Chapter 27: On Our Way to Hell

36 16 45
                                    

Chapter 27: On Our Way to Hell


Andrei's Point of View

Hindi ko alam kung nae-excite ba ako o kinakabahan. Bukas na ang Battle of the Gangs at hindi pa kami masyadong nakapag-ready dahil sa pag-atake ni Hades noong isang araw. Hindi rin namin siya nahabol dahil bigla nalang siyang nawala na parang bula.

Nabalitaan ko na rin na nasaksak si Christian kaya kakadalaw ko lang rin sa ospital kahapon pero na discharge na raw siya ngayon. Dapat pala ang beshpwend ko ang masasaksak pero buti nalang at nasalo ni Christian. Well- I mean hindi naman ako masaya na nasaksak si Christian but I mean is na buti nalang hindi nasaksak si Shane. Nothing else, wala na kong ibang balita.

Papunta na sana ako ng training room namin ng pagkasilip ko sa may bintana ay kumirot ang puso ko. Nakita ko ang bestfriend ko at si Christian, magkayakap sa isa't isa na parang merong something sa kanilang dalawa. Eh ano namang pake ko? Bakit nga ba kumirot ang puso ko?

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

Faith's Point of View

Ilang araw na rin pero hindi parin namin alam kung ano nang nangyayari kay Shane. Hindi na namin siya masyado nakakausap kaya madalas ay lagi lang kaming nasa dorm. Hindi na rin siya napunta ng dorm o 'di kaya hindi namin siya naaabutan doon.

Si Andrei at John naman busy sa Battle of the Gangs nila. Si Bella laging kasama si Chim. Ako lang ba o parang may something sa dalawang 'yon? Pero kaya nga, eto kaming dalawa nalang ulit ni Ella ang natira. Parang dati...

"Faith! Ella!"

Shane's Point of View

Nang matapos ko bisitahin si Christian sa training room nila ay nagpasya naman akong kamustahin ang mga beshpwend ko. Miss na miss ko na sila... kami. Sakto naman na nakita ko si Ella a Faith na naglalakad sa hallway. Kaso bakit dalawa lang sila?

"Faith! Ella!" Tawag ko sa kanila habang kinakawayan at tumtakbo papunta sa direksyon nila. Pumalagitna ako at inakbayan silang dalawa sa magkabilang braso.

"Uy kamusta na kayo? Sorry hindi na tayo masyadong naguusap. Busy lang kasi eh..." Paumanhin ko sa kanila na sana maintindihan naman nila. Hindi na rin kasi kami nakakapag-text or call sa isa't isa dahil sinu-surrender na nga ang phones or gadgets sa daytime.

"Okay lang." Sagot nila na may pilit na ngiti saakin.

"Kahit hindi?" Asar ko sakanila habang tinutusok tusok ang gilid nila.

"Ok, ok. I give up!" Natatawang sabi saakin ni Ella. Tinignan ko si Faith na seryoso parin.

"Wehh tatawa na yannn! Tatawa na yan!" Asar ko sakanya habang sinusubukan siyang kilitiin.

"ANO BA SHANE! Just stop! Don't act like na walang nangyari these days at bigla bigla ka nalang susulpot na parang okay lang ang lahat!" Nagulat ako sa sinabi niya at the same time nasasaktan ako and naiinis sa sarili ko. Hindi ko alam na wala na pala akong time para sa mga kaibigan ko. Bigla nalang siyang tumakbo at gusto ko sanang habulin siya pero alam kong kailangan niya ng space at ibibigay ko sakanya 'yun. Pag nakakuha ako ng tamang oras, kakausapin ko siya at babawi ako sa kanila.

Christian's Point of View

Maaga kaming gigising bukas para sa Battle of the Bands. Dalawa't kalahati ang oras na tatahakin namin para makadating sa destinasyon namin. Nagsimula na akong mag-impake para bukas. Nilagay ko na ang mga kailangan naming dalhin at siyempre ang baril at katana ko. Tinignan ko ang orasan. 2 o'clock na ng umaga. Isang oras nalang at bababa na ako.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon