Chapter 15
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakaupo kami sa may tapat ng kwarto. Halo-halo na hindi ko matukoy kung anong nangingibabaw. Hindi ko mapangalanan, at hangang ngayon hindi ko pa rin magawang paniwalaan.
Sheet.
"So, si Den pala ang dahilan kung bakit kayo nagkakilala."
That was a lie. Ang kapatid ko ang nagsabi non sa kan'ya kanina habang nakatunganga ako sa harap niya.
Tumango lang ako at huminga nang malalim habang nakatungo.
"It's been a while, Dan."
Bumaling ako sa kan'ya. She's wearing a maternal dress with her baby bump. Nakikita kong nakangiti, maging ang mga mata niya sa'kin.
"I missed talking to you."
I smiled back at her. "I missed you, too."
Pakiramdam ko may natanggal na bara sa dibdib ko habang kausap ko siya ngayon. Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin.
"I'm happy to know that you're okay," aniya, pagkatapos ay humiwalay agad sa'kin.
That's one thing I liked about her, she's expressive when it comes to her feelings. Umayos ako ng upo, at saglit na sinulyapan si Mimi sa loob ng kwarto.
"You shouldn't be here. It's not safe for you, and your baby," I told Ada.
Posible siyang makakuha ng sakit dito sa hospital, at hindi 'yon maganda para sa pagbubuntis niya.
"Katatapos lang ng prenatal check-up ko, kaya dumaan na rin ako rito. Pinagbabawalan din kasi ako nila Dex na bumisita palagi," sabay haplos niya sa malaking tyan at sulyap sa salamin para sa makita ang kapatid.
"Dalawang buwan na siyang nasa loob ng ICU, hangang ngayon hindi pa rin siya pinapayagang bumalik ng regular room."
Tulad niya ay pinanood ko rin Mimi na natutulong sa kwarto na 'yon. I still can't believe that she's really existing, that she's still alive.
"Paano siya na-comatose?" Hindi ko na napigilan ang tanong.
Actually, marami akong tanong pero mukhang si Denden na lang ang kakausapin ko tungkol doon. Hihintayin ko na lang muna matapos ang shift niya para sa araw na 'to.
"She was involved in a serious car accident, paalis ng Baguio, and got traumatic brain injury."
Natigilan ako nang marinig ko 'yon, napapaisip. Paalis ng Baguio?
"That was more than a year ago. Nong gabing na-engage kami ni Dex, doon namin nabalitaan 'yong nangyari sa kan'ya," she sighed.
"Kaya ba, hindi pa rin natutuloy ang kasal niyo?"
Noong tumango siya ay doon ko lang inumpisahang pagtagpiin ang lahat. Kaya pala magkamukha sila. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Mimi nang dumating si Ludex Montealto sa party. Kaya pala!
Sheet. All this time, Mimi knows everything!
"Hindi kumpleto ang entourage kapag wala 'yong maid of honor," she spoke.
Napakaliit ng mundo para sa'min. Hindi ko alam na may lihim palang galit sa'kin ang tadhana para tratuhin ako nang ganito. I don't know what to think, and what to feel anymore. I'm packing helpless at this moment.
"Bakit hindi mo siya naipakilala sa'kin noon?" I probed.
Dalawang kapatid lang niya ang nakita, at nakausap ko sa personal. Walang Mimi roon.
"We're not on good terms that time." Pansin kong nagbago ang timpla niya.
"Hindi ko pa 'to nasasabi sa'yo, but I grew up with a lot of insecurities because of her. She's gifted. I'm not," she started.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.