Chapter 18
"She didn't tell you?"
Mabagal akong tumango, gulantang pa rin dahil sa nalaman. Hindi ko inasahan na ganoon kalalim ang nararamdaman ni Mimi para sa ex niyang 'yon. Kung tinanggap niya ang alok nitong kasal ay ibig sabihin, sigurado na siya dito. Sheet.
I heard Tita Cora let out a sigh.
"Mimi's supposed to be married by now, hijo. But something happened a week before the wedding."Nanatiling nakatitig ako sa kape. Ngayon ko lang napagtanto na wala akong kaalam-alam sa buhay ni Mimi. Kahit na siya itong madaldal sa aming dalawa, ang dami niya pa rin nireserba.
"Nabisto niyang may relasyon ang fiancé, at ang bestfriend niya," dugtong ni Tita Cora.
What the pack. Agad akong nag-angat ng tingin kay Tita, na kumuha na ng tissue para punasan ang tumakas na luha.
"Hindi ko lubos maisip kung gaano nila nasaktan ang anak ko."
Humigpit ang hawak ko sa kopita bago ubusin 'yon. Fiancé at bestfriend niya? Talagang masasaktan si Mimi doon! She trusted them both! Ngayon ko naintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagmumura niya nong gabing 'yon sa rooftop. Dapat ay binigyan ko pa siya non ng maraming bote para mailabas niya lahat ng sama ng loob.
"Ni hindi man lang nila napigilan na umalis si Mimi nong gabing 'yon. E'di sana wala sa ganitong sitwasyon ang anak ko."
Pack. Umigting ang panga ko dahil sa umalab na galit. Alam kong wala akong karapatan pero nagagalit ako para kay Mimi. Nagagalit ako dahil mahal ko 'yong nasaktan nila. Tapos naisip ko, anong pinagkaiba ko sa kanila? Sheet.
Marami pa kaming napag-usapan ni Tita nong gabing 'yon. Mabuti na lang at pinayagan niya pa rin akong dumalaw kay Mimi. Basta, patunayan ko raw sa kanila na malinis ang intensyon ko sa kan'ya.
Time flew very fast. Ngunit hindi pa rin nagigising si Mimi. Fortunately, her condition is getting better and stable. That's why she moved to a regular room last week.
Ngayon ay nasa opisina ako pero siya pa rin ang laman ng utak ko. Lakas ng tama ko sa'yo, Mimi.
Napangisi na lang ako habang nagbibingi-bingihan sa tumutunog na cellphone ko. Ayaw akong tigilan nila Tyron ngayong gabi. They still want to push my comeback celebration.
Tumayo na ko pagkatapos kong ilagay ang laptop sa loob ng bag ko. Pupunta ako ngayon sa hospital dahil namimiss ko na agad si Mimi.
Sheet.
"KJ's here, guys!" anunsyo ni Shi pagkarating ko sa basement ng building.
Nadatnan ko silang nakasandal sa kan'ya kan'yang kotse. Talagang hinintay pa nila akong makababa galing sa opisina. They're packing desperate to get me.
"I'll pass again," I said as I shook my head. Hindi ko kayang magsaya sa bar, hangga't hindi ako panatag sa lagay ni Mimi. Diretso ang lakad ko papuntang kotse habang naririnig ko ang mura, at pasaring nila sa'kin.
"Come on, Ads. Sumama ka na," si Allen 'yon.
Binuksan ko ang pinto, at nilagay muna ang mga gamit bago ako bumaling sa kanila. Nakabusangot ang mukha ni Shi at Cj sa'kin. Ka-holding hands naman ni Charson ang girlfriend nito sa gilid. Si Tyron ay nasa loob na ng kotse niya, at nakadungaw sa'min.
"Kung nandito lang sana si Mariaj, kanina pa tayo nagsasayaw sa bar. Hindi ka makakatanggi sa babaeng 'yon."
Sumulyap ako kay Rekka na nagsusuot na ngayon ng helmet. I think, I should spill the news before they force me to go.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.