Prologue

101 5 0
                                    

Prologue

Fuckin'shit.

Humigpit ang kapit ko sa manibela habang nagmamaneho sa gitna ng Kennon road, habang walang prenong bumubuhos ang ulan at ang mga luha ko.

Kanina ay naalimpungatan ako dahil sa lakas ng kulog. Bumangon ako mula sa kama at nagpasyang magtimpla ng gatas sa kusina. Habang umiikot ang kutsara ko sa loob ng tasa ay naglakad ako patungong porch, at doon, doon gumuho ang mundo ko.

"Please, tell me now to cancel the wedding. I'm willing to do that. Please, Deborah."

I heard him said that to my bestfriend, may bakas ng desperasyon ang tono niya. Ngunit humagulhol lamang ang kausap at saka umiling.

"Maiintindihan niya 'yon. Please, maawa ka. Hindi ko siya kayang mahalin gaya ng gusto mong mangyari! Alam mong ikaw lang!"

Napako ako sa sahig dahil doon. Paulit-ulit 'yong nag-echo hanggang sa tumarak sa puso ko. Hindi niya ako kayang mahalin? Pero nag-propose siya ng kasal?

Tang-ina.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na 'yon nasundan. Basta, naghahalikan na silang dalawa ngayon. May kasama pang ungol. Mapusok, may halong gigil, at alam mong sa kama ang ending nila. At pinanood ko lang 'yon.

Oo, nanood lang ako, habang umiinit ang gilid ng mga mata, habang nanginginig ang kalamnan, at habang nanghihina ako.

Kaso bumigay 'yong tasa. Nabitawan ko, at nabasag 'yon sa marmol na sahig. Agad silang bumaling sa'kin at pareho silang namutla sa harap ko. Mabilis pa silang kumalas sa isa't isa, na para bang sa paraang 'yon, ay mabubura pa nila sa isipan ko 'yong mga nakita ko!

"K--Kela," si Colin ang unang nakabawi. Humakbang siya palapit.

Umiling naman ako at umatras ng dalawang beses. "Sorry. Nalaglag."

"Tuloy niyo lang 'yong make up sex niyo. Promise, I won't take a video, and upload it on internet. Or sa porn site. Whatever." Pagkatapos ay tinalikuran ko na sila. Bilib nga ko sa sarili dahil napigilan kong umiyak sa harap nila. They're not worth it.

Nagmadali akong umakyat ng hagdan habang sumusunod sa'kin si Deborah.

"Kela, I can explain this," garalgal ang boses niya. "Please, listen."

Hindi ko na siya hinayaang makapasok sa loob ng kwarto, at sinadya kong bagsakan siya ng pinto. Mahagip sana 'yong makapal niyang mukha!

Nagmadali akong kumilos at hinagilap ang mga gamit ko. Mabuti na lang at naayos ko na 'yong maleta ko kanina. Bukas pa ang balik namin sa Manila pero mauuna na ko roon.

I don't think I could stay here any longer. Nasu-suffocate ako. Presensya nila ang papatay sa'kin ngayong gabi.

Habang inaasikaso ko ang ibang personal stuffs ko ay marahas kong pinupunasan ang magkabilang pisngi ko. Nasaan na ba kasi 'yong susi ng sasakyan ko? Tang-ina naman. Ayaw magpahanap!

Nanlulumong napaupo na lamang ako sa kama at tinakpan ang buong mukha gamit ang dalawang kamay. Sa ganoong ayos ako nagsimulang humagulhol.

Bakit nila nagawa 'yon? Fuck. Hindi ko maintindihan! Naging mabuti ako sa kanila. Alam nila 'yon. Kaya bakit ganito ang napala ko?

Palagi na lang ganito. Palagi na lang akong nasasaktan at nabibigo!

"Where are you going?"

Hindi ko pinansin ang magaling kong fiancé at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko inasahan na madadatnan ko pa rin sila sa baba. Conscience wouldn't let them sleep, huh? Or baka naman, nag-sex pa sila sa sofa.

"Please, stay for a while, Kela. Delikadong mag-drive ngayon. Umuulan at--"

Natikom ni Deborah ang bibig niya nong sumulyap ako sa gawi niya. Sulyap lang 'yon, ah? Wala pang sampal.

Pero hindi na ako nag-abalang magsalita pa. Dumiretso ako sa pintuan at nagitla nong may humawak bigla sa braso ko.

"You're not goin--"

Naputol siya dahil instinct na lumapat ang palad ko sa pisngi niya. Tumagilid ang mukha niya dahil sa impact. And I clenched my fist. Nanunuot ang hapdi sa palad ko.

Kulang pa 'yon. Masusuntok ko pa siya kapag hindi siya tumigil. Aalis ako rito at wala silang magagawa roon!

"I hate you," mabagal, mahina, at mariing sambit ko. Punong-puno 'yon ng pait na hindi ko alam kung paano ko nabitawan nang hindi kumukurap.

I exhaled sharply and glared at the two of them. Pansin kong mabilis na tumulo ang mga luha ng bestfriend ko.

You chose this, girl.

"Of all fucking people, kayo pa talaga ang nang-gago sa'kin?"

Tuluyang umiyak si Deborah doon, samantalang 'yong isa ay nakatungo lamang.

Ngumiti ako. "Tang-ina niyo."
Kahit nasasaktan at nadudurog ay ngumiti pa rin ako.

Kinuha ko sa bulsa ng suot na pullover 'yong sing-sing. Then, I marched toward my bestfriend. Kinuha ko ang kamay niya at nilapag ko roon 'yong sing-sing. 'Yong sing-sing na iningatan ko ng higit isang taon, ngunit hindi pala para sa akin.

She quickly shook her head when she realized what it is. Agad ko siyang binitawan at hinanap ang maleta sa tabi.

"Best wishes. Hope, we'd never see each other again."

'Yon ang huling linya ko sa kanilang dalawa bago lumabas ng rest house at pumasok sa loob ng sasakyan ko.

Sanay na dapat ako sa sakit dahil paulit-ulit ko naman 'yong naranasan, pero masakit pa rin.

Tanda ko pa, 12 years old ako nong ipagtabuyan ako ng pinakamamahal kong kapatid. 16 years old ako nong sinuko ko ang pangarap kong maging abogado. 18 years old ako nong halos itakwil ako ni Dad. 22 years old ako nong binaboy ako ng mga lasing na lalaki. 23 years old ako nong sinalo ko ang galit nila Mom at Ate. 25 years old ako nong nalaman ko na hindi pala ako mahal ng boyfriend ko, ni Colin.

Pero umasa pa rin ako dahil nag-propose siya nong 26 years old ako. Akala ko mahal niya na rin ako! But I was wrong!

Now that I'm 27 years old. I was fooled by my beloved fiancé and dear bestfriend.

"What a fuckin'shit life," I muttered as I drove faster.

Hanggang sa hindi ko na makontrol ang sasakyan ko dahil sa bilis nito at sa dulas ng kalsada. Kung tutuusin, pwede kong hayaan ang sarili ko na mahulog sa bangin ngunit hindi, hindi ko 'yon ginawa.

Mabilis kong pinihit ang sasakyan ko pakaliwa. Pinili kong mabunggo sa batuhan imbes na mahulog sa kawalan. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na duguan, at unti-unting pumipikit, habang walang prenong bumubuhos ang mga luha at ang ulan.

Hi, I'm Mikela Astrid and this...
This isn't my story.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon