Chapter 19: Rankings

62 37 6
                                        

Chapter 19: Rankings


"Wait----- KRIMINAL SI HEADMIS---" Hindi ko natapos ang pasigaw na salita ko ng takpan nung babae ang bibig ko. Sorry ang ingay ko, ganyan talaga ko e.

Tinignan niya ako ng takot na look at tumingin tingin sa paligid. "Shh..." Sabi niya saakin habang nasa-sign pa na wag daw akong maingay.

"S-sorry.... pero di nga? Meaning mo kriminal talaga si Madame Alexandra...?" Curious na tanong ko ulit sakanya. Sinabi niya kasi saakin kanina ang mga alam niya tungkol sa school na ito. May mga illegal daw na nagawa at ginagawa sina Madame Alexandra katulad ng murder, killings, at sangkop din daw sa mafia.. hindi ako makapaniwala... Teka...

"Parang ganun na nga..." Medyo pagka-uneasy na sagot niya saakin.

"T-teka, diba sabi mo sila? Ibigsabihin..."

"O-oo, sila... hindi lang nag-iisa si Madame Alex..." Sagot niya saakin. Tumingin muli siya sa paligid at nagulat ako ng hinawakan niya ang dalawa ko'ng kamay. Tumingin muli siya saakin. Hindi kaya kasama si Madame sa DA? Hindi. Ano ba to'ng iniisip ko, hindi magagawa yun ni Ma'm.

"A-ah... sige, mauna nako, may gagawin pa kasi ako eh... sige bye." Mabilis na paalam niya saakin sabay takbo pabalik ng cafeteria.
May something dun sa freshman na yun... Ay shit! Nakalimutan ko sina Faith! Dali dali akong bumalik ng cafeteria at pagbukas ko ay kahit isang estudyante ay wala. 'San nagpunta ang mga yun?

Inikot ko ang buong cafetria bawat sulok at tinanong ko rin' ang crew sa cashier pero hindi daw nila alam at bigla nalang nagsi-alisan ang mga estudyante. Nakita ko rin' ang mga lamesa ng iba na may mga pagkain pa. Naisipan ko ng lumabas ng cafeteria at hanapin ang mga yun.

Pumunta ko sa east wing ng hallway at may narinig ako'ng mga ingay galing sa parte ng gitna kaya dali dali ako'ng pumunta doon at sumalubong naman saakin ang mga nagkukumpulan na estudyante sa... bulletin board? Pumunta naman ako 'dun at nakipag-siksikan sa mga estudyante hanggang sa maka rating ako sa harapan.

Sumalubong saakin dito ang mga pangalan ng estudyante na naka title ng "Rankings of Crosswells" crosswells ang tawag sa mga students na nag-aaral dito. Tinignan ko ang mga panagalan at una ko agad nakita ang pangalang Mark Christian Collins sa "Highest Tiers" na title. Eto na ba yung sinasabi ni Ivy saakin?

Sumunod naman si John Collins na nangangalang rank 2. At number 3 naman si... teka sino 'to? Nakita ko ang pangalan na Colaide Anderson. Hindi ko nalang 'to pinansin at patuloy sa pag hahanap ng mga pangalan at syempre lalo na yung akin.

Nag-iba naman ulit ang Title na naging "Elite Tiers" naman. Number 4 dito si... Mark Justin Theo Guzman.. teka nga, sino ba 'tong mga 'to? Di ko nalang ulit pinansin at patuloy na naghanap. Number 5 naman si.... ANDREI?? Wow.... lakas naman ng bespwend ko. Hahaha.

Sumunod naman kay Andrei ay si Jeon, wow.. sunod naman si Cedar Hudson---- teka WHAT?! Kailan pa naging matalino 'tong lalaking 'to?! Napairap ako sa hangin. Psh. Magyayabang nanaman yan. Sumunod naman si Chim na rank 8. Binaba ko ang sumunod na si... IVY?! Kasali pala si Ivy sa rankings, wow. Hinahabol talaga ang pagiging empress...

Sumunod naman na rank 10 ay si James. Sinunod ko ang susunod na pangalan at natigilan ako ng makita ang pangalan ko!! Rank 11 - Shane Freiz Hudson! Ako nga.. tinignan ko ang title kung nasaan ako na "High Tiers" wow naksss... brain and beauty, joke. Nilagpasan ko ang 12 at hindi ko naman ulit kilala hays. Binaba ko ulit ang kasunod na si Bella Kim na nasa rank 13, nice! Sunod naman si Faith Tandingan na rank 14 at si Ella na rank 15, magkakasunod talaga kami? Wow infairness, nasa High Tiers kami!

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon