Chapter 24: Challenge

37 20 83
                                    

Chapter 24: Challenge


Ang awkward... kanina pa kami nandito sa condo niya pero hanggang ngayon ang tahimik parin. Pumunta muna ako doon sa may kabilang side ng kuwarto niya at pinagmasdan ang mga kutsilyo, baril, at mga pictures niya sa lamesa. Isa-isa ko itong hinawakan. Kinuha ko yung pocket knife at pinaglaruan ito.

Nabigla ako ng may naramdaman akong mainit na katawan mula sa likod ko. Katawan niya. Hinawakan niya yung pocket knife na nasa kamay ko at kinuha iyon. Nilingon ko siya habang ako ay nakasandal na sa lamesa. Napatingin ako sa katawan niyang walang damit kaya agad akong pumikit at umatras.

"Bakit ba wala kang damit?" Tanong ko sakanya habang tinatakpan ang mukha ko. Kahit nakatakip ang mata ko ay alam ko na nakasmirk siya ngayon. Psh.

"Gusto mo naman?" Nakakalokong sagot niya kaya nahampas ko siya pero napigilan niya iyon at hinawakan ang pulso ko dahilan para mapatigil ako. Napatitig ako sa mata niya na nakatitig rin saakin at siguro mga ilang minuto na rin kaming nasa ganoong posisyon.

Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha niya na. Hindi ko inaasahan na magagwapuhan ako sakanya. Ang buhok niyang basang basa dahilan para tumulo ito sa ilong, sa cheeks, sa leeg, at sa dibdib niya. Ang singkit niyang mga mata at matangos na ilong, ang kutis niyang tama lang, at ang labi niyang napakaganda at mapula. Agad kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa pulso ko at pumunta sa bandang kusina.

Saglit kong tinagilid ang ulo ko sa likod at bumagsak na pala siya sa kama niya. Nakapikit siya at nakaihalata sa kama na talagang inangkin na niya. Pumunta ako sa may bintana kung saan kitang kita ang napakagandang view mula dito sa taas. Napagmasdan ko rin ang Dream Catcher niyang nakasabit sa gilid ng bintana. I like dream catchers...

Naramdaman ko na nasa tabi ko na pala siya. Nakatingin siya sa mga bituwin at nakita ko muli ang ngiti niya. Tumingin rin ako sa mga bituwin at hindi mo talaga mapipigilan ngumiti sa ganda nito...

"Ang ganda ng mga bituwin!" Sabi ko habang nakatingin parin sa taas.

"Sobra." Tinignan ko siya. Nakatingin siya saakin. Nailang ako kaya binalik ko ulit ang tingin ko sa taas at ganun din siya.

Maya-maya ay nagpasya na akong matulog dahil inaantok na ako. "Oi! Sa sofa ka matulog ha!" Sigaw saakin ni Christian. Lakas ng tama neto ah. Ang gentleman mo pre grabe.

"Oo na! Gyan ka na sa kama mo!" Sagot ko pabalik sakanya habang pumunta sa sofa para matulog na.

"Hey hey wait! Hindi ka pa pwede matulog!" Sabi niya saakin habang nakahiga siya sa kama niya. At bakit?

"And bakit naman?" Sagot ko sakanya habang nakaupo sa sofa.

"Papanoorin mo lang ako hanggang sa makatulog na ako. Mamaya kasi kung anong gawin mo eh." Wow, grabe nakakahiya. Bwiset ka talaga!

Hindi ko nalang siya sinagot at tinuon ko nalang ang braso ko sa tuhod ko.

Christian's Point of View

Tumingala ako sa ceiling at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa ulo ko. "Ano nga palang ginagawa niyo sa bar kanina?" Tanong ko sakanya pero walang sumagot kaya lumingon muli ako sa direksyon niya.

Nakita ko siya na natutulog na habang nakatuon ang braso sa tuhod niya. Babagsak na sana siya kaya dali dali akong tumayo at pumunta sakanya para saluhin ang ulo niya. Pinatong ko ito sa unan at kinumutan narin siya. Lumuhod ako sa harapan niya at pinagmasdan siya habang nakatagilid siya ng natutulog.

"You look so cute when you sleep." I whispered, while she is still fast asleep.

~~~~~~~~~~

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon