Chapter 15: Bloody Debut Night 2.0

92 71 2
                                    

Chapter 15: Bloody Debut Night 2.0


Pagkabukas ng malaking pinto ay bumukas na ulit lahat ng ilaw. Nagulat kami lalong lahat ng may biglang pumasok sa loob. Mga kalalakihang lalaki na naka armado at may mga takip sa mukha. Yung iba tinutukan kami ng baril habang yung iba kutsilyo.

Nagkakagulo na sa buong paligid at may naririnig narin akong putukan ng mga baril.

Nakita kong may palapit saaking 5 lalaki. Yung tatlo may dalang baril habang yung dalawa kutsilyo ang tinututok saakin. Heh. Kala niyo matatakot ako gyan? Asa sa pagong.

Lumapit muna saakin yung dalawa. Pagtutulungan niyo pa ako ha. Lumingon muna ako sa likod ko. Teka nawala yung luko ah.. hays bala na nga.

Tinulak nung isang lalaki yung kutsilyo sa gilid ko at agad naman akong umilag at binalik sakanya habang yung isa ay agad naman akong sinugod at akmang sasaksakin ako sa likod ng mahawakan ko agad yung pulso niya at binalik din sakanya.

2 down, 3 more.

Pinalibutan na ako nung tatlo at handang puputukin na yung baril nila. Ay wait teka lang.. pinunit ko yung kalahati sa baba ng dress ko at tinalunan ko yung isa sakanila at tinakman yung mata niya habang kinuha yung baril. Susuntukin pa lamang niya dapat ako ng nasipa ko siya at pinutok yung baril.

Nasa harapan na ngayon yung natitirang dalawang lalaki at ready na makipag-putukan.

"Sumuko ka na... empress." Sabi nung isa na akmang kita ko ang pagkangiti niya. May gana kapang magsalita ha? Teka... empress?

"A...anong empress?" Sagot ko sakanya habang kaka pull ko palang nung trigger.

"Wag ka na mag maang-maangan giyan, alam naman nat-

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may bumaril na agad sakanya. Lumingon ako kung sino naman ito. Si Madame Alexandra.

Ngumiti siya saakin at sinuklian ko rin naman siya ng ngiti... pero yung ngiti bang.. nakakluko.

4 down, 1 left

Isa nalang. Papuputukin pa lang niya dapat yung baril ng nakailag agad ako at sinipa yung baril na hawak niya habang biglang pinutok yung baril sakanya.

"Ako pa talaga ang kinalaban niyo, na kaibigan si kamatayan." Bulong ko sakanya habang hinipan ang dulo na baril. Hm.

Pero balik tayo... anong sinasabi nung lalaki na.. empress? Tinatawag niya akong empress? Bakit?

Tumingin tingin ako sa paligid at medyo madami parin ang mga kalaban. Nakita ko na rin ang Ash Gang. Kala ko maduduwag 'tong mga to eh. Matibay rin pala.. psh.

Nakita ko si Jeon at Chim na magkasama na naglalaban habang yung kapatid ko naman na si Cedar, Andrei, at James naman ang magkasama sa may gilid na kinakalaban ang pitong lalaki.

Lumingon naman ako sa may kabilang gilid kung nasaan si Christian at John. Magkasama talaga.. syempre. Psh. First time kong makikita si John na pumatay ng tao. Si Christian kasi nakita ko na, nung nasa daan siya nung isang araw nakita ko may binugbog siya na lalaki at dinala kung saan.

Pinagmasdan ko lang si John na nakatutok ang baril sa tatlong lalaki. Akmang lalapit palang yung tatlo sakanya na may dalang kutsilyo ng biglang "BOOM" pinutok niya ang baril niya at nag smirk.

Si Christian naman ay may kalabang apat na lalaki at kita kong walang kahit anong armas si Christian kundi ang kamao niya habang yung mga kalaban niya naman ay puro baril. Kita kong pinaputukan siya ng lahat at nakailag siya agad. Sunod sunod niya itong binugbog at ginamit yung isang lalaki bilang pambwelo at panghampas sa iba.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon