Chapter 6
"Baka kasi na sa'yo na, pinakawalan mo pa."
Saglit akong natigilan doon. Narinig ko namang sinaway ni Manang si Kuya Mac habang ako ay napapaisip. Paano siya magiging para sa'kin, kung hindi naman ako para sa kan'ya?
"Hindi ka mauubusan ng babae, Dan. Pero 'yong oras ang alalahanin mo," dagdag pa ni Kuya Mac.
Nagsalitan silang dalawa ni Manang sa pagpapayo sa'kin. Nakikinig lang ako. Naiintindihan ko naman 'yong concern nila sa'kin. I'm already 31 and no girlfriend since break up. Ni fling, wala ako ngayon.
Mimi smirked and sat beside me.
"Tayo na lang kasi, Sir."Napangisi na lang ako pabalik. While eyeing Manang and Kuya Mac. I don't want to cause suspicion.
"Tapos gawa tayo ng bata na kasing cute non," she continued.
Halos malaglag ako sa sofa dahil doon. What the. Nang sumulyap ako sa kan'ya ay pinagtawanan niya lang ako. Ibang klase talaga!
"Ang tagal mo," reklamo niya.
Kalalabas ko lang galing sa opisina ni Mr. Asteria nang makita ko siyang nakaabang. Nakaupo siya sa may bench. Nilabas ko ang cellphone ko at umaktong may tinawagan. Ito ang tinuro niya sa'kin kaninang umaga para hindi ako mapagkamalang nasisiraan ng bait, at malaya akong makausap siya. Marami pa namang tauhang nagtatrabaho dito sa flower farm. And it's a good idea, actually.
"Maraming demands ang client," I explained.
Gusto ni Mr. Asteria na magkaroon ng Green Roof. Nanghihinayang siya sa malawak na space ng rooftop ng opisina niya kung pwede naman 'tong lagyan ng iba pang mga pananim para sa kanyang pinapatakbong business. Nasabihan ko na siya kanina sa magiging estimate cost, at mga materials na gagamitin sa construction. We'll just schedule the next meeting for approval of designs.
She glanced at me. "Saan tayo pupunta ngayon?"
Sabay kaming naglalakad ngayon palabas ng farm. Nadadaanan namin 'yong samu't saring bulaklak at halaman. Malalago 'yon at alagang-alaga.
"May mga kailangan akong i-check na site," sagot ko. I need to inspect there to ensure that they adhere to original plans. There's no room for errors. Pangalan at propesyon ko ang nakataya rito.
"So busy naman pala ni Sir! Alam mo 'yong salitang F-U-N? Kailangan mo ring mag-relax paminsan-minsan! You're stiff."
I smiled a bit. "Doing work is my kind of fun."
Dahil sa trabaho lang ako nakakaramdam ng self-fulfilment. 'Yong tipong may silbi pa ko, kahit papaano sa mundong 'to.
"We could do something about that. If you'd only let me," aniya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nasa tenga pa rin ang phone. At hawak ang handbag na may lamang laptop sa kaliwang kamay ko.
"I can provide you another kind of fun. Not sex-related, ha? I don't have the physical body to gratify you. Basta, you're going to have the best nights of your life!" Tapos inunahan niya ako sa paglalakad. Nasa harap ko na siya at humahakbang paatras.
Lumawak ang ngiti niya. "You heard that, Sir? Best nights. Hindi lang isa, kun'di, marami!"
Umiling lang ako sa mga naiisip niya at hindi nagkomento.
"Ala-ala lang ang madadala mo kapag namatay ka na, Sir. Kaya maganda kung marami kang baon."
Napahinto naman ako bigla. Ganoon din siya. Tumaas-taas pa ang kilay niya sa'kin habang nakangiti pa rin nang malapad. That. That's her genuine smile. 'Yong walang reservation.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.