Chapter 20

62 4 0
                                    

Chapter 20

"May problema ba kayo, Dan?" Ada probed.

Maagap akong umiling. Lahat kami ay natigilan dahil sa inasal ni Mimi.

Tumikhim si Migo. "Talk to her. Ako na maghahatid kay Eden."

Bumaling ako kay Denden, nagtatanong ang mga mata ko sa kan'ya kung okay lang ba 'yon. Nong tumango siya ay nagpasalamat muna ako kay Migo bago sundan si Mimi.

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil may kasambahay na nakapagturo kung saan siya nagpunta. I found her at their poolside.

"What's wrong?" Kunot noong tanong ko nong nakalapit ako sa kan'ya.

Nakahalukipkip siya, habang nakasimangot na nakamasid sa swimming pool.

"Fuck you," she muttered.

Napabuntong hininga ako, at nagpasyang tumayo sa harap niya. Humarang ako sa pinagmamasdan niyang swimming pool. I want all of her attention.

"What's making you upset, Mimi?"

She looked up at me. Matalim ang tingin niyang pumupukol sa'kin.

"So, sa araw-araw na pagdalaw mo sa hospital, nakikipaglandian ka pala sa mga nurse."

Kumunot lalo ang noo ko. Saan niya naman nakuha ang ideyang 'yan? Anong nakikipaglandian? Kung may lalandiin man ako, siya na 'yon. Siya lang.

"Tang ina mo."

"What are you saying?" mahinahon ang tono ko. Kabilaktaran ng kan'ya.

Humakbang siya palapit. Samantalang hinanda ko naman ang sarili kung itulak man niya ako bigla sa swimming pool na nasa likuran ko. Posible 'yon, dahil sa pinapakita niyang galit ngayon.

"Pinagsasabay mo ba kami ni Eden?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong na 'yon.

"Oh, please! Don't fucking deny it. Huli na kitang gago ka!" nangingilid na ang mga luha niya dahil sa matinding emosyon. She's not faking it.

"Matapos mong hindi magpakita, at guluhin ang utak ko, malalaman ko na lang na dalawa pala kaming nililigawan mo?!"

Sheet. Hindi pwede 'to.

"She's my sister," nanlulumong sambit ko.

"Nagagawa mong tawagan si Mila, pero ako, hindi?! Aanhin ko 'yong carnation mo?!"

She's stunned when she realized what I've said. "Shit! Magkapatid kayo?!"

I gave her a weak nod. Pakiramdam ko, unti-unting nawawala 'yong mga pinanghahawakan ko ngayon. Isang pitik lang, natangay lahat.

"Wala ka talagang naaalala," I spoke while watching her mumbling curses to herself.

Mas sinabi ko 'yon sa sarili kaysa sa kan'ya. Sheet. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"I told you, Adan."

Tipid akong napangiti. She called me by name again.

Siguro, inalam niya lang kung sino ang boyfriend ng Ate niya, kahit na hindi kami naipakilala sa isa't isa ni Ada noon. Concern siya sa Ate niya kaya inalam niya kung sino ako, kaya nalaman niya kung anong pangalan ko. Hindi dahil sa nagpapanggap siyang walang naaalala.

"Here," sabay lahad ko sa kan'ya ng cellphone ko na kinuha ko sa bulsa ng suot na jeans.

I don't want to assume, but she acted really jealous earlier. O baka guni-guni ko lang 'yon. Dahil, paanong magseselos siya kung wala siyang matandaan?

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon