Chapter 21: Jealousy

56 32 8
                                    

Chapter 21: Jealousy


Pagkatapos namin magpalit para sa Evening Formal ay pumila muli kami sa backstage para sa announcing of winners. Jusme sana naman hindi kami manalo. Duh ayoko i-kiss or i-kiss ako ng lukong yun noh. Isa pa, wala na ako'ng pake kung tumaas ulit ung pride ng Colaide na yun. Basta ayokong manalo. Naka-soot ako ng white translucent dress na long sleeves at white headband na naka pony tail para sa bohok ko. Naka all-black suit naman si Christian with bow tie habang nag ma-match sa spikey straight brownish hair niya.

"Are you ready Crosswells?!" Kinabahan ako bigla sa sinabi ng MC. Inalog ko yung kamay ko bilang pagalis sa kaba. Tinignan ko si Christian. Naka smirk ang luko. Psh!

"Here is it. I will be announcing the 2nd and 1st runner up. While the remaining pair will be crowned as Champion." Tugon ng MC habang hawak hawak ang isang itim na envelope.

"Our 2nd Runner Up...." Putol niya.

"Pair number 1! Chim and Bella!" Sigaw ng MC. Naka blue fluffy dress si Bella habang may pagka-blue tuxedo shirt naman si Chim. Tinignan ko si Ivy na tumalon talon sa tuwa. Psh! Masama pakikiramdam ko dito ah. Agad na pumunta sina Ivy at John sa stage at binigyan ng certificate at medal. Naka slim white dress si Ivy habang naka tuxedo shirt naman si John na brown. Pagkatapos ay bumaba sila ng stage at dumiretso sa dressing room.

"Congrats for Pair 1! Now let's move on to our 1st Runner Up!" Sigaw nung lalaki na MC.

"Are you on team ChriShane?!" Sigaw nung babae na MC. ChriShane?! What the fvck? Ano yun?? I looked at Christian who is giggling. He looked back at me. Pinanliitan ko ng mata pero nag smirk lang siya.

"Or are you on team Ivon?" Sigaw muli ng MC. Nakita ko si Ivy na napaiwas ng tingin kay John.

Faith's Point of View

Bakit masakit? Hindi ko alam kung bakit bigla nalang kumirot yung puso ko ng sabihin nung MC ung Ivon...

"Moving on... our 1st Runner Up is...." Pa hesitate nung MC para ma ecxite ung mga audience.

"Pair number.... 2!! Congrats team Ivon and team ChriShane!"

Shane's Point of View

What. The. Fvck. Naiwan akkng tulala dito habang sinesenyasan ako ni Christian na umakyat na sa stage. Puta. Shit. No. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung bakit kaya hinila niya ako dahilan na masubsob ako sa dibdib niya. Shit. Naramdaman ko tuloy yung mainit nanaman niyang balat dahil sa naka 2 unbuttoned sa shirt niya.

Agad naman ako'ng lumayo sakanya at umakyat ng stage. Binigyan ako ng MC ng bouquet of flowers at certificate pati medal. Napatingin ako kay Christian na nakangiti habang tinatanggap yung certificate at medal niya. Tumingin din siya saakin. Umiwas ako at nag bow.

"Once again! Congratulations to Pair number 3's team ChriShane!" Sigaw ng MC dahilan para magpalakpakan at magsigawan yung audience. Tinignan ko naman yung ibang babae na nakasimangot at iniirapan ako. Psh!

"Oops! I almost forgot, what will be your request as a pair?" Tanong saamin ng MC. Sasagot na sana ako ng agawin ni Christian yung mic. Ay p*ta!

"As a pair... we would request to have a free lunch and dinner for the whole week in private." What. The. Fvck? Napatingin ako sakanya na naka smirk na nakatingin din saakin. Binigyan ko siya ng poker face. Seriously? Lagot to sakin mamaya.

"Ok, that would be settled. Now for the kiss on the cheek..." Sabi ng MC na ikinatigil ko. No. Hell no.

"Yo---" Hindi na naituloy ng MC yung sasabihin niya ng bigla ako'ng kiniss ni Christian sa cheek dahilan para mamula ako na parang kamatis. Frippin Hell!

Naghiyawan naman yung mga audience at pati yung MC na nag "ayiiieee". Fvck ano to'ng nararamdaman ko? Bakit hindi ako makagalaw? Frippin Hell!

"Ok, you may go now team ChriShane. And thank you for the lovely Chemistry for everyone! We wish you a happy life as couples, thank you to everyone and enjoy your meals!" Taene? Ano'ng sabi mo? Gusto mo masapak? Babalik sana ako ng hilahin ako ni Christian.

"Pag sinapak mo siya, i ki-kiss kita." Sabi niya saakin habang nakayuko na naka smirk.

"Kung ikaw kaya yung sapakin ko?" Naka poker face na sabi ko sakanya. Nawala naman yung mala smirk sa labi niya. Psh! Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papunta ng dressing room. Susunod sana ako ng makita ko si Ella? Nakatayo siya di kalayuan saamin habang nagpupunas ng luha na nakatingin saamin.

Pupunta sana ako sakanya ng may tumawag saakin. "Ms. Hudson mag bihis na daw po kayo para makakain na kayo." Agad naman ako'ng tumango at sinabi ko na susunod ako at tinignan muli kung saan nakatayo si Ella kaso wala na siya doon kaya dumiretso na ako sa dressing room ko.

Habang nakatingin sa reflection ko sa salamin ay hindi ko maiwasan na maisip ang mga panibagong tanong. Ano'ng nangyari kanina? Bakit ganun ang reaction ko? Bakit naiyak si Ella? May gusto ba saakin si Christian? May feelings ba siya? Haharang ba to sa mga plano ko? Sa pagtutuklas sa natatagong impyerno'ng to? At.... may feelings na nga ba ako sakanya?

Iniling ko yung ulo ko. Hindi. Hindi pwede. Guni-guni lang yun Shane. Wag ka'ng magpapaepekto. Marami kapang kailangan gawin. Agad na nagbihis ako sa casual na soot. Naka white top shirt at jean shorts sa pambaba. Lumabas na ako para kumain.

John's Point of View

Hindi maalis sa isip ko kung pano hinalikan ni Christian si Shane sa cheeks. Ewan ko ba. Basta may kakaibang feeling. Kaya eto ako ngayon, imbis na nakain, nag-iinom na mag-isa na nakatayo sa railings habang naka sandal sa may patio sa likod ng school. Siguro nakaka-ilang bote na rin ako. Pero yaan mo na, bala na! Hindi ko ba alam kung ano'ng nangyayari saakin.

Hindi naman ako madalas uminom kaya low drinker ako. Never pa'ng nangyari----- ay hinde, nangyari na pala. Dati. Parang gento rin. Kaya ayoko na maulit 'man kung ano'ng nangyari dati. At kung kakailanin 'man, ako nalang ang magpaparaya.

"John?" Pamilyar na tawag saakin ng isang babae dahilan para lumingon ako. Isang babae na naka-suot ng white top shirt at jean shorts na may messy hair. Ang ganda ganda niya talaga...

Lumapit siya saakin. "Anong ginagawa mo dito?" Nag-aalala'ng tanong niya.

"Nagpapahangin lang.." Uneasy na tanong ko.

"Naka-inom ka ba?" Lumingon siya saakin na nakakunot ang kilay. Agad naman ako'ng umiling at ininom ulit yung soju na hawak hawak ko.

"John... may poblema b---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng yakapin ko siya. Agad niya naman ako'ng tinulak palayo. Urgh!

"J-john ano ba'ng poblema?" Muli'ng tanong niya saakin. Umiling muli ako at ininom ang soju na hawak ko.

"John.. pwede mo namang sabih---" Pinutol ko yung sasabihin niya.

"Nagseselos ako Shane!" Sigaw ko sabay inom ng soju na hawak ko.

"H-huh? Kanino?" Curious na tanong niya saakin. Pero hindi ko na namalayan na bumagsak na pala ako. Buti nalang na nasalo niya ako. Nag-aalala'ng tinignan niya ako habang ako ay nakangiti lang. Kahit nanlalabo na ang paningin ko at nahihilo ay napapagmasdan ko parin siya. Ang ganda pagmasdan ng mukha niya...

"J-john! Okay ka lang ba? John!" Sunod-sunod na mga tanong niya saakin habang inaalog-alog ako. Dahan dahan ko'ng hinawakan yung pisngi niya.

"S-sayo..." Nakita ko ang pagkalito sa mukha niga bago ako tuluyan na mawalan ng malay dahil sa lasing.


~~~~End of Chapter 21~~~~

AUTHOR'S NOTE: Happy New Year Everyone! 🎉

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon