Chapter 20: Acquaintance Party

62 31 19
                                    

Chapter 20: Acquaintance Party


Ugh!! Bwiset talaga yung lalaki na yun! Dahil tuloy sakanya kaya ako sakalukuyan na naghahanda ngayon para sa kinabukasan na Acquaintance party na yun. Nakakainis talaga! Tapos after pa namin lumabas ng office ni Madame Alex iniwan nalang ako sa ere. "Now you'll learn your lesson." Yun ang huling kataga niya saakin bago tuluyang umalis. Psh!

"Ms. Hudson, should this be ok for your evening gown?" Tanong ng taga tulong saakin sa paghahanda para bukas. Tumango nalang ako bilang sagot at wala akong gana para sagutin sila. Nakakainis talaga! Ugh!

"You can go now. Please wake up early at 6:00 for tomorrow and meet us at the patio." Sabi nito at tsaka umalis. Magtatanong pa sana ako kung bakit sa patio pero bigla nalang siyang nawala na parang bula. Napatingin ako sa orasan at mag aalas dose na pala ng hating gabi. Dumiretso na ako sa dorm namin at baka hinihintay narin ako ng mga luko.

Pagpasok ko sa dorm ay nagulat ako ng patay ang mga ilaw at walang tao. Himala, mga tulugan na. Pagod narin naman ako kaya dumiretso na rin ako sa kuwarto ko para magbihis. Bwiset kasi yung Colaide na yun. Kasalanan niya to eh! Sa di naman katagalan ay hindi na ako nagulat na nakatulog na pala ako.

.
.
.
.
.

Katulad ng sinabi nung tagapagsilbi saakin kagabi, maaga daw ako gumising at pumunta sa patio kaya eto ako ngayon, naglalakad papunta sa patio. Pagkadating ko doon ay sumalubong saakin ang maaliwalas na paligid, magandang view, ang malamig na simoy ng hangin, at---- ang mga tao.

"Ms. Shane, buti nandito na po kayo." Tugon saakin ng tagapagsilbi. Tinuro niya saakin ang daan kung saan ako uupo kaya sumunod nalang ako.

"Hintayin nalang daw po yung choreo at yung partner mo." Sabi nito muli saakin na ikinagulat ko.

"T-teka! Partner?!" Tanong ko ngunit huli na dahil nakaalis na agad ito bigla. Hays, malas. Bigla ko nalang naramdaman na may umupo dito sa tabi ko kaya agad akong napatingin.

"C-christian??" Nanlalaki'ng mata na tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?" Dugtong ko. Hindi niya na ito nasagot ng may biglang lumapit saamin na lalaki dahilan sa pagkalingon namin sakanya. Siguro mga nasa 30's, ganun.

"So, are you two the participants for this event?" Seryosong sabi nito saamin na may malamig na boses. Lumingon ako kay Christian na tumango lamang na ikinataas ng kilay ko. Agad namang umalis yung lalaki dahilan sa pagkasunod ni Christian na agad din naman akong sumunod.

"T-teka, partner kita?!" Tanong ko sakanya.
Nagbikat-balikat lamang siya bilang sagot.

"Ok, you will learn a dance step from me that you will need to perform later night. Now listen, you need to do your best if you want to win, understood?" Seryosong sabi nito muli saamin na may malamig na boses kaya agad kaming napatango. At nagsimula na niya kaming turuan.

.
.
.
.
.

Natapos din sa wakas ang page-ensayo namin na siguro inabot ng 2-3 hours. Pero aaminin ko, may times na nagugulat nalang ako bigla sa nagtuturo kasi pag nagkamali talagang sisigawan ka niya. Pero ngunit si Christian ay kahit sinisigawan, hindi siya natatakot or something lang man. Parang wala lang sakanya ganun.

Sabagay, konti lang naman ung mistakes niya eh, samantalang ako aabutin ng siyam-siyam kada step. Pero agad din naman namin ito natapos.

"Rest for 30 mins and we will prepare for the program." Ani ni Ms. Nat na nandito pala. Hindi ko lang man' siya namalayan. Tumango lang muli kaming dalawa bilang sagot.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon