Chapter 19
Ilang beses muna akong huminga nang malalim bago pumasok sa kwarto ni Mimi. Tinawagan ko na si Sir na hindi ako makakapasok buong araw. I don't want to miss this. Naalimpungatan pa ko sa tawag ni Denden sa'kin kaninang madaling araw.
"Oh, nandito na pala 'yong manliligaw mo," si Tita ang unang nakakita sa'kin.
Ngumiti ako sa kan'ya, at hinanap agad ng mga mata ko si Mimi sa loob ng kwarto. Hindi ako nabigo dahil natagpuan ko siyang nakaupo sa kama, habang nakapalibot sa kan'ya ang mga kapatid.
Nandito rin si Ada na nakasakay sa wheel chair kasama ang fiancé.
"May manliligaw ka na Mila?" Mimi asked. Unti-unting nabura ang ngiti niya nang magkatinginan kaming dalawa. At halos mangatog ako sa kaba dahil sa epekto niya sa'kin.Pack, she's real!
"You're his target, Ate." Then, Migo smirked at me.
Sheet. Nailang ako bigla dahil nagpabalik-balik ang tingin nila sa'kin, at kay Mimi. Na para bang may binabantayan sila.
"Hi," tanging nasabi ko matapos ang ilang buwan kong paghihintay sa kan'ya. Sheet! Hindi pa rin ako makapaniwala!
Halos isang minuto siyang nakatunganga sa'kin pagkatapos ay kumurap-kurap siya. Binibigyan ko lamang siya ng ngiti.
"The fuck?" she blurted.
Humagalpak naman sa tawa si Migo dahil doon. Samantalang si Tita ay nilapitan na ako para paupuin sa upuang nasa kanan ng kama ni Mimi.
"Fuckin'shit."
"Your mouth, Mimi," si Tito, habang inaasikaso ang pagkain niya.
Mimi faced me. "What are you doing here?"
Nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa'kin. At napangisi na lang ako sa reaksyon niyang 'yon. God, I missed her so bad.
"Oh my, what a lovely couple!"
Nasilaw ako sa sunod sunod na flash mula sa cellphone ni Ada, binulungan pa siya ng katabing si Ludex na nakangisi rin sa'min.Napailing-iling na lang ako sa napagtanto. Para kaming mga teenager na pinagkakanulo sa isa't isa.
"What the shit is happening?" si Mimi na gulantang pa rin sa presensya ko.
Tumabi si Tito sa may kabilang kama niya, bitbit ang plato ng soup.
"You need to eat."
Gusto ko sanang mag-volunteer na ako na lang ang magpakain sa kan'ya, kaya lang alam kong na-miss din siya ni Tito.
"Hindi mo naman na itutuloy ang kasal niyo ni Kuya Colin, 'di ba? Mas gusto ko kasi si Kuya Adan para sa'yo, Ate," si Adi na ngiting-ngiti.
Muntik nang mabulunan si Mimi doon, kaya agad kong siyang inabutan ng isang basong tubig na nakapatong sa tray. Nag-alinlangan pa siyang tanggapin 'yon sa'kin. She's avoiding my eyes as well. I don't know why.
"Araw-araw ka nitong binibisita, Mi. Kaya wala kaming problema dito," sabay hawak ni Tita sa isang balikat ko. Nasa likuran ko lang pala siya.
Kumunot ang noo ni Mimi nang bumaling ulit sa'kin. Hindi naman ako makapagsalita dahil natutulala lang ako sa mukha niya.
"Don't pressure her. She's still not fully recovered." Tumayo si Migo at kumuha ng mangga sa mesa.
"I think, Adan can still wait." Kumindat pa si Ada nong sumulyap ako sa kan'ya.
Narinig ko ring nagkomento si Tito, at pansin ko naman ang hindi pagiging kumportable ni Mimi sa sitwasyon.
Siguro dahil sa hindi naging maganda 'yong huling pagkikita naming dalawa. Kailangan ko nga palang bumawi sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.