Chapter 33: Don't Know What to Do

16 5 37
                                    

Chapter 33: Don't Know What to Do


Colaide's Point of View

"YOU USELESS CHILD!" Sigaw sa akin ni mama habang ako'y nasampal.

"Ang dali-dali ng pinapagawa namin sayo ng papa mo pero hindi mo pa nagawa?!You're a disappointment to this family!" Pagkarinig ko nang salitang iyon ay nagkuom ang aking mga kamao.

"DISAPPOINTMENT?! Ginagawa ko lang naman kung ano ang gusto niyo! Pinagpanggap niyo pa akong may kapatid kahit wala! Pinagpanggap niyo akong masama sa mga kaibigan ko! Tapos ako pa yung disappointment ma?!" Sigaw ko habang ako'y humahagulgol na habang nakaluhod.

"Inalala mo pa yung mga kaibigan mo?! Kaibigan mo na anak nang ahas?!" Sagot sa akin ni mama.

"Wala akong pake kung anong tingin mo kay Shane at sa pamilya niya! But you shouldn't drag me in your delusional thinkings with dad—" *PAK*

Chim's Point of View

Naglalakad na kami ngayon pabalik kay na Shane at Christian. Pagkadala kasi namin nina Christian kay Shane sa Infirmary ay iniwan muna namin silang dalawa. Naka ilang minuto na naman kaya naisipan na naming bumalik at tignan ang kalagayan ni Shane.

Ako ang nauuna sa paglalakad at nasa likod ko naman ang squad. Bubuksan na sana nina Faith, Bella at Ella ang pinto nang pagkasilip nila sa bintana ay napatakip sila ng bibig at tumingin sa amin. Binigyan ko sila ng patanong na mukha at sinenyasan kami na silipin kung anong nangyayari sa loob.

Pagkasilip ko ay mapapasigaw na sana ako nang takpan ni Bella ang bibig ko at sinenyasan na wag maingay. "Uhh.. guys next time nalang tayo bumisita." Sabi ko sa kanila. Nakisakay naman sina Bella sa sinabi ko.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni John.

"Uhm.. busy kasi sila. U-uh.. natutulog wag na natin banggalain baka magising." Sagot naman ni Bella at um-oo naman kaming tatlo.

Nagsimula na kaming maglakad nang nakita ko sina Rogue at John na pabalik-balik ang tingin sa Infirmary at nagbubulungan. Nakita naman nila akong nakatingin sa kanila kaya bigla silang nag act normal. Napabuntong-hininga na lamang ako. Talagang dalawa na 'yun. Tsk.

"Boo, nood tayong movie mamaya." Biglang lapit sa akin ni Bella habang nakapulupot ang kanyang braso sa akin.

"Boo, tanggalin mo yung braso mo sa akin mamaya malaman nila." Sagot ko naman.

"Alam na naman nila eh." Sagot niya na ikinagulat ko.

"Ha?!"

"Sus parang di mo rin nararamdaman na alam na nila. Painosente ka nanaman eh." Asar niya sa akin.

"Hoy kayong dalawa rinig na rinig kaya namin yung bulungan niyo gyan. Hays." Sita naman sa amin nina Faith habang tumatawa naman sina Rogue sa likod ko.

Lumingon ako sa likod. "Anong tinatawa-tawa niyo gyan?!" Sigaw ko.

"Hoy, Chim wag kang ano gyan may sarili kaming pinaguusapan dito." Sagot nina Rogue. Napairap na lamang ako.

Shane's Point of View

Sakalukuyan na nasa taas ko si Christian while his lips were still on mine, until I came into my senses. Tinulak ko siya at dali-dali akong umupo habang siya ay nagulat sa ginawa ko.

"Shane? Is there something wro—" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sa hindi inaasahan, nasampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako ay nagulat rin. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon pero bigla ko nalang siya napagbuhatan ng kamay.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon