Chapter 32: Does Love Wins?

18 7 49
                                    

Chapter 32: Does Love Wins?


Shane's Point of View

I'm running.. still running. Kailangan ko na talagang makausap si mom. As soon as possible.

Hindi ko alam kung saan ba pupunta si Cedar at out of sight ko na rin siya. Hindi ko na namalayan na nasa isang gubat na pala kami. T-teka... GUBAT?! Kailan pa nagkaroon ng gubat dito?!?!

Pinagtataboy ko yung mga malalaking dahon na pumapalo sa mukha ko habang ako'y naglalakad. Saan ba ako napunta?!

"CEDAR!! CEDAR?! Nasaan ka ba?!? Mag usap tayo please!" Sigaw ko habang ako'y patuloy parin sa aking paglalakbay hanggang sa nakaabot ako sa isang malaking puno na malalaki rin ang mga ugat. Nakita ko si Cedar na nakaupo sa isa sa mga ugat ng puno.

Nakayuko siya. Ang baba ng mukha niya. At kasalanan ko lahat ng ito. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Ibubuka ko palang ang bibig ko ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at nagsimulang umiyak. Niyakap ko rin siya pabalik at hinimas himas ang kanyang likod.

Umalis ako sa pagkayakap at tumingin sa kanya. "Cedar... i'm sorry that you had to go through this. This was all my fault. If I had known that—"

"Okay lang ate. Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. It's that stupid brat."

"Does mom know this?" Sudden na tanong niya sa akin.

"I still don't know. I haven't contacted her yet." Sagot ko.

"Do you think mom knew all of this? Why did she hide it from us?" Hindi palang nakakalimang minuto ay magagalit nanaman siya kaya agad ko siyang sinagot.

"Don't think about anything first. Hindi pa natin alam, pwedeng hindi pa alam ni mom or tinago niya saatin ito because of a good reason. Wag muna nating husgahan si mom."

Pagkatapos noon ay nanatiling tahimik ang gubat. Speaking of gubat...

Humarap ako kay Cedar at nagsalita. "Pano nga pala—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nawala si Cedar sa tabi ko. Tumayo ako bigla at lumingon lingon sa paligid ko. Dumilim ng dumilim ang paligid hanggang sa all-black na talaga ang gubat. Wala akong makita kundi ang kadiliman.

At may biglang umilaw sa likod ko dahilan para ako'y lumingon agad sa likod. May parte lang ng bagay ang may ilaw. Para itong korteng pinto. Nakita ko si Cedar. Nandodoon siya sa ilaw. Umiiyak siya. Tumakbo ako. *BOOM*

~~~~~~~~

Christian's Point of View

Galit ako na naglakad pabalik sa dorm namin ng bigla akong sinalubong nina Faith, Ella at Bella. Gulat na gulat at pawis na pawis ang mga mukha nila kaya tinanong ko agad sila kung anong nangyari.

"SI SHANE NAWAWALA!" Nanglaki ang mga mata ko. Nang sinabi niya 'yun ay biglang nabasag ang pandinig ko. Nawala lahat ng mga iniisip ko at ang alam kong sunod ko lang na ginawa ay ang tumakbo ng mabilis palabas ng Building para hanapin si Shane.

~~~~~~~

Third Person's Point of View

Nagsimula nang magmulat ang mga mata ni Shane nang dahan dahan. Nagulat siya nang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Nakagapos siya ngayon sa upuan sa isang
madilim na lugar. Pinilit niyang magpipiglas kahit alam niyang wala ng halaga pa iyon. Sa pagod niya kakapiglas ay napayuko siya habang hingal na hingal ito.

May humawak na baba niya at itinaas ito dahilan para makita ni Shane ang mukha ng isang binatilyo. "Hm. You still look beautiful despite of your dirty face."

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon