Chapter 12: Danger

86 77 2
                                    

Chapter 12: Danger

Nauna mag salita si Ivy. Nagpilit eh gusto makuha ung pwesto ng Empress. Kala mo naman pag nanalo siya makukuha niya agad yun. Psh.

Pagkatapos niya magsalita ako naman ang sumunod. Syempre hindi ako nagpatalo, eto pa ba? Tsk.. baka matatalo niya lang is yung pagong.

Sumunod naman ulit siya. Shutainames ang sakit nung sinabi niya. Husme tumagos yun sa puso ah. Char. Bigla nalang nag 'Ohhhhhh' ung mga kaklase namin.

Napa smirk siya sakin, siguro kala niya wala akong masasabi. Aba, hintay ka baka tumagos to sa kaluluwa mo.

Nagsalita ako ng mabilis. Tulala siya eh, mas lalong lumakas ung pag 'OHHHH' nila.

Hinihintay ko siyang magsalita kaso wala tulala amputs. Anyare sayo teh? Sinenyasan ko siya ng nganga na nakabuka ung bibig.

Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog yung bell. 'KRIIIIINGGGG'

Takbuhan ang mga luko, atat na atat mag break time? Hindi pa nga nag papaalam si Ms eh.

Haharap na sana ako kay Ms. na pagtigin ko ay nawala na rin sa kinatatayuan niya. Tumingin ako sa classroom namin na wala na palang tao kundi ako na nakatayo sa gitna.

Lumabas ako ng pinto na sa hallway ng may nakita akong patakbo palang papunta sa Cafeteria. Hinarang ko siya.

"Excuse me?" Sabi ko na humarang sa harap niya.

Tinaasan lang ako ng kilay. Psh.

"Bakit sila nagmamadaling pumunta ng Cafeteria?" Tanong ko sakanya. Akala ko tataasan na naman ako ng kilay. Buti sumagot naman.

"Ah, ewan papunta pa lang din ako eh. Bigla nalang may sumigaw na something tapos nagtakbuhan sila." Pagpapaliwanag niya na umalis na rin papunta ng Cafeteria pagkatapos.

Huh? Sumigaw? Husme.. wag naman sana.

Nagmadali akong pumasok ng Cafeteria. Pagpasok ko, Shutainames.

Napapalo nalang ako sa noo ko. Ito talagang utak ko. Kala ko kung ano na nangyari. May libre lang naman palang pasta. Hayssst.

"SHANE! BILI DITO!" Sigaw ng kung sino na pinapapapunta ako sa pila ng sobrang haba kala mo terminal papuntang langit. Ang haba kasi ng pila.

Pumunta naman ako at si Ella lang naman pala.

"May libreng pasta! Yiee!" Sabi niya na may paghampas pa sa braso ko. Inaano kita?

"Kuha mo nalang ako. Tinatamad akong tumayo dito." Sabi ko sakanya na bored at naglakad papunta sa lamesa sa may dulo.

"Uyy! Samahan mo naman ako! SHANE!" Dinig kong sigaw niya pero patuloy parin akong pumunta sa lamesa at hindi siya pinansin. Ewan ba, nahihilo nanaman ako.

Maya-maya ay lumapit na sakin sina Faith at Andrei na mukhang kakagising palang. Anyare sa dalawang toh?

"Oh, anyare sa inyo?" Sabi ko sakanila na naka nap sa lamesa.

"Nakipag gitgitan kasi kami dun sa mga tao..." Sabi ni Andrei na naka hawak sa ulo niya habang yung mukha nasa lamesa.

"Tsk.. ayan kasi napapala ng mga PG." Sabi ko sakanila na napairap.

"Grabe ka naman maka-PG gyan Shane.. hiyang hiya kami ah.." Patol ni Faith na naka nap rin katulad ni Andrei.

"Psh.." Sabi ko sakanila na napa cross arms.

Nakita ko na palapit na si Ella samin at napakalaki ng ngiti. Mukhang nagtagumpay toh.

Lumapit na siya samin na may dalang isang pasta na nakabalot sa taperware. Teka... nasan yung akin?

Umupo siya sa tabi ko at napatingin nalang ako sakanya na napakiskis pa ng kamay at halatang laway na laway. Pero bago pa siya makakain hinablot ko yung pagkain niya.

"UY!" Sigaw niya na inaabot yung pasta.

"Nasan yung akin?" Sabi ko sakanya na tinataas yung pasta.

"Ay... di ko nakuha gutom na gutom nako ih.. nawala sa isip ko.. sorry Shane." Paliwanag niya na pilit inaabot parin yung pasta pero nilalayo ko parin sakanya.

Alam kong gutom na toh pero may bigla nalang kumuha nung pasta sa kamay ko na napatingin kaming dalawa kung sino yun.

Si Christian nanaman. Tsk.. inabot niya kay Ella yung pasta na dahilan para magsalubong yung dalawang kilay ko at dali dali namang kumain tong si Ella.

"Ano ba?!" Sabi ko sakanya na naupo ako at napa cross arm.

Nagulat nalang ako na biglang may bumungad sakin na pasta sa harap ko dahilan para mabuhayan yung dalawa na naka nap.

Tinignan ko kung sino nagbaba nun. Si John pala. Sinuklian ko naman siya ng ngiti at napa smirk nalang siya.

"Thanks!" Sabi ko sakanya na habang kinakain na yung pasta at umupo naman silang dalawa ni Christian sa lamesa.

"Teka.. nasan yung Ash Gang?" Tanong ko sakanila kasi naman bakit dito sila nakaupo?

"Ahh.. ayun nakikipag agawan sa mga pasta." Dahilan ni John.

"Tsk eh bakit kayo nakakuha agad?" Tanong ko sakanila habang sumubo ng pasta.

"Kasi... special kami." Sagot naman ni Christian na naka smirk at napasandal sa upuan.

"Dwao." Sabi ko sakanila na sakalukuyang kumakain parin ng pasta ng may marinig kaming sigaw sa labas ng Cafeteria.

Haysst ano, free food ulit? Pero iba yung sigaw eh.. para bang nagulat na natatakot?

Nagtakbuhan nalang ang ibang mga estudyante habang yung iba walang pake at busy parin sa pagkain ng pasta nila. Mga PG talaga.. habang tsismoso naman yung iba..

Wow parang ako hindi? Pero hindi naman talaga. Pero na realize ko nalang na palakad na pala ko palabas ng Cafeteria. Anu toh Food Walking?

Lumabas naman ako ng Cafeteria at pumunta sa dulo ng hallway kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Nakisiksik naman ako sakanila hanggang sa makarating ako sa unahan.

Shutainames..

Nakakita ako ng babae na nakahilata sa lapag na naligo sa dugo.

Napatakip nalang ako ng bibig ko at sinubukang humanap ng tulong pero kahit saan ako pumunta wala lang man staff, teachers o may mga otoridad.

Kung saan kailangan namin ng tulong tsaka sila maglalaho. Pero nasaan nga sila?

Nakita ko si Christian na papalapit saakin kaya tinanong ko naman siya kung nasaan ang mga nakaka otoridad.

"Walang tao na may otoridad dito ngayon." Ang naging sagot naman niya saakin na habang nakasuklay sa bohok niya.

Binalik ko ang tingin ko dun sa babae. Bakit wala lang man tumutulong sakanya? Tsaka sino namang tao ang pwedeng may gawa sakanya nito?

Sakalukuyan parin siyang nakahilata sa lapag na naliligo sa dugo habang wala paring tumutulong sa kanya. Shusme...


~~~~End of Chapter 12~~~~

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon