Chapter 1
I'm still alive, but I'm barely breathing.
Hindi ko alam kung kailan pa ako nahilig sa music, pero bawat linya, bawat kanta ng The Script ay tumatagos sa akin. Angkop sa sitwasyon ko, at sa nararamdaman ko.
Indeed. I'm still alive, but I'm barely breathing. Bawat umaga ay hirap akong bumangon. Umaabot ako ng higit isang oras sa kama para lang tumunganga sa kisame.
Tulad ngayon.
Bumuntong hininga ako. Kung bakit ba naman nagising pa ko. Pwede namang hindi na.
"Pinagtimpla kita ng tsaa. Mukhang naparami ang inom mo kagabi."
'Yon ang bungad ni Manang Criselda sa'kin pagkarating ko sa hapag. Salubong ang kilay niya, at mukhang mapagsasabihan na naman ako.
"Pang-patulog lang 'yon, Nang."
Nilapag niya 'yong tasa sa ibabaw ng mesa, at nag-angat ng tingin sa'kin.
Ngumiti ako. "Salamat. Nag-almusal na po ba kayo? Si Manong?"
Naupo ako at nagsimulang humigop ng mainit na tsaa.
"Tapos na kami. May sinangag at ulam, kainin mo. Tinanghali ka na naman ng gising." At saka siya pum'westo sa may harapan ko, at pinanood akong mabuti.
Sinunod ko na lang ang utos niya, at kakain na lang ako kahit kaunti. I just appreciate her effort to cook a meal everyday. Sa edad niya ay dapat hindi na siya nagpapagod.
"Napapadalas na naman ang pag-inom mo ng alak, hijo. Baka magkasakit ka naman niyan sa ginagawa mo," aniya.
I only smiled at her to prove that I'm good. There's nothing really to worry about. Hindi lang talaga ako makatulog kaya napagdiskitahan ko 'yong whiskey sa fridge kagabi.
"Anong problema? Tungkol na naman ba 'to sa kan'ya?"
Umiling ako, at huminto saglit sa pagkain. Hangga't maaari, ayoko munang pag-usapan siya.
"Okay lang po ako, Nang."
I heard her heaved a sigh. Hindi na siya ulit nagsalita kaya mabilis kong tinapos ang almusal, dahil anong oras na. I can't be late. Marami akong appointment ngayong araw. Tinawagan ako ng secretary ko kanina, and informed me that I have a meeting with Mr. Villamor at 12.
Besides, I need a full-time diversion.
"'Nak, kailan mo ba pagbibigyan ang sarili mong sumaya ulit?"
Nagliligpit na ko non ng pinagkainan ko nang itanong niya 'yon sa'kin. Natigilan ako bigla, at hindi ko alam kung paano sasagutin 'yon ng walang halong pagpapanggap.
Nang napansin niya 'yon ay nilapitan niya na ako, at tinapik sa balikat.
"Narito lang kami ni Alfredo. Kung kailangan mo ng mapagsasabihan." Then, she smiled at me, as if she's trying to comfort me, and I must admit that it worked.
"I'm looking forward for your presentation. I'm sure, it'll be wonderful, too."
Napangiti naman ako dahil kanina pa ko napupuri ng asawa ni Mr. Villamor. Hindi ko siya inasahan sa meeting na 'to dahil walang nabanggit si Oliver sa'kin. Medyo naasiwa nga ako habang kumakain kanina, dahil sa pagiging sweet nilang dalawa sa harap ko.
Sheet. Nang-iingit lang.
"And, I'm expecting you to attend the upcoming party, Adan," ani Mr. Villamor.
I nodded and assured him that I'll be there. Hindi ko papalampasin ang pagkakataon na makilala ang iba pang associates niya. Actually, I'm very fortunate to be their chosen landscape architect for the extension scheme of Villamore Garden Resort. Isa na 'yon sa masasabi kong big time project na nakuha ko bilang freelancer.
Higit isang buwan na rin nang matapos ang kontratang 'yon, kaya nagulat ako nong nagpa-set si Mr. Villamor ng meeting sa secretary ko. They personally wanted me to renovate their backyard and I wouldn't say no. The prominent Villamor family is respected, not only here in Baguio city, kun'di sa buong lalawigan, at masasabi kong bigating mga kliyente. Napag-usapan na rin namin kanina 'yong mga gustong mangyari ni Mrs. Villamor sa bakuran nila at magse-set na lang ulit ng meeting para sa pagpapa-approve ng output designs.
Tumayo na ko nang makitang paalis na rin sila. May appointment pa raw sila sa Ob-gyn at nabigla ako roon. I didn't know that his wife is pregnant. Hindi pa halata sa tiyan niya.
"Congratulations," 'yon na lang ang nasabi ko.
Humiling pa sila na maging ninong ako. So, I gladly accepted it. Sino ba naman ako para tumanggi?
Kasabay ko silang lumabas ng restaurant, at nagpaalam ako na maglilibot muna sa resort habang naghihintay kay Oliver. I want to discuss something.
"Don't work too hard, Adan. Maglaan ka rin ng oras sa babae," habilin ni Mr. Villamor sa akin bago umalis. Sinang-ayunan din siya ng asawa, at napangisi na lang ako.
Seems like, everybody wants me to settle down. Naalala ko nong nakaraang araw, nagkaroon ng party sa Manila, at naubusan na ko ng palusot para tanggihan ang mga kaibigan ko.
"Akala ko talaga, hindi ka makakarating ngayon, Ads. You're too busy," ani Charson habang kaakbay ang longtime girlfriend na si Shyla.
Nasa VIP room kami non ng isang high-end bar. Pinili naming mag-stay doon para mag-catch-up muna bago sumabak sa dancefloor. Mukhang ako na ang nasa hot seat ngayon.
Ni isang lagok ko ang shot ko. At hindi ko pinansin ang mga pasaring nila sa akin.
"Mr. Gervacio's been asking about you, too. Imagine? He'd pay you higher, basta ba bumalik ka lang sa firm."
Nag-angat ako ng tingin kay Rekka. Nakatanggap nga ako ng tawag galing mismo kay Sir, pero ni-reconsider ko lang 'yong offer niya.
"Lucky bastard," si Tyron na mukhang tipsy na, dahil napapahilot na sa sentido. Kanina pa siya nakatutok sa cellphone, at ngayon lang nagkomento.
"I talked to him already."
Humilig ako sa couch, pagkatapos kong kumuha ng bagong lapag na shot. Mula rito ay dinig namin ang ingay ng tugtog at hiyawan ng tao."What exactly are you plans, Ads? May balak ka bang mag-settle sa Baguio? As in, for good?"
Sumulyap ako sa katabing si Mariaj at ngumisi. Umismid naman siya. They're too eager about me.
"May pending works pa ko doon. Maybe, soon. Babalik din ako."
Halatang hindi nila 'yon nagustuhan dahil nagusot ang mga mukha nila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto nila akong bumalik sa firm. Marami namang opportunity bilang freelancer and I want to explore more. What's wrong with that?
"You're full of excuses, Adan. Ang sabihin mo, hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo! Speaking of Ada, nakasalubong ko siya one time sa Trinoma an--"
Naputol si Shirene dahil bigla siyang siniko ni Cj. Muntik pang matapon ang vodka sa suot niyang dress.
Natahimik naman kaming lahat pagkatapos. Although, inasahan ko nang mauungkat 'yon.
Tinungga ko 'yong shot at nagsalin ulit. Alam kong pinapanood nila ang reaksyon ko, at sinubukan kong ipakita sa kanila na hindi ako apektado. Na hindi na ako apektado.
"What?" Shi raised her brow as she looked into me.
Umiling ako. Ambang iinumin ko na 'yong shot nong pinigilan ako ni Mariaj. Agad niya 'yong inagaw sa'kin, at siya ang umubos non. Wala akong nagawa.
Ngayon ay pinagmamasdan nila si Shi, na para bang ito ang sumira ng gabi namin. Nag-uusap sila gamit ang mga mata, na para bang hindi ko malalaman kung anong naiisip nila. Oh, come on.
Shirene sighed loudly. "It's been freaking years, guys. I'm just worried. Buntis siya, but she looked stressed."
Doon na ko natigilan. Sinong buntis?
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.