Chapter 28: Stay or Leave

31 14 29
                                        

Chapter 28: Stay or Leave


Shane's Point of View

Nakapasok na kami ng HGS at umupo na sa assigned seats namin sa taas kung saan kita namin lahat ng mangyayari sa Stadium.

Pagkatapos ng ilang oras ay inannounce na magsisimula na daw ang laro. Isa-isang nagsilabasan ang mga gangs sa pintuan papasok sa stadium. Nagsimula na ring maghiyawan ang audience at isinisigaw ang mga gang na galing sa kanila. Nang lumabas na ang Ash Gang ay tsaka kami nagsigawan at pumalakpak.

"BURN THEM ASH GANG! KAYA NIYO YAN!" Sigaw ko sakanila kaya sumabay din ang mga kasama ko hanggang sa lahat na ng Crosswellers ang sumigaw.

"BURN THEM! BURN THEM!" Sigaw naming lahat habang tinataas ang mga kamao namin. Nakita kong tumingin sa direksyon namin sina Christian kaya napangiti ako at nag thumbs-up sakanila.

"Okay everyone, are you all ready to witness the Battle of the Gangs 2019?!" Excited na sabi ng emcee saamin kaya lahat naman kami ay sumangayon.

"First up are the Drag Slayerz and Poison Ivys!" Pumunta ang dalawang gang sa gitna at pumunta sa designated area nila. Nasa kaliwa ang Drag Slayerz habang nasa kanan naman ang Poison Ivys. Pinagmasdan ko ang dalawang grupo at puro babae pala ang Poison Ivys. Pwede pala 'yon?

"Okay. All you need to do is to push that button in the wall to answer but not by your hand, instead by your weapons. You can use any weapons you want to push the button, just not your hands. Whoever gets the first answer wins and the other loses and burn down to death." Wow. Kakaibang laro nga ito. Simple, but deadly.

Nag ready ang dalawang gang para batuhin ang armas nila sa pindutan. So, ang pinakakailangang skill pala dito ay intelligence and aiming skills. Psh, easy.

"First Question. When did the Battle of the Gangs started?" Nag-unahan ng magbatuhan ang dalawang gang sa pindutan. Nauna ang Poison Ivys.

"December 1999." Exact date dapat psh. Ambobo amputs.

"Wrong. Drag Slayerz, steal." Teka ba't ko alam 'yun?

"December 16, 1999." Kalmadong sabi nu'ng lalaki.

"Correct. Poison Ivys, sorry but buh-bye!" Asar na sabi nu'ng emcee tsaka may pinindot na lever para bumukas ang tinatapakan ng gang na iyon at malaglag sila. Lahat naman ng audience ay napa-gasp.

"Next up, Bloody Vamps and Titan Tempt!" Nang sumalang ang Bloody Vamps sa gitna ay nag-rawr naman ang mga audience nila. Wow, may paganun din sila.

"Ahu! Ahu!" Sigaw naman ng audience sa Titan Tempt. Psh.

"Who hosted this Battle of the Gangs 2019?" Ang dadali naman ng questions nil-- wait, 'di ko naman alam 'to eh. Pero malamang sinabi naman sakanila bago mag start yung event diba?

Nauna ang Bloody Vamps na makapindot sa pindutan gamit ang kutsilyo nila. "Headmistress Alexandra." Tinignan ko si Ma'm Alex at naka-smirk siya ngayon. Mukhang sanay na sanay siya sa mga gento.

"Oops, wrong. Titan Tempt, steal!"

"Christina Angelica Collins." N-nanay ni Christian? Siya ang nag host ng event na ito?

"Correct. Goodbye Bloody Vamps and be ready for your death!" Pinindot ulit ng emcee ang lever at bumukas ang mga tinatapakan ng dalawang gang dahilan para malaglag sila. Patay na kaya lahat ng natatalo sa larong ito?

Narinig ko ang mga sad and frustrated comments ng mga school nila. Ang iba nagalit, nalungkot, at ang iba naman ay naiinis.

"For our last round to the semi-finals, Ash Gang and Isen Frosts, go to the center." Heh. We all know who's gonna win and kung sinong mamamatay. Nagsimula ng magtanong ang emcee at tama ang hinala ko. Nauna ang Ash Gang kaya sila ang pasok sa semi-finals.

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon