Chapter 10

58 4 0
                                    

Chapter 10

Mabilis kong natapos 'yong sumunod na dalawa kaya nakapagtanghalian na rin ako sa wakas. At masasabi kong masarap siyang magluto. Hindi ko 'yong nabanggit sa kan'ya dahil baka lumaki ang ulo.

Pumunta kaming The Mansion at nakipag high-five ako sa mga guard na naka-duty. They both friendly, at nadagdagan na ata 'yong kapal ng mukha ko. Tumuloy kami sa Wright Park at nag-horseback riding. That was her first time. Panay ang tili niya habang nakasakay sa likod ko, at hindi ko alam kung nararamdaman ba ng kabayo 'yong presensya niya dahil naging kalmado naman 'to.

Noong bata pa ko palagi akong dinadala ni Papa roon kaya kabisado ko na kung paano pakiramdaman ang kabayo. 

Tatlo na lang ang kailangan kong gawin. Isa na rito ang pumasok sa Botanical Garden, at bigyan ng iba't ibang klaseng bulaklak ang sampung babae. Mimi's really unthinkable.

"You need to tell each one of them that they're beautiful," aniya.

Bitbit ang mga bulaklak na binili ko ay naglakad-lakad ako para maghanap ng mga babaeng pwede kong bigyan.

I chose to give the flowers to Grandmas. Ayokong masuntok ng wala sa oras kung sakaling may asawa o boyfriend palang kasama 'yong babae. Tapos 'yong iba ay sa mga bata. Gusto kong lumaki sila na naniniwala silang maganda sila. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may napapangiti kang tao kahit na hindi mo kakilala. 'Yong iba ay nagpa-picture pa sa'kin para daw may remembrance.

"Ang ganda niyo po, Lola. Para po sa'yo," sabay lahad ko ng rosas.

Pagkatanggap niya non ay naluha pa ito bago nakapagpasalamat.

"Kamamatay lang ng Mister ko, hijo, kaya akala ko hindi na ko makakatanggap nang ganito. Maraming salamat, apo."

It's heartwarming to receive such words. Very heartwarming. Sinuklian ko lamang siya ng ngiti. I'm not really good with words.

"Napakaswerte ng asawa mo sa'yo."

Nagulat ako nang bumaling siya sa katabi kong si Mimi.

"Sige na, maiwan ko na kayong dalawa," paalam ni Lola at muling nagpasalamat bago lumayo sa'min.

Sheet. Nakakakita rin siya ng mga ligaw na kaluluwa!

"Fuckin'shit."

Hanggang sa makabalik kami sa loob ng sasakyan ay gulantang pa rin kami sa nangyari. Humilig siya sa upuan habang awang pa rin ang labi. 

"She noticed me," wala sa sariling saad niya ulit. Pitong beses na ata.

Para bang sinasaksak niya 'yon sa isip niya, para maniwala siya. Siguro ay nasanay na siyang hindi napapansin. Kaya gan'yan ang reaksyon niya. 

Humugot muna ako nang malalim na hininga, bago iabot sa kan'ya 'yong natirang bulaklak. Isang tangkay ng carnation. Naagaw ko ang atensyon niya dahil doon.

She glanced at me in disbelief.
"Para sa'kin?"

Tumango ako, at nong tinanggap niya na 'yon ay nagsimula na kong paandarin ang sasakyan.

"You deserve it."
Sinadya kong sobrahan ng isa 'yong binili kong bulaklak, para mabigyan ko rin siya. Para masabi kong maganda siya ngunit hindi ko naman masabi ngayon.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon