Chapter 29: Trust

34 11 46
                                    

Chapter 29: Trust


Shane's Point of View

Nang nakalipas ang ilang araw na walang pag-uusap namin ni Christian ay umamin na nga si Rogue na siya ang may gawa sa nangyari noong Battle of the Gangs katulad ng pinangako niya sa akin kaya nailipat na ang pagkapanalo nila sa Ash Gang at natuwa naman ako. Binigyan sila ni Madame Alex ng magiging parusa nila ng dalawang linggo at dito muna manatili sa school. Ang hindi ko maintindihan ay bakit siya kaagad umamin ng ganoon kadali lamang?

"Ms. Hudson!" Ako'y nagulantang nang tawagin ako ni Ms. Ange. Nakatulala nanaman ako sa bintana hayss.

"I think you know the answer to this question I suppose?" Pagka-sarkastikong sabi niya sa akin. I answered the question boringly and once again sat on my chair while playing with my ballpen.

Nainis ako ng may tumapon saakin ng isang crampled na papel sa ulo ko. Tinignan ko kung saan nanggaling yung papel at nakita ko si Rogue na nakatingin saakin habang nakasandal sa upuan niya ng nakangiti. Tinignan ko siya ng masama at tinapon ng pagalit pabalik sakanya ang papel na ibinato niya sa akin. Kala mo kung sino pag umasta! Hindi niya naman eskwelahan ito!

"Ms. Hudson! Once again!" Lumingon ako sa harap at ofcourse, they were all staring at me again. Tinignan ko ulit ng masama si Rogue na tumatawa ng tahimik sa kanyang upuan. Isubo ko sayo yung papel eh! Psh!

"Ms. Hudson, Mr. Lawson! Come with me." Fuck. Kasalanan niya 'to eh! May paglalagyan ka sa'kin mamaya tignan mo lang. Parehas kaming lumabas ni Rogue sa labas ng classroom. Habang pinapagalitan kami ni Ms. Ange ay napalingon ako sa gilid ko. Paparating si Christian. Tinignan ko si Rogue na nakangisi sa kanya habang siya ay nakapoker face lamang na tinitignan si Rogue.

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Rogue kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin siya kay Christian ng nakangisi parin.

"Hey! Nakikinig ba kayo?!" Sigaw saamin ni Ms. Ange. Tinanggal ko ang braso ni Rogue sa balikat ko at tinignan ang paligid ko. Wala na siya. Hindi niya lang man ako sinulyapan kahit ng isang segundo.

"Yes Ma'm!" Sagot namin parehas. Sakto naman na tumunog na ang bell at pinalaya na rin kami ni Ms. Ange. Aalis na sana ako ng hawakan ni Rogue ang kamay ko at hinila papunta sakanya.

"Ano bang problema mo?!"

Christian's Point of View

Nang nadaan ako sa kanila, pinigilan ko ang sarili ko na tumingin o sumulyap lamang kay Shane. Alam kong nasasaktan siya pero sa ikakabuti niya naman ito. Alam kong mali rin ang ginawa ko na isipin lang ang sarili ko at iwan lang siya. Alam kong dapat magkasama naming hinaharap ang mga problema at paghihirap, pero hindi at ayaw ko lamang na nakikita si Shane na nagdudusa dahil sa akin kaya kailangan kong gawin ito. I'm sorry, mi'lady. Please keep shining, Shane.

Hindi ako umalis sa hallway. Nanatili ako sa likod ng isang pader at pinagmamasdan lamang sila. Next week pa papauwiin si Rogue dahil sa parusa niya sa pagsabotahe sa amin. Nang nakita kong hinila ni Rogue si Shane sa kanya pagkaalis ni Ms. Ange ay may parte ng puso ko ang kumirot. Agad akong umalis at nagpanggap na wala akong nakita hanggang sa may nakasalubong akong isang tao na matagal ko ng nakalimutan.

"C-Cassandra?"

Shane's Point of View

"Ano ba Rogue!" Lalo niya akong hinila palapit sakanya kaya tinadyakan ko siya sa maselang parte ng katawan niya at tsaka tumakbo.

"Bes? Anyare sayo?" Tanong nina Bella sa akin ng nakainkwentro ko sila sa hagdan. Hindi naman ako hinihingal at hindi rin naman halata na nagmamadali ako dahil hindi ako tumatakbo kaya bakit nila ako natanong?

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon