Chapter 5

49 4 0
                                    

Chapter 5

"Siguro, kung hindi ako kaluluwa, nagse-sex na tayo ngayon."

At dahil doon, muntik ko nang mabuga 'yong alak na kaiinom ko lang. Sheet! Walang filter talaga ang bibig ng babaeng 'to.

Tumikhim ako. "I don't do sex."

Pwede pa ang foreplay pero hindi pa ko umabot doon sa intercourse. Nagbukas ulit ako ng panibagong beer. Pang patulog lang.

"You're impossible," sarkastikong saad niya. Her eyes narrowed while looking at me.

Nagkibit balikat ako. Well, I don't intend to make her believe me. Sa kan'ya ko lang naamin ang bagay na 'yon. Hindi sa nahihiya ako sa mga kaibigan ko, kung hindi dahil hindi naman kailangang malaman pa nila.

"What the fuck," she blurted when she noticed my seriousness. Namilog ang mga mata niya.

Nasa balkonahe kami ng kwarto ko. Nakasandal ako sa railing, habang siya ay nakaharap sa may labas. Lumalakas ang ihip ng hangin at tinatangay nito ang buhok niya. Napaisip ako. Nakakaramdam ba ng ginaw ang mga multo?

"Are you gay?!" Halos mabingi ako sa sigaw niya.

Maagap akong umiling at bumuntong hininga. "Mahirap ba talagang paniwalaang may mga lalaki pa ring virgin hangga't hindi pa kasal?"

Tinungga ko 'yong alak na hawak ko at hinintay ang sasabihin niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.

"Men have physical urges to satisfy. I know that. Plus you're very good-looking! Sigurado ako na marami ng babaeng kumalabit sa'yo! At imposibleng hindi ka pa nagpahatak sa kama!"

"I don't let my organ to control me, Mimi. Kung ipapasok ko man, gusto ko sa asawa ko na. Sa asawa ko lang."

Ngumisi ako nong napansin kong natigilan siya roon. Naalala ko rin na ilang beses na kong nasampal ng babae dahil nabitin ko sila pero wala akong pakialam. Asawa ko lang ang makakatikim sa'kin.

Ngumiti siya. "You're turning me on big time, Sir."

Sheet. Nag-iwas ako ng tingin at muling nilagok ang beer. Mabuti na lang talaga at kaluluwa siya.

Pagkababa ko ng bote ay bumaling ulit ako sa kan'ya. Nakatingala na siya at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Her soft features scream innocence, but looks can really deceive people. She curses a lot and she's vulgar when it comes to her thoughts. Na para bang wala siyang tinatago.

"Have you experienced it?" kuryoso kong tanong.

May palagay akong magka-edad lang sila ng kapatid ko. Speaking of Eden, she refused to explain to me how it happened. Puntahan ko na lang daw siya sa Manila kung gusto ko raw malaman 'yong tungkol sa pagiging bullied niya. Isa pa 'yong pasaway.

"Almost." Tumipid ang ngiti niya.
"Hindi natuloy ng mga gago dahil may sumagip sa'kin. Pero tang-ina pa rin nila."

Nagulat ako roon. Pack.

Sumulyap siya sa'kin. "I got almost rape when I was 22."

Humigpit ang hawak ko sa bote. Hindi ko inasahang may ganoong kwento siya. Sheet! Sinubukan kong basahin kung anong nasa isip niya pero nakatitig lang ako sa kawalan, sa blanko niyang mga mata.

Gusto ko ring malaman kung lumuluha rin ba ang mga multo para makahanap na ko ng panyo ngayon.

I exhaled violently. "I'm sorry for asking."

"Matagal na 'yon, Sir. Nakalimot na ko. Besides, naipakulong na sila ni Dad kaya mabubulok sila roon."

Inubos ko ang natitirang alak pagkatapos ay nagbukas ulit ako ng bago. Last na talaga 'to. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano iibahin ang usapan ngayong galit pa rin ako doon sa mga lalaking nagtangka sa kaniya. No woman deserves to be treated bad. Respeto dapat. Kahit 'yong iba ay walang respeto sa sarili nila. Respeto pa rin.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon