Vivoree's POV
Kanina pa kami magkatabi ni CK pero kanina pa din kami walang kibuan. Naiinis pa din ako sa sarili ko. Bakit ko ba ako ipinahiya? Ugh.
"So, your graduation's getting nearer. Any plans for college, anybody?"-Sir Lliuson
Walang sumagot kay Sir. Siguro talagang high school feels pa rin kaming lahat.
"Nikka and CK, kumusta yung Canada Scholarship na tinetake ninyo?"-Sir Lliuson
Nagulat ako nun. I mean..what?! Canada scholarship?! Anong ibig sabihin neto?
"Wala pa pong balita tungkol diyan Sir. Pero tapos na kaming magtake ng exams."-CK
"Uh..Sir, ano pong sinasabi nila?"-Mira
"Oh. Hindi niyo ba alam yan?"-Sir Lliuson
"Hindi po."-Mira
Thank you, Mira. Now I'll get answers.
"Well, Nikka and CK took an exam for some scholarship in Canada. Pag pumasa sila doon, then..they'll go to college there together."-Sir Lliuson
My classmates mixed reactions echoed on the classroom. Some were happy, some were amazed, some excited, and some sad. And I belong to the last group. I feel so sad. Hindi ko man lang kasi nalaman mula sa kanya. I mean, yeah. Isang buwan kaming hindi partners. Pero sabi sa amin ng school, dapat alam pa rin namin lahat tungkol sa isa't-isa.
Pero sabagay. Paano nga ba naman mangyayari yun kung hindi kami nagpapansinan?
I raised my hand.
"Yes Miss Esclito?"-Sir Lliuson
"I just need to freshen up Sir. Can I?"-Ako
Tumango lang siya. Tingin ko alam niya ang totoong dahilan kung bakit ako lalabas ngayon.
Agad-agad akong tumayo at nagtungo sa CR ng girls dito sa building namin. Linock ko muna yung pinto since ako lang naman ang nandito.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. At habang nakatingin ako dun, bigla ko nalang nakita yung lahat-lahat ng memories na meron kami ni CK. Lahat-lahat. Mula nung first year hanggang lately. Yung napakaraming away hanggang dun sa biglang paging clingy niya at pagiging cold.
Nakita ko ang lahat ng yun sa salaming kaharap ko at di ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko.
At masasabi ko..
Kung dati hindi ko naiintindihan kung bakit o kung dati dinedeny ko, ngayon hindi na ata. Hindi ko na kayang i-deny.Oo na, gusto ko na siya. Ako ang natalo sa laro ng tadhana. At ngayong may posibilidad na umalis siya, hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa amin.
Hindi ko alam kung magiging okay ba kami bago sila umalis. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Hindi ko alam kung ilang taon muna ang kailangang lumipas bago kami magkitang muli. Hindi ko alam kung may magbabago ba sa nararamdaman ko para sa kanya o wala. Hindi ko talaga alam.
Napatingin ulit ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. This time, muka naman ni CK na solo ang nakikita ko.
"Sana totoo nalang yung nararamdaman mo para sa akin, CK.. Sana totoong gusto mo nalang ako. Sana naniwala ako. Sana hindi ka aalis kasama si Nikka.. Sana.."-Ako