Chapter 13

47 5 0
                                    

Chapter 13

"I have here the results of his lab tests. The patient isn't seriously poisoned by antipsychotic drugs. And he can be safely discharge tomorrow."

"Thank you so much, Doc."

"We should thank God, Misis. Antipsychotic overdose may lead to develop cardiotoxity, seizures, comatose or fatality but your son is very fortunate to be an exception."

Nakasandal ako sa headboard ng kama, habang nakaupo, habang pinapanood ko ang pakikipag-usap ni Mama sa doktor na tumingin sa lagay ko. Nasa tabi ko naman si Manang na simula nang magising ako ay hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.

Buong akala ko talaga hindi na ko magigising. Masamang damo talaga ako.

"Narinig mo ba 'yon, hijo? Mapalad ka pa rin."

I remained silent. Hanggang sa may padarang na nagbukas ng pinto, at mabilis na nakalapit sa'kin. Napabaling sa kanan ang mukha ko dahil sa marahas na sampal na natanggap ko.

I'm sure, Mimi would also be furious if she's only here, if she found out what I did.

"Your Kuya's sick, Eden!"

"I don't care!"

I don't think, I can meet her gaze right now. Lalo na at naririnig ko ang munting hikbi ng kapatid ko.

"Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko pa naman sa'ting dalawa, ako lang ang mahina!"

Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko, at matapang kong sinalubong ang mga mata niya. Naupo din siya paharap sa'kin sa kama. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng iba bukod sa sakit.

I feel ashamed for hurting them because I'm broken.

"You promised, Kuya. Sabi mo, aalagaan mo kami ni Mama. Sabi mo hindi mo kami iiwan. Sabi mo, kahit wala na si Papa, ikaw ang bahala sa'min."

Napatungo ako, nakokonsensya at natatauhan sa mga nangyayari.

Humikbi siya. "N--Nagmahal ka lang ng ibang babae... nakalimutan mo na 'yon."

That's packing true. Sheet.

"I'm sorry," mahinang sambit ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Denden nang mahigpit habang patuloy pa ring umiiyak.

I know, sorry isn't enough to put things right, but I'll fix this once and for all.

"Ano 'tong sinasabi ni Oliver, na ikaw ang umaasikaso ng trabaho ko," tanong ko sa kabilang linya.

Nasa loob ako ng opisina nang maalala ko 'yong mga napabayaan kong proyekto. Masisira ako nito sa mga kliyente ko.

"Yeah."

Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Pumunta akong mesa at naupo roon, napakunot lalo ang noo ko.

"But you have work in Manila, right? Don't tell me, nag-file ka ng leave para lang dito?"

Higit isang buwan ko nang nakaligtaan ang trabaho ko. Ayokong isipin na si Mama ang nakiusap sa kan'ya, at hindi niya lang ito nahindian. Sheet.

"I resigned," sagot niya.

That's double sheet.

Napabuntong hininga ako. "You don't have to quit your--

"Wala pang isang linggo, mula nang ma-discharge ka, trabaho na agad ang iniisip mo."

Napahilot ako sa sentido dahil sa problemang ako rin mismo ang may gawa. "I'm fine, Mariaj. Why did you do that?"

"I want to pursue my real passion, Ads. Mag-aaral ulit ako. But for the mean time, I'll handle your projects," aniya.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon