 'YON?!" Sigaw ko sabay pagkasara ng malakas ng locker ko.

"Can you fucking shut up? Ang pangit ng mukha mo. Pasalamat ka at kaibigan ka ng kapatid ko." Rinig kong sabi ng nasa likod ko. Aba, aba pinagsasabihan mo ba 'ko?

"At sino ka naman para sabihan ako na tumahimik. HA?!" Humarap ako sa kanya. Okay, patay ka na Shane. Worst day mo nga 'to ihanda mo na sarili mo.

"Well, ako lang naman si Colaide Anderson, Supporting Sumpreme as ra---" Pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa ko parusahan ng kung ano neto. Tinalo pa yung Superior at Former eh.

"HEP! Alam ko na yan so okay na. Sige ba-bye!" Palusot ko sa kanya at tatakas na sana ng hawakan niya ang likod ng uniform ko at hinila na ako.

"T-teka Colaide! Ano 'yon?!?!" Konwaring sigaw ko at tinuro yung kabilang gilid at tsaka tumakbo sa opposite side. Habang tumatakbo ay lumingon ako sakanya at sumigaw with matching pang-asar pa. "HA! KALA MO HA!" Nagtaka ako ng nag smirk siya at kinawayan pa ako. Aba lokong 'to ah.

Napatumba ako ng nakabunggo ako ng dalawang estudyante na nalaglag ang isang susi sa dorm. Kinuha ko iyon at tsaka tumayo. Yumuko ako para pagpagan ang sarili ko tsaka tumingala sa kanila. Nanglaki ang mga mata ko ng ang nabunggo ko pala ay si Christian at..... yung babae kahapon? Nyeta worst day nga.

Wow! Ang kapal ng mukha niyong maglakad lakad lang ha! Makaapak sana kayo ng tae! Nag-iinit dugo ko sa inyo! Mga bwiset! "Ay, sorry 'di ko sinasadya." Sarkastikong sabi ko habang tinitignan yung babae.

"It's fine, you apologized anyways." Nakangiting sabi niya saakin habang kinuha ang susi ng dorm niya. Halatang plastic ka ate, wag ka ng maginarte. Sakit mo sa bangs! Kahit wala akong bangs.

"I'm Cassandra by the way. You?" Nakangiting pagpapakilala niya saakin habang in-offer yung kamay niya para makipagshake-hands. Oh, so ikaw pala yung nyetang Cassandra na 'yon? Mahulog ka sana sa bangin 'ena mo ka! 'Di joke lang. 'Di naman ako judgemental na tao. Ata.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon