Epilogue
Tanda ko pa, second year college ako nong natuto akong mag-cut ng klase. I didn't fucking want to get bored inside a classroom. Hindi naman ibig sabihin non ay pinabayaaan ko na ang pag-aaral ko. Marunong naman ako mag-self study at magtanong kung anong requirements sa mga professor.
Naghahanap ako noon nang mapagtataguan dahil nakita ko si Mom na naglilibot sa campus. So, I went straight to the botanical garden of St. Andrew University, only to found out the there's a guy sleeping on a bench.
May nakapasak na earphone sa magkabilang tenga niya at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo.
I couldn't help but stared at his manly face that time.
"Gwapo mo," mahinang sambit ko.
Napapangisi, habang maingat na kinukuha ko ang ID card mula sa suot niyang lace. I was just fucking curious.
That's how I met Adan Verano, the architect student. Nasa iisang building lang kami kaya naman madalas ko siyang nakakasalubong sa daan.
To the point, na kapag lalabas ako ng classroom o may napapadaan, hahanapin ko na agad siya. I was not the stalker type, though. I knew a lot about him based only on observation.
Nagpupunta siya sa gymnasium, mauupo sa isang sulok at doon gagawa ng thesis imbes na sa library. He preferred tea than coffee. Ayaw niya sa mga nagmumura and I don't fucking care. Crush ko lang siya. I don't have to please him by changing myself.
Hindi ko rin siya nabanggit kay Deborah kahit isang beses lang. I wanted him to be my secret and I don't share what's mine.
Third year college nong nakita ko siya sa bar na gabi-gabi kong pinupuntahan. Dala ng alak kaya lumapit ako sa kan'ya at hinatak siya patayo para halikan sa harap ng barkada niya. Narinig ko ang hiyawan sa paligid namin nong mga oras na 'yon.
He stiffened on his spot when I broke the kiss and whispered on his ear.
"Dare lang po, Kuya," I lied.
Ang lakas ng loob kong gawin 'yon kahit na wala pa kong karanasan. I just wanted him to be my first kiss. Mabuti na lang at madilim sa parteng 'yon kaya kampante akong hindi niya ko makikilala.
Hindi na rin ako nagtangkang lumapit ulit sa kan'ya pagkatapos noon. I'm outspoken but not in front of him.
Fourth year college nong nagsimula akong magtanong. Kung crush ko lang siya, bakit ako nasaktan nong inakbayan niya si Mariaj?
Gago siya.
College graduation nong hindi ko na nakita pa si Adan Verano. Kaya nong natagpuan ko siya sa Kids' Park ay ganoon na lang ang gulat ko. Bukod pa sa gulat na nakikita niya ako.
Ako na naging kaluluwa dahil sa resulta ng isang masaklap na aksidente.
"Umamin ka na kasi, Sir. Na nakikita mo ako." Tinukod ko ang siko sa bintana habang nakaharap pa rin ako sa kan'ya.
Bumuntong hininga siya. "Fine. What do you want?"
I became serious out of a sudden. Alam ko na dapat ang sagot diyan dahil halos isang taon na kong nagdarasal, humihiling na sana makabalik na ko sa katawan ko. 'Yon ang matagal ko ng gusto, ngunit hindi ako pinagbibigyan.
Pero iba ang sinisigaw ng puso ko nong oras na 'yon.
"I want you," I honestly said.
Pagkatapos ay humagalpak ako non sa tawa. I couldn't help but laughed at the idea. Na kailangan ko pang maging kaluluwa para maamin ko ang bagay na 'yon sa kan'ya. At para magkaroon ako ng 'guts' na mangulit sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.