Chapter 3
"Let's get straight to the point. What do you really need fro--"
"Your mansion is dim, plain, and fucking boring."
Saglit na nagtama ang mga mata namin bago siya umiwas at pinagpatuloy ang paglibot sa may sala. Sheet! Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko! I don't think I could stand a day with her. She talks a lot.
"Look, the color of your curtains doesn't blend with the painted walls. Tapos 'yong frames and vases, hindi maayos ang set-up. Shit, hindi balanseng tingnan! 'Yong flat screen, dapat 'di 'yan nakapwesto diyan. Wala bang nakaisip sa inyo na direkta 'yang masisikatan ng araw kapag binuksan mo 'yong bintana? Hindi naman porket mayaman ka, magsasayang ka na ng pera! Maraming batang nagugutom ngayon, kung alam mo lang."
Hindi ko na nasundan ang sinasabi niya. Nanatili lang akong nakatayo at pinapanood siyang magkomento sa bawat bagay na makikita niya. Hindi ko alam kung nananadya ba siya, pero pinapaalala niya lang sa akin si Ada.
Ganitong-ganito rin 'yon 'pag bumibisita sa condo ko sa Manila. Sinisiguro niya munang walang kalat, at nakaayos ang lahat, bago niya ko sermonan na maglinis at mag-asikaso naman. Tapos lalambingin at ipagluluto ko siya ng paborito niyang Chicken Currry para bati na kami.
Tipid akong ngumiti.
Tapos na 'yon. I have no power to turn back that time.
"Tapos, 'yong mga sofa!"
Nagulat ako nang biglang tumaas 'yong boses nong multo. Lumapit siya sa sofa at nakapameywang na pinagmamasdan 'yon, na para bang 'yon na ang pinakamalaking dagok na hinaharap niya sa buhay.
I don't seriously get her.
"Ano ba 'yan, dapat kasi naka-allign 'tong mga 'to sa may center table," dinig kong usal niya sa sarili.
Napakunot ang noo ko. Bakit ba kasi pinapakialaman niya 'yong ayos ni Manang? Sinubukan niya pang i-anggulo 'yong mga sofa ayon sa gusto niya. Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin sa'kin.
She arched her brow. "Ganda ko 'no?"
What the! Natamaan yata 'yong utak nito bago namatay. Umiling ako.
"You're crazy." At mukhang mahahawaan niya ko kung hindi niya pa ako lulubayan.
Tumawa siya. "Nababaliw ako sa'yo, Sir."
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa multong 'to. Kailangan ko na sigurong tumawag ng pari mamaya.
"No offense meant, Sir. But your whole sala is a fucking mess. Ang sakit sa mata."
Sinamaan ko siya ng tingin. I'm not asking for her opinion.
"Don't get me wrong, ha? You just need to hire a freaking good interior designer to fix this. Though, I like--Nah." Narinig kong bumuntong hininga siya at ngumiti pa sa may harap ko.
"I admired the architectural style of your ancestral mansion. May pagka-classy and slight touch ng gothic. May sense of home."
Nag-iwas siya ng tingin. Nabalot kami ng katahimikan. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari. Pumunta siya sa may hilera ng mga picture frame, habang hindi ko alam kung ano bang sasabihin. Parang kanina lang, atat na atat na kong paalisin siya.
"Is this Eden Verano?"
Natigilan ako roon. "How did you know my sister?"
"Small world, huh."
Lumapit ako sa kan'ya, habang binababa niya 'yong hawak niyang frame.
"We're former schoolmates. Sa Manila."
Magkabatch pala sila. Hinintay ko pa ang sunod niyang sasabihin. Humilig siya roon, at hindi sinasalubong ang mga mata ko.
"Nakilala ko siya dahil siya 'yong paboritong biktima at laruan ng spoiled brats. I really hate weaklings."
My forehead creased. "What are you saying?"
Anong biktima? Anong laruan? Hindi ko alam 'yon. Walang nababanggit sa'kin si Denden!
Bumaling naman siya sa'kin.
"Bullshit. Hindi mo alam? Anong klase kang kapatid?"Nandilim ang paningin ko roon. Sinubukan kong hawakan siya sa braso pero tumagos lang ako. Muntik ko nang makalimutang multo nga pala ang kausap ko. Sheet!
"Tell me more about it." I clenched my jaw. Ni hindi ko magawang pagbuhatan ng kamay ang kapatid ko. Anong karapatan nilang saktan si Denden? At nakakapikon lang dahil wala akong alam!
Umirap siya. "Hindi dapat ako 'yong kinakausap mo tungkol d'yan."
Right! Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ng magaling kong kapatid. I can't just let this pass.
"'Nak, nandito ka na pala. Akala ko ba gagabihin ka ngayon?"
Sheet. Hindi sinasagot ni Denden. Bumuntong hininga ako pagkatapos ay kalmadong hinarap ang bagong dating sa sala.
"Ikaw pala, 'Nong. Si Manang, ho?" Binaba ko ang cellphone at tinago 'yon sa bulsa ng jeans ko. Mamaya na kami magtutuos ni Denden.
"Nanunungkit ng sinampay, hijo. Kilala mo naman 'yon si Criselda. Hindi mapakali kapag walang ginagawa." Ngumiti si Manong at saka naupo sa sofa.
Nilapag niya 'yong tasang kape sa maliit na mesa. Wala siyang kamalay-malay na tinabihan na siya nong multo. Sheet.
Tumikhim ako. "Kamusta na po 'yong mga bulaklak? Pwede na po bang ibenta sa bayan?"
Hindi pa nakakasagot si Manong nang marinig kong nagtanong din siya sa kan'ya na para bang matagal na silang magkakilala.
"Hello, 'Tay! Okay lang po ba kung dito muna ako?"
Pasimple ko siyang binabantaan ng tingin, ngunit hindi niya ko nililingon. What the pack!
"Oo naman."
"You heard that, Sir?" sabay baling niya sa'kin. She even has the gut to smirk at me. Hindi ko lang mapatulan.
"Naani ko na 'yong sunflowers. Nga pala, nagmeryenda ka na ba? Gusto mo bang gawan kita nito?" Tukoy niya sa kinakaing sandwich. Mukhang nakabili na si Manang ng strawberry jam kanina.
"Oh, shit. May flower plantation kayo? Saan? Gusto kong puntahan!"
"Busog pa ho ako, 'Nong. Bukas po tutulong ako sa'yo," I said, completely dismissing her questions.
Tumango lang si Manong habang humihigop ng kape. Kailangan ko lang tapusin 'yong mga dapat na nagawa ko na, kung wala lang sumulpot na multo.
Tumagal pa ang usapan namin ni Manong at nong naubos niya na 'yong meryenda ay nagpaalam na kong pupunta ng opisina.
Tumayo na rin ito, habang bitbit 'yong tasa. 'Yong multo naman ay nakasimangot na lumapit sa kinatatayuan ko.
"Sayang naman. May mga kasama ka pala rito..."
Sinadya niyang bitinin sa ere ang sasabihin, at nagawa pang tumingkayad para bumulong sa may tenga ko.
"Gusto pa naman sana kitang solohin mamayang gabi."
"Sheet! Pwede ba--"
Natigilan ako nong makita kong lumingon si Manong sa gawi ko. Sheet. Hindi pa pala siya nakakalayo.
"May kumagat lang pong langgam," sabay hawak sa batok kong tumindig ang balahibo.
Umarte pa kong nasaktan sa harap ni Manong habang humahagalpak sa tawa 'yong multo. Nang paakyat na ko sa opisina ay doon na umigting ang panga ko. Gustong-gusto talaga niyang inuubos ang pasensya ko!
Packing tape!
BINABASA MO ANG
Soul Searching
عاطفية"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.