Chapter 9
"Saan ka pupunta? May trabaho ka ba ngayon? Hindi ba pwedeng dumito ka muna ngayong Linggo?"
Pinagmamasdan ko ang repleksyon ko mula sa salamin habang sinusuot ang relo ko nang biglang pumasok si Manang sa kwarto ko.
"May date ho ako, 'Nang."
Ngiting-ngiti pa ko nang hinarap ko siya, pero parang hindi 'to natuwa sa sinabi ko. Kabaliktaran sa inaasahan kong magiging reaksyon niya."May problema ba?"
Umiling lang ito sa akin kahit na alam niyang kabisado ko na ang bawat kilos niya.
"Wala. Hindi lang ako nakatulog nang maayos, hijo."
Naupo ako sa kama at sinintas na ang sapatos ko.
"Ibigay niyo na lang po sa ibang kasambahay 'yong mga gagawin niyo para makapagpahinga ka."
Tumayo na ko. Dahil kanina pa naghihintay si Mimi sa garahe, at paniguradong naiinip na 'yon. Mainipin 'yon, eh.
Nang tawagin ako ni Manang ay sinulyapan ko siya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yong pag-aalala niya sa'kin ngayon.
"Mag-ingat ka, ah?"
Tumango lang ako, at humalik muna sa sentido niya bago umalis ng kwarto ko.
"Anong gagawin natin dito?" I probed.
Akala ko kung saang pasyalan niya gustong pumunta. Hindi ko inasahan na yayayain niya kong lumabas ng Baguio city para lang huminto sa may Kennon road.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan, at tumigil sa kung saan makikitang mabuti ang waterfalls at ang bundok na nasa malayo. Ilang hakbang pa ay mahuhulog na siya sa malalim na bangin. Kaya naman nagmadali akong sumunod sa kan'ya. I stood beside her and watched how her eyes glittered with amazement.
"Alam mo 'yong ang ganda kaya lang delikado?"
Napatango ako habang nakamasid pa rin sa kan'ya. Yup, just like her.
"Shit, ito 'yon, eh! This place made me realize, that it's possible to get scared of something beautiful," aniya.
Nag-iwas agad ako ng tingin nong bigla siyang sumulyap sa'kin. Sheet. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala bang ibon dito? 'Yong cute lumipad?
"Pwedeng dito muna tayo kahit sandali lang?"
Tumikhim ako. "Sure."
I have no exact plans for today. I'll just go with the flow. Nagulat nga ko kanina nong may nakita akong basket sa backseat. Hindi ko alam na naghanda pala siya ng pagkain para sa'kin. Ako na lang daw bahalang magpaliwanag mamaya kay Manang kung sakaling magtanong, kung bakit nabawasan 'yong rekados.
I glanced at my wristwatch. Halos kalahating oras na ang lumipas ngunit nanatili pa rin si Mimi na nakatayo roon. Samantalang ako ay nakahilig sa hood ng sasakyan, nakahalukipkip, at pinapanood siya mula rito.
Ilang SUV na rin ang huminto para kunan ng picture ang magandang scenery. 'Yong iba nga ay sumusulyap pa sa gawi ko. Pero imbes na mailang ay hindi ko na lang iniintindi.
Nong wala nang sasakyan ay doon pa lang lumapit si Mimi sa'kin.
"Before we go, I have something to request."
I only stared at her. Naghihintay ng sunod niyang sasabihin.
"Please, don't limit yourself. I mean, 'wag mong pigilan ang sarili mo na sumaya. Napapansin ko kasi 'yon sa mga gala natin."
I exhaled sharply. "Fine."
As if on cue, sumigla ang kaninang seryoso niyang mukha. She even giggled while handing me a piece of paper. Agad ko 'yong tinanggap, at nalaglag ang panga ko habang binabasa ko 'yong mga nakasulat.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Romance"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of his almost fiancée. Little did he know that he would fall again and literally, search a soul.