Chapter 22: Authority

47 25 12
                                    

Chapter 22: Authority


"Ok na siya, hintayin mo nalang magising." Tugon ng nurse saakin tsaka umalis. Sakalukuyan ako'ng nandidito sa loob ng infirmary dahil kay John. Bigla nalang siya'ng nahimatay. Buti nalang at dumating si Christian.

~FLASHBACK~

Christian's Point of View

Naisipan ko muna'ng magpahangin sa labas dahil sa dami ng tao sa loob. Pagkalabas ko sa may patio ay nakita ko si Shane at John na nag-uusap kaya nanatili ako'ng tumayo muna sa gilid at pagmasdan sila.

Bigla ako'ng nagulat ng yakapin ni John si Shane pero agad naman siyang tinulak nito. Maya-maya ay bigla nalang nahimatay si John at humingi ng tulong si Shane kaya nagpasya nalang ako na magpakita out of nowhere.

"Christian! Buti andito ka! Tulungan mo ko'ng dalhin si John sa Infirmary." Tinulungan ko siya'ng alalayan si John papuntang Infirmary. Pagdating namin doon ay hiniga namin siya sa may kama.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Tanong saamin ng nurse.

"Nalasing po." Shane replied. Tumango tango naman ang nurse at sinabi saamin na magiging ok lang daw si John at magigising na rin mamaya-maya. Hindi katagalan ay nag-paalam na rin ako dahil sinabi ko na may gagawin pa ako kahit wala naman talaga.

~END OF FLASHBACK~

Nagulanta ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Gising ka na pala." Tugon ko.

Umupo siya sa kama at humarap saakin. "Anong iniisip mo?" Umiling nalang ako. Sakto naman na dumating na yung nurse.

"Ok na siya at pwedng pwede ng lumarga." Sabi saamin ng nurse. Ay 'di ko pala na-mention, baklay si ateng nurse.

Tumayo na si John at akmang lalabas na ng nakita ko siyang muntikan muling mahimatay kaya dali dali akong pumunta sakanya at inalalayan.

"Wala ka ba'ng sakit or anything?" Tanong ko habang siya ay nakayuko lamang. Hindi niya pinansin ang tanong ko at nagpatuloy na umalis ng Infirmary kaya sumunod nalang ako. Nagpasya siyang pumunta na sa dorm niya para magpahinga kaya hinayaan ko nalang at pumunta na lang rin ako saakin.

~~~~~~~~~~~~~

Break time ngayon at nasa Cafeteria kami. Lahat dito ay nagbubulungan dahil wala ang Ash Gang sa lamesa nila kung saan sila laging nakaupo at iba ang nadudun. Hindi ko rin alam kung sino sila pero alam ko'ng delikado at mga demonyo rin yan.

Nagtinginan ang lahat ng may tumayo ang isa sa mga Mean Girls at nilapitan sila. Kahit ako ay pinagmamasdan ko rin dahil gusto ko'ng malaman kung ano man ang mangyayari.

Tumahimik ang lahat. "Excuse me. Who are you and what the hell are you doing on the Ash Gang's table?" Sabi noong babae. Tinignan siya nung nasa gitna habang nakaupo sa lamesa.

"Why? Can't we sit here? Besides... were even more powerful than them." Sagot nung lalaki habang naka smirk. Ang lamig ng boses niya. Kasing lamig ng yelo dahilan para kalibutan ang lahat.

"Hm really? Ash Gang is the leading Gangster Group in Dragonfly City. How about you? Who are you?" Sagot nung babae habang naka cross arms. Humalakhak naman yung grupo dahilan para gumawa ng malakas na ingay dahil sa tahimik na Cafeteria. Lahat sila ay naka itim na jacket at ripped halos.

Tumayo yung lalaki at nilapit yung mukha sa babae habang nakabulsa yung kamay niya sa pocket. "You seriously don't know who we are?" Nakasmirk na tanong niya.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon