Chapter 14
"Paano ba 'yan, tapos na ang projects mo. Wala ka na ring tinanggap na bagong trabaho."
Naglalakad kami ngayon ni Mariaj sa Burnham park. Niyaya ko siyang mamasyal dito dahil hindi ko alam kung kailan ulit namin 'to magagawa.
"Yeah. I'm going back to Manila tomorrow."
Nahalata kong natigilan siya roon. Tumingala naman ako sa mga punong tinatabunan ang araw. Maganda ang panahon ngayong hapon. Malamig, at maaliwalas ang paligid.
"For good?" she probed.
Nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko alam. Sa ngayon kasi, hindi ako nagpaplano. Nakatulong ang sinabi ni Ninong na 'wag akong masyadong tutok sa trabaho, gaya rin ng sabi ni Mimi noon. Kailangan ko ring magpahinga minsan at huminga nang maluwag.
Ngumiti ako. "I'll surprise Denden for her birthday."
Nauna nang bumiyahe si Mama papunta roon kanina. Ilang taon na rin kasing hindi kami nakakapag-celebrate magkasama. Pambawi na rin sa sama ng loob ng binigay ko sa kan'ya noong nakaraan.
"That's nice." Then, she slowly nodded.
Lumapad ang ngiti ko. Ilang buwan ko na ring nakatrabaho si Mariaj dito dahil pinalitan niya 'yong kapatid niya, si Oliver, bilang secretary ko. At hindi ko maitatangging malaki ang naging tulong niya para sa recovery ko. I couldn't thank her enough.
Nauna na siyang maglakad sa'kin kaya naman agad ko siyang hinabol. Nagitla siya nong humawak ako bigla sa siko niya. Bumaling siya sa'kin.
"I just wanna ask," panimula ko. Nanatili siyang nakatunganga sa'kin kaya naman nagpatuloy ako.
"May gusto ka pa rin ba sa'kin?"I was trying to search for answer by staring at her chinky eyes, but she quickly avoided my gaze.
"You're hallucinating again, Ads."
Tumawa pa siya nang mahina sabay tanggal ng kamay kong nakahawak sa kan'ya.My lips parted. Hindi siya kailanman umamin sa'kin. Nalaman ko na 'yon noong high school pa lang kami dahil sa lalaking hindi niya pinayagang manligaw. Sinuntok ako non ni Axel at sinabi niyang may nararamdaman si Mariaj para sa'kin.
Pinanood ko lang siyang nauna na ulit maglakad. I hope, I'm not hurting her, unintentionally. God knows, how much I wanted to reciprocate her feelings, but I couldn't.
Mariaj is not meant for me.
"Where do you think, I can find Eden Verano?"
Ang sabi ni Mama nong dumating akong condo ay nasa duty si Denden. Kaya naman, nagpunta na ko dito sa hospital, imbes na hintayin ko pa siyang umuwi.
Nag-angat ng tingin sa'kin ang nurse na naka-aasign sa station malapit sa entrance.
She flashed a smile. "You mean, the birthday girl?
Maagap akong tumango.
"She's in Room 458. Fourth level. ICU."
"Thank you, Miss."
Ambang hahanapin ko na ang elevator nang umabot sa pandinig ko ang bulong niya.
"Hindi naman sinabi ni Ed na may boyfriend pala siyang gwapo."
Muli akong bumaling sa nurse na pinagpapatuloy ang clerical work.
"We're siblings, Miss."Napangiti naman ako nong huminto siya bigla sa pagsusulat, at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa'kin. Hindi niya siguro nahalata ang pagkakahawig naming dalawa ni Eden.
"I see." Awkward pa siyang tumawa sa harap ko.
Tumango na lang ako, at sinimulan nang maglakad.
Nakarating ako sa fourth floor bitbit pa rin ang box ng paboritong cupcake ng kapatid ko. Wala siyang ideya na nasa Manila na ako, at sinadya kong 'wag ipaalam sa kan'ya na bibisita ako sa birthday niya. Napapangisi na lang ako habang ini-imagine ko kung anong magiging reaksyon niya.
Kalalabas niya lang non galing sa kwarto ng pasyente niya nang magkita kami. I grinned at her shocked face.
"K--Kuya?"
"Happy birthday," sabay yakap at halik ko sa noo niya. I chuckled when I felt her stiffened. Talagang nagulat ko siya!
"W--What are you doing here?" she stammered.
Kumunot naman ang noo ko roon. Pansin ko na bukod sa gulat ay balisa siya ngayon. O baka guni-guni ko lang 'yon.
"To surprise you?"
She heaved a sigh.
"Please, go home, Kuya."Ano bang problema?
Sumulyap ulit ako sa kwartong pinanggalingan niya. Gawa sa salamin, kaya nakilala ko kung sino 'yong nakaratay sa loob. May mga makinang sumusuporta sa buhay ng babaeng 'yon.
Tinawag, at hinawakan ako ni Denden sa braso, hinihila niya ako paalis ngunit naestatwa na lang ako habang nakatitig pa rin sa mukha ng babae.
Hindi ako pwedeng magkamali.
"Mimi.."
Sheet! This can't be packing true!
Naramdaman kong huminto na sa paghatak sa'kin si Denden at narinig kong suminghap siya."Paano mo nakilala ang kapatid ko?"
Lalo akong natigilan sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko. Sheet! Anong kapatid?
Pakiramdam ko pinaglalaruan ako sa mga oras na 'to. I can't packing believe this!
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romantik"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.