Chapter 12
"Sige naman na, hijo. Kumain ka na. Kailangan mo pang inumin 'yong mga gamot mo."
Nanatili akong tahimik habang nakatanaw lang sa isang direksyon. Sa may balkonahe ng kwarto ko, na kung saan gabi-gabi kaming nagkwekwentuhan noon.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kapatid mo, Eden. Mag-iisang buwan na siyang nagkukulong sa kwarto. Tulala, at hindi makausap nang maayos."
Naramdaman kong hinawakan ni Manang ang kamay ko. Nasa may tabi ko siya, at halos subuan niya na ko para lang makakain.
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Dinig kong tanong niya sa akin.
Matinding lungkot lang ang nararamdaman ko. 'Yon lang.
"Kailan ka ba pupunta dito? Hindi ka ba talaga pwedeng mag-leave muna sa trabaho?"
Nawalhan ako ng pakialam sa paligid. Ang palaging laman ng isip ko ay si Mimi. Nasaan na siya? Anong ginagawa niya? Akala ko ba, may nararamdaman siya sa'kin.
Puro tanong. Puro sakit. Paulit-ulit.
"Gusto ka raw makausap ng kapatid mo, Adan."
Inabot ni Mama sa'kin ang cellphone ngunit pinagmasdan ko lang 'yon. Nang mapagtanto niyang wala akong balak kunin 'yon ay ni-loud speaker niya 'yon, at tinapat sa harap ko.
"Kuya," Eden breathe out.
"I love you. Miss na miss na kita."Sana masabi rin 'yan sa'kin ni Mimi. Dahil nangungulila na ko sa kan'ya.
"Magpakabait ka naman d'yan. Wag mo namang pahirapan sila Mama sa pag-aalaga sa'yo."
I heard Manang sobbed beside me.
"Sana pagdalaw ko, okay ka na para mabatukan kita ng ilang beses."
Hindi ko alam kung magiging okay pa ko. Hindi na ko sigurado.
Tuwing madaling araw, tumatakas ako ng mansion. Nagpapanggap muna akong tulog para mapanatag silang nasa kwarto lang ako. Lumalabas ako at pumupunta sa mga lugar na binibisita naming dalawa non ni Mimi. Habang naglalakad ako, iniiwasan ako ng mga tao sa daan dahil sa itsura kong napabayaan. Para na kong adik sa kanila dahil sa buhok kong magulo, dahil sa suot kong pajama, dahil sa balbas sarado kong mukha.
Wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang ay mahanap ko na siya.
"Pa, naisa-isa ko na, pero wala akong makitang Mimi sa mga puntod na nandito."
Sa kabilang sementeryo na ko pupunta bukas. Hindi ko nga alam kung Mimi ba talaga ang pangalan niya. Baka kasi palayaw lang 'yon. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko inalam ang epelyido niya.
"Please, tulungan mo naman ako."
Binato ko ang kauubos ko lang na bote ng alak. Umiikot na rin ang paningin ko dahil sa sobrang kalasingan. Mukhang naparami ang inom ko ngayong gabi.
"I just want to be with her. Mahirap bang ibigay 'yon sa'kin?"
Tang-i--Sheet! Marahas kong pinunasan ang basang pisngi ko. Mabuti na lang at nasa loob ako ng mosoleo dahil lalong lumakas ang ulan.
"Kausapin mo naman ako, Pa. Ilang taon ka na ring hindi nagpaparamdam sa'kin."
Paluhod akong naupo sa may harap ng pinaglalagyan ni Papa. I'm packing desperate to end this packing pain.
After that night, things began to worsen. Hindi ako nakauwi ng bahay at sobra silang nag-alala sa'kin.
Tanghali na nang makita nila akong natutulog sa sahig ng mosoleo. Mabuti raw at may nagmagandang loob na sepulturero ang kumuha ng cellphone ko at sinagot ang tawag nila.
Lalo nila akong binantayan, tinatabihan na ko sa pagtulog ni Mama simula non. At lalo akong nawalhan ng gana sa lahat ng bagay.
"Aside from medication and therapies, self-help is required for your treatment. Kailangan mo ring tulungan ang sarili mo na labanan ang sakit mo, Adan."
Ninong sighed when he got no response from me.
"Robert, is it okay, if we bring Adan to Manila? Para hindi ka na rin mahirapan sa pagpunta dito."
Aalis kami rito?
"Okay lang naman sa'king magpabalik-balik dito, Eva. Tinutupad ko lang 'yong pangako ko kay Adam, and besides, parang anak ko na rin Adan."
Paano kung naisipan na ni Mimi bumalik? Paano kung wala siyang maabutan dito?
"But, I guess, the change of environment would be good for his condition."
No. Hindi ako papayag.
Ilang araw kong inisip 'yon. Inisip nang inisip, hanggang sa hindi ko na alam kung anong dapat isipin. Hanggang sa hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman. Hanggang sa gumising ako isang araw, na wala na kong maramdaman.
Kaya nong oras na napag-isa ako sa kwarto ko, nong nakita ko 'yong botilya ng gamot na nakapatong sa maliit na mesa, sa tabi ng kama ko.
Hindi ko na alam, kung anong pumasok sa isip ko at marahan kong kinuha 'yon.
Naupo ako sa sahig at humilig sa kamang nasa likuran ko, habang mataman kong pinagmamasdan ang botilyang hawak ko.
Isang buwan na nilang pinipilit ipainom sa'kin 'to, pero hindi sila nagtatagumpay, hindi nila magawa.
Sabi nila, 'pag ininom ko 'to, mawawala ang hallucination ko. Baka umepekto sa'kin kahit na wala naman talaga akong sakit. Baka kapag inubos ko 'to, makakalimutan ko na si Mimi.
Dahil pagod na kong isipin siya. Pagod na ko.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto, at ang hysterical na sigaw ni Mama. Napanood ni Mama kung paano ko nilaklak 'yong gamot. Umiiyak siya habang mabilis na inaagaw sa'kin 'yong botilya at hinagis 'yon palayo.
Napahiga na lang ako bigla sa sahig dahil pakiramdam ko pinapatulog na ako.
"Please, Adan! Stay awake! 'Wag namang ganito, 'nak!" she wept.
Tinatapik-tapik niya ang pisngi ko habang nagsisidatingan sila Manong para buhatin ako. Naririnig ko ang hagulhol nila Manang habang tinatakbo nila ako pababa.
Unti-unti akong napapikit, namanhid.
Siguro kapag namatay na ko, at naging kaluluwa na rin ay pwede na kaming magsama ni Mimi.Baka pwede na kong pagbigyan ngayon.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.