Chapter 16
"Let's eat," yaya ko kay Denden nong natapos ako.
Kumuha muna siya ng gatas sa fridge, at marahan 'yong binaba sa ibabaw ng mesa. Naupo naman ako habang iniiwasan ko ang panunuri niya.
"At first, nong narinig ko 'yong Mimi sa'yo, siya na agad ang naisip ko. Pero imposibleng magkita kayo sa Baguio kung nandito siya sa Manila."
Weird. I know.
Naupo na rin siya sa tapat ko, at nagsimula na kaming kumain.
"Pero halos isang linggo mo na kong binibisita sa trabaho. So, that means something," she added.
Sheet. Napatuwid ako ng upo ngunit hindi pa rin nagsalita.
"Yesternight, realization sank into me. Paano mo nalaman na binu-bully ako noon?"
Doon ko na binitiwan ang kutsarang hawak ko, at nagsalin ng gatas sa baso naming dalawa.
"Wala ka talagang balak sabihin 'yon sa'kin?" sabay salubong ko sa mga mata niya. Siya na ngayon ang nag-iiwas ng tingin sa'kin.
"We cannot undo the past, Kuya."
Still, I don't want her to keep secrets from me. Paano kung may nangyaring malala sa kan'ya?
"Meron sana akong nagawa, Eden."
She let out a sigh as she faced me.
"Ate Mimi helped me. Palagi niya akong pinagalitan noon kapag nagpapaapi ako sa kanila."Ate? Nalukot ang noo ko sa harap niya. Anong Ate?
"She always reminds me that I should not let anybody to put me down. She somewhat taught me to be self-reliant."
Kita ko ang hanga sa mga mata niya habang sinasabi 'yon.
Bakit ngayon ko lang nalaman na matagal na palang parte ng mundo ko si Mimi?
"Why do you call her Ate?"
Magka-edad lang sila kung tutuusin."She's senior. Magka-batch lang kayo non sa SAU."
What the. Baby face lang ganoon?
"She's a year older than me. And accelerated student."
Napainom ako ng gatas nang marinig ko 'yon. Naalala ko 'yong sinabi ni Ada na gifted nga pala ang kapatid niyang 'yon. Everything makes sense to me now.
Ngumisi siya sa'kin.
"So, nasagot ko na po lahat ng tanong niyo, Kuya. Now, it's your turn. Siya ba?"Binaba ko muna ang basong hawak bago tumango sa kan'ya. Hindi na ko nagulat nong bigla siyang tumili, at tuwang-tuwa.
"I knew it, Kuya!"
Napailing-iling na lang ako. She's overreacting.
"Naniniwala talaga akong matino ka. That you dealt with depression, and not schizophrenia," aniya.
Napangiti ako. I'm pleased to know that she believes in me. Akala ko wala nang nakakaintindi sa sitwasyon ko non.
"Complete the details, Kuya. I have a whole day to listen to your not-so-ordinary love story."
Napailing-iling ulit ako. Inaatake na naman siya ng pagka-hopeless romantic. Tinapos ko na lang ang pagkain ko habang patuloy pa rin siyang nagsasalita.
"Magiging sister-in-law ko na pala si Ate Mimi."
Muntikan ko nang mabitawan 'yong plato ko nang marinig ko 'yon pagkatayo ko. Sheet.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.