Chapter 17

42 4 0
                                    

Chapter 17

Hinihingal ako pagkarating ko sa may labas ng kwarto niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko sa sobrang pag-aalala. Hindi naman siguro siya mawawala ulit, 'di ba?

"Please, save my daughter! Please!"

May mga nurse at doctor ang nakapalibot kay Mimi ngayon. Nakita kong pumasok na rin si Denden sa loob.

Nanghina ako bigla sa nasasaksihan ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko para maisalba siya. Nagkakagulo ang lahat habang nakatulala ako sa isang tabi. Isang pitik na lang ay mapapaupo na. Ubos na ubos na ang lakas ko.

"Parang awa niyo na. 'Wag ang anak ko..."

Napansin ko si Tita Cora na halos mapaupo na sa sahig habang humahagulhol. Nakaalalay sa kan'ya ang asawang nasa likod niya.

Nandito rin si Migo, tahimik na nakaupo habang nakatungo at kuyom ang kamay.

"Ate Mimi..." Ang bunso nila na si Milady na nakahawak sa salamin, at lumuluha.

The doctor is performing resuscitation using defibrillator to revive her life. Bumababa ang numerong nababasa ko sa heart monitor na nasa gilid.

God, please, let her stay with us. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Ngayon ko lang napagtanto na balewala 'yong takot na baka masaktan ako ulit, kung ikukumpara sa nararamdaman kong pangamba sa mga oras na 'to. Ayokong pagsisihan na hindi ko man lang nasabi sa kan'ya na mahal ko siya. Na mahal ko rin siya.

Sheet. Please don't die, Mimi. Parang gusto ko ring tumigil sa paghinga dahil sa nangyayari.

Unti-unti lang kumalma ang paligid nong bumalik na sa normal ang kalagayan niya. Inasikaso siya ng mga nurse, at lumabas na ang doctor mula sa kwarto.

"What happened, Doc?"
Si Tito Miguel ang kumausap sa kan'ya.

"Your daughter experienced life-threatening heart rhythms again."

Hindi ko na nasundan ang sinasabi ng doctor, dahil pinapanood ko lang si Mimi sa loob. Nang magkatinginan kami ni Denden ay ngumiti lang ito sa'kin nang tipid.

Doon ako napansin ni Adi kaya naguguluhang bumaling siya sa'kin. "Wala si Ate Mira dito."

"I'm here for Mimi."

Lalong kumunot ang noo niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapansin ang pagkakahawig nilang magkapatid.

"What do you need from her?" she asked. Ngunit hindi ko masagot.

Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa buong sistema ko. Nanghihina pa rin ako ngayon.

Tumayo na si Migo, halatang kagagaling din sa pag-iyak. Iniwasan ko lamang ang tingin niya, at binalik sa nagtatalong mag-asawa.

"Kailangan na siguro nating pakinggan ang hiling ni Mimi, Cora."

Naging kuryoso rin ang dalawa sa tabi ko. Anong hiling?

"I won't give her up," mariing sambit ni Tita Cora, habang humahakbang palayo kay Tito.

"You have all the time to think about it carefully. Euthanasia is not advised, but it's up to the patient, or the family involved."

What the!

Mabilis na lumapit si Migo sa kanila habang pareho kaming natigilan ni Adi sa pwesto namin.

"What's the meaning of this, Dad?" si Migo.

Mimi's okay now. There's no need to packing execute mercy killing!

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon