Chapter 2: The Interaction
Siya?!?! WTF?
Humarap ito saakin ng may poker face.
"Dinaanan mo lang ako na parang walang pake? Hindi ka lang man ba magso-sorry??" Sabi ko ng pasigaw.
"Hindi. Bakit naman ako mag so-sorry sayo? I. Don't. Like. Apologizing." Sabi niya ng nakapoker face at ma-otoridad na salita.
"Kung ayaw mo ng apologizing, I. Don't. Like. Stupid. Guys. Like. You." Sabi ko ng may madiin na salita katulad ng sakanya.
Sinesenyasan ako ni Ella at Faith na itigil na at umalis nalang.
"Hindi ako stupid. Sadyang desperate ka lang sa sorry ko." Sabi niya ng pataray.
"Ako? Desperate? Sa sorry mo? Haha. Nakakatawa naman yung joke mo." Pasigaw kong sabi.
Nagtinginan samin ang mga tao sa Cafeteria at biglang tumahimik ang paligid.
Napatingin ang lalaki sa paligid na payabang at parang wala syang pake.
"Shane, tara na..." Bulong sakin nina Ella at Faith.
"Hindi. Wait lang." Sabi ko na napa poker face narin.
"Mukha ba akong nag jo-joke? Psh." Sabi niya ng naka cross arms na.
"Ay, hindi. Hindi grabe." Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.
"Edi kung gusto mo ng joke na ganun, pumunta ka sa comedy bar at wag sakin." Sabi niya sabay smirk.
Bigla itong naglakad paalis ng Cafeteria habang sumunod ang mga mukhang unggoy niyang kaibigan.
Nanlaglag ang panga ko pagkatapos niya akong iiwan sa ere.
Sabagay sanay naman akong mapag-iwanan eh.
Pagkatapos nun ay narinig ko ang mga bulungan sa paligid ng Cafeteria.
Napairap nalang ako.
"Let's go Shane." Sabi ni Ella na parang hindi gusto ang ginawa ko.
Papunta na kamj sa classroom ng pagharap namin sa pinto ay bumulong sakin ang isang estudyante sa gilid ko ng,
"Nice one Shane."
Pumasok kami sa classroom at bigla muling tumahimik.
Pagtingin nila sa akin ay pumalakpak silang lahat at napaltan ang mga mukha nila ng ngiti.
Tumingin ako kay na Ella at Faith na napangiti din at pumalakpak.
'Ano bang ginawa ko??'
Habang naglalakad ako papunta sa aking upuan ay sinasabihan nila ako ng,
"Nice one, Shane!"
"Galing!"
"Woohoo!!"
Umupo na ako saking upuan at diko maiwasang ngumiti narin kahit di ko alam kung anong nangyari at bakit sila pumalakpak.
Maya-maya ay dumating na nag next teacher namin.
"Hello class, I'm Ms. Natalia and I will be your Science teacher." Sabi niya ng nakangiti.
"Good Morning, Ms. Nat!" Sabi namin.
"Follow me, we will be going to the Laboratory." Sabi niya at lumakad palabas.
Lumabas kaming lahat at papunta sa second floor.
Pagkatapos ng 3 kwarto ay nandito na ang Laboratory.
BINABASA MO ANG
Hell and Love
RomanceIsang normal na babae lamang si Shane sa kanyang maayos na buhay nang naisipan ng kanyang mga magulang na ilipat siya sa Crosswell High. Ngunit ang paaralan na iyon ang magbabago sa buhay at pagkatao niya. Kakayanin niya kaya pagsabayin ang impyerno...
