Chapter 8
"Nakakamiss ding pumunta sa mga ganitong event," ani Mimi.
Kanina pa nagsimula ang gathering. Nakapag-speech na rin ang kasalukuyang CEO na si Mr. Conrad Villamor, the second born of third generation. Nakakahiya nga dahil niyaya ako mismo ni Mr. Villamor na sabayan sila sa pagkain. Hindi ako makatanggi kaya narito ako nakaupo kasama ang mga kilalang tao sa Baguio, at ang Mayor ng siyudad.
'I'm still not used to this.'
Type ko sa cellphone na hawak ko, habang nakatayo sa gilid ko si Mimi at binabasa 'yon. Patago ko rin 'yong ginagawa bilang respeto na rin sa mga kausap ko.
"You got the best architect, Mr. Villamor."
Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nagsalita. I think, she's engineer Dela Peña. Walo kaming nasa pabilog na mesa, at hindi ko nakabisadong maigi ang mga pangalan nila.
Nginisian niya ako habang naririnig ko ang pagmumura ni Mimi sa gilid ko.
"You're right, Vicky. Mr. Adan Verano is a hardworking man and very impressive on his field."
Now, all eyes are on me. Binigyan ko lamang sila ng ngiti.
"Thank you for the remarks, Sir."
Nagsunod-sunod pa ang mga komento nila sa akin, at sa trabaho ko. Sinasagot ko lang sila nang maayos at magalang. Nasabihan rin ako ni Mayor na may ipapatingin siya sa'king lupain para sa proyekto niya. Doon pa lang, pwede na kong umuwi ng mansion. I admit, I have a lot of things to learn about this profession but I'm willing to improve more.
Bumalik kay Mayor Alfonso ang usapan habang nakamasid pa rin sa'kin 'yong engineer. Nalaman kong anak siya ng isa sa mga board of directors na hindi nakadalo ngayong gabi.
"She's fucking seducing you."
Sinubukan kong itago ang ngisi ko habang nagtitipa. 'Relax, Mi.'
Pero imbes na huminahon ay lalo lang siyang nagwala. Pakiramdam daw niya, hinuhubaran na ko sa isip nong engineer.
"Akala mo naman, sobrang ganda. Malaki lang boobs niya. 'Yon lang!"
Pinigilan kong humagalpak sa tawa kaya napapangiti na lang ako na parang sira.
"Wag mong hahayaang makalapit sa'yo 'yan, ah? Baka mawala virginity mo, Sir. Concerned citizen lang ako," she added.
Umiling ako. She's not even my kind of girl to begin with. Magta-type na sana ulit ako nang may biglang dumating sa mesa.
"I'm sorry. Late na kong nakabiyahe papunta rito."
Naupo siya sa may bakanteng upuan katabi ni Mr. Villamor. Nawala agad ang ngiti ko nang makilala ko kung sinong nasa harap ko.
"Shit." I heard Mimi cursed. Tinakpan niya ang bibig nong sumulyap ako sa gawi niya. "Gwapo niya, Sir. But don't worry, ikaw pa rin."
I only looked away from her.
Nagulat na lang ako nong pinakilala ni Mr. Villamor ang bagong dating bilang pinsan, at isa sa mga investor ng kumpanya. Wala akong na-research tungkol doon. Napalagok ako ng champagne nang magtama ang paningin namin. Pack.
"You're here."
"You know, Mr. Verano, Dex?" Mr. Villamor asked him.
Tumango ito, at nakuha pang ngumiti sa'kin. Nakatago naman sa ilalim ng mesa ang kaliwang kamay kong nakakuyom na.
"We met through my fiancée, Kuya," sagot niya.
Tipid akong gumanti ng ngiti. Right.
"Speaking of Miranda, how is she?" Ang asawa ni Mr. Villamor ang nagtatanong. Bumagsak naman ang mga mata ko sa basong pinaglalaruan ko.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.