Chapter 14: Bloody Debut Night

84 68 3
                                    

Chapter 14: Bloody Debut Night


Nakaupo ako ngayon sa study table ko habang yung tatlo naman busy sa pag pili ng sosootin nila. Naglalaro muna ako ng online games. Boring kasi eh. Mapapatay ko na sana yung kalaban biglang nilapitan ako nina Faith at Ella at inalog ako. Jusme-

Tinaggal ko yung headphones ko at sinara yung laptop.

"SHANE! Maganda ba toh?" Tanong ni Ella saakin habang pinapakita saakin ang isang dress sa cellphone niya.

"Oo na.." Nalang ang naging sagot ko.

Ay! Mamayanh gabi na nga pala yung debut ko! Jusme ang makalimutin ko talaga... sign of aging ba Shane? Char.

Tinignan ko ang orasan at 11:00 na pala. Nagsimula na akong mag ready para sa mamaya. Tinawagan ko na rin yung mga organizer kung ready na ba at um-oo naman sila. Siguro ni-ready na nga talaga lahat ni mommy.

Hindi daw kasi siya makakapunta. Hayss.

.
.
.
.
.
.
.
.

Evening at 6:30

Sakalukuyan akong nandidito sa kuwarto ko at nag-aayos parin. May mga tao nga rin palang pinapunta dito si mommy para mag-ayos saakin. Siguro mga 1 hr na akong mine make-up dito. Pati sina Ella at Faith naki make-up narin at yung boys naman, may sariling buhay.

Maya-maya ay tapos na rin sila sa pag me make-up saakin at pati ayos sa buhok. Sunod naman nilang inasikaso yung dress ko. Kulay purple ito na medyo dark sa taas habang light purple naman sa may baba na may konting glitters na butterfly. Putek sikipan niyo pa ha? Kasi naman, kanina pa nila hinihila yung tali sa likod ng ewan ko ba. Basta may hinihila sila.

Nauna na daw silang lahat sa venue at ako na lang ang natira dahil hindi parin ako tapos ayusan.

.
.
.
.

Ayan! Finally! Tapos na rin. Lumabas na kami ng school at ihahatid na ako sa venue. Teka bakit feeling ko ikakasal ako? Char.

Tumigil kami sa isang malaking gate na kulay puti. Pumasok na kami sa loob at ibinaba ako sa tapat ng malaking entrance door. Pagkababa ko, muntikan pa ako matalisod. Bakit ba kasi ang haba nitong dress na toh? Tumingin tingin muna ako sa paligid at wala ng tao. Mukhang nasa loob na silang lahat.

May kumalabit saakin na lalaki at hinila ako papunta sa likod ng building. Teka anu? Binigyan ko siya ng confused look at buti sumagot naman.

"Sa likod ka daw po dadaan Ma'm."

Sinabihan ko nalang siya ng 'ahhh' bilang sagot. Nakarating na kami sa likod at pinaakyat ako dun sa may hagdan. Sesenyasan daw ako kapag papasok na ko sa loob.

Mga 5 mins na akong nakatayo dito at buti naman dumating na yung lalaki at sinabihan na akong pumasok sa loob. Itutulak ko palang sana yung malaking pinto ng bumukas na ito magsarili. Anu ba?

Now Playing: Beautiful by Bazzi ft. Camila Cabello

Pagpasok ko sa loob ay bumungad saakin ang isang malaking gold na chandelier sa taas at dalawang way na malaking hagdan na may terrace. Teka saan ako dadaan, left or right? Hayss right na lang jusme.

Meron ding mahinahon na music parang bilang backround music ang dating.

"Hey, Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel..."

Teka.. bakit parang alam ko 'tong kanta na 'to?

"Love your imperfections every angle.. Tomorrow comes and goes before you know, so I just had to let you know."

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon