Chapter 7
"From the moment, I just knew you'd be mine."
Inayos kong mabuti 'yong suot kong earphone habang sinasabayan 'yong kanta. Umiwas na muna ako sa mga kanta ng The Script dahil ayokong bumigat ang kalooban ko.
"You touched my hand, and I knew that this was gonna be our time."
Hinawakan ko na 'yong hose at sinimulang diligan ang mga pananim sa hardin ng mansion. Nakagawian ko na talagang kantahan ang mga ito para mabilis lumago at mamulaklak.
"I don't ever wanna lose this feeling. I don't wanna spend a moment apart."
Todo ngiti pa ko, kahit na hindi ganoon kaganda ang boses. Aminado naman ako doon. Haha.
"'Cause you bring out the best in me, like no one else can do."
Naalala ko 'yong sa bistro, pinilit ako ni Mimi na kumanta sa harap ng maraming tao kaso hindi natuloy kasi may isang babaeng lasing, nag iskandalo dahil pinagpalit daw siya sa bakla ng boyfriend niya.
"That's why I'm by your side."
Mabuti na rin 'yon dahil ipapahiya ko lang ang sarili 'pag nagkataon.
"And that's why I love you."
Natigilan ako nong may ibang kumanta. Nag-angat ako ng tingin para makita si Mimi na nakangiti sa may harapan ko. Nakapagitan sa'min 'yong iba't ibang kulay ng carnation na kasalukuyang dinidiligan ko.
"Everyday that I'm here with you, I know that it feels right," she continued singing.
Natawa ako nong siya rin 'yong nagse-second voice. Napailing-iling na lang ako habang pinapanood ko siya. Tumigil na rin ko sa pagkanta.
"And you know that we belong together, it just had to be you and me."
Ginawa niyang mic kuno 'yong kamay niya at may papikit-pikit pang nalalaman. I find it cute.
"'Cause you bring out the best in me, like no one else can do."
Napangisi ako. She's cute.
"That's why I'm by your side."
Our eyes met the moment she opened her eyes. Hindi pa rin nabubura ang ngiti niya sa maputla niyang labi.
"And that's why I love you," patuloy niya.
Sheet. Bumagsak bigla ang tingin ko sa hose dahil may kumabog nang malakas.
"Ngayon ko lang nalaman, na ang pangit pala ng boses mo, Sir. Ang sakit sa ears."
My brows furrowed. "Wala ka rin namang natamaang nota."
Pareho lang kaming babatuhin ng kamatis kapag kumanta sa stage. Pinuntahan ko 'yong ibang halaman habang siya ay sinusundan ako.
"Namiss mo ko?"
I just stared straight ahead. Hindi ko alam kung bakit nabura bigla ang ngisi ko. Parang may mali sa'kin.
"Ilang araw kang nawala. Saan ka ba nagpupunta?" Hindi ko na napigilan. Sheet.
"Namiss niya ko, aamin na 'yan," she spoke playfully.
Ngunit hindi ko siya pinansin at binuhos ang atensyon sa ginagawa ko. Sheet. Hindi dapat palaging ganito.
"Akala ko nga, hindi na ko makakabalik."
Sumulyap ako sa kan'ya. Mahina lang ang pagkakasabi niya non, pero hindi 'yon nakaligtas sa pandinig ko. Anong hindi na makakabalik?
She laughed. "Naubusan kasi ako ng pamasahe."
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.