Chapter 11
"Ma, anong ginagawa mo rito?"
Napabangon ako bigla sa kama nang makita ko siyang nakaupo sa may gilid. Hindi man lang siya tumawag kahapon para ipaalam na bibisitahin niya ko rito. Luminga-linga ako sa buong kwarto para hanapin si Mimi, kaya lang mukhang nasa hardin na siya.
"Sinabi mo sa'king pupunta ka sa Batangas nong nakaraan, I waited but you did not come," paliwanag niya.
She looks uneasy.
Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon, at agad na nagsuot ng tsinelas pagkatapos ay niligpit ko ang higaan. Tumayo na rin si Mama at pinapanood ang bawat kilos ko.
What's wrong with her?
"Samahan mo na kong mag-almusal."
Umiling ako. Mauna na siya.
Kailangan ko munang makita si Mimi, dahil kinukutuban ako ngayon. Halos tumakbo na ko pababa ng hagdan para lang makarating sa hardin.
Naabutan ko roon si Manong na nagdidilig, pero hindi ko na siya inabala at naglibot mag-isa.Maging ang bawat puno ay inusisa ko dahil minsan ko na siyang naabutang natutulog sa sanga. Ngunit walang Mimi. Imposible 'yon dahil dito lang siya sa hardin nagpupunta tuwing umaga!
Ginulo ko ang buhok kong hindi pa nasusuklayan. Sheet. This can't be.
Mabilis akong umalis doon sa pavilion, at inisa-isang tingnan ang bawat kwarto, kung saan siya madalas tumatambay.
"Hijo, ano bang hinahanap mo?"
Mahinahon ang boses ni Manang sa likuran ko, habang nanginginig kong binuksan ang ilaw ng library.Kanina pa niya ko sinusundan mula nong dumaan ako sa kusina, pero wala akong panahon para sagutin siya nang maayos.
I need to find her now! Sheet! Sheet! Wala siya rito! Pack!
Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo, Mimi. This is not a packing good prank.
Nagmamadali akong lumabas ng library, at bumaba ng hagdan papuntang sala. Nadatnan ko si Mama na umiiyak habang nakaupo sa sofa. Wala akong ideya kung bakit, pero hindi 'yon ang inintindi ko. Pumunta akong garahe habang nakabuntot pa rin sa'kin si Manang Criselda.
"Mimi!"
May nakita akong puti kaya agad ko 'yong nilapitan ngunit nadismaya ako dahil kumot na nakasampay lang pala 'yon.
Sheet! Nasa'n na siya?! Hindi pwede 'to...
Nagpabalik-balik ako sa paglalakad, habang inaalala kung saan siya nagpupunta. Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang wala akong maisip na matino.
"Kumalma ka muna, 'nak," ani Manang.
Umiling ako. Ayoko.
Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita. May mga nasabi ako kagabi na dapat hindi ko na lang binitiwan, kung ganito rin naman pala ang mangyayari. Ang bobo ko.
Sheet! I can't lose her. No, please...
Bumalik ako sa kwarto, at hinalughog ang drawer para makuha ko agad ang susi ng kotse. Baka nasa labas lang siya, at nakikipaglaro na naman sa mga bata. Papatayin yata ako no'ng babaeng 'yon sa pag-aalala.
Ambang aalis na ko nang harangan ako ni Manang. Nasa likod niya na rin si Manong at si Mama.
Anong meron?
"Hindi ka pwedeng magmaneho na gan'yan ang lagay mo 'nak," Manang spoke in front of me.
Umiling-iling ako. Hindi kasi nila ako naiintindihan. Kailangan kong mahanap si Mimi. Kailangan ko siya!
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Roman d'amour"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.