Third Person's POV
Napangiti nalang si Vivoree nung maramdaman ang yakap ni CK sa kanya mula sa likod. Nasa terrace sila ng bahay nila ngayon, ang tambayan nila tuwing hapon kagaya ng madalas na ginagawa mula nung maikasal tatlong taon na ang nakakalipas. Oo, kasal na sila at masayang nagsasama sa iisang bahay. Ang bahay na pareho nilang pinaghirapan na makuha sa pamamagitan ng trabaho. Hardwork pays off, indeed.
"Ano nanamang iniisip mo Love?" Tanong ni CK sa asawa habang yakap pa rin ito. Ngumiti lang naman si Vivoree at isinandal ang katawan kay CK.
"Wala lang. Sobrang thankful lang talaga ako sa lahat ng nangyari."
"You never get tired of being grateful, huh?"
"Hindi tayo pwedeng mapagod na magpasalamat Love. Kahit sa maliliit na bagay kailangan nating magthank you."
"Well, thank you Lord for my wife, then."
Saka siya neto paulit-ulit na hinalikan sa pisngi. Napatawa naman siya dahil nakikiliti.
"Love, ano ba! Tama na!"
Tumawa lang si CK saka tumigil na din at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Hanggang sa biglang may kumalabit sa legs ni CK. Napalingon siya at nakita ang anak nilang si Chelsea na nakasimangot habang nakapamewang pa at nakatingin sa kanilang dalawa.
Tumawa siya.
"Master's awake."
Tumawa si Vivoree sa sinabi niya at kumalas na din sila sa mahigpit na yakapan. Umupo si CK para mapantayan ang bata.
"Hi Love. You're awake. How was your sleep?" Tanong ni CK sa anak. Hindi ito nagsalita. Sa halip, binigyan siya neto ng isang masamang tingin kaya napatawa siya dahil alam niya ang dahilan neto. He patted her head and kissed her forehead. "Hindi ko inaagaw ang Mommy mo Love. Naglalambing lang ako ng konti. Pati ba yun hindi pwede?" Umiling ito at yumakap sa binti ni Vivoree. Tumawa siya at tumayo saka kunwari ay nagtatampo. Napatawa naman si Vivoree at binuhat ang two year old baby girl nila.
"Love, bakit naman ayaw mong yakapin ako ni Daddy?""Because you are mine, Mommy." Inosenteng sagot ng possessive na bata. Napatawa ulit silang mag-asawa nun. Saka tinuro ni Vivoree si CK. "But look at Daddy. He's sad na. You don't want him, tapos bawal niya pa ako yakapin. Gusto mo ba sad si Daddy?" Pinagmasdan niya ito ng mabuti nung mapatingin kay CK, tila nag-iisip. She wants to laugh but she doesn't want to ruin the moment.
Maya-maya pa..
"I love Daddy."
She smiled at akmang ibibigay si Chelsea kay CK. Hindi naman ito umangal at yumakap pa nga sa ama. Napangiti naman si CK at hinaplos pa ang buhok ng anak na nakayakap pa rin sa kanya.
Vivoree sweetly smiled and took a picture of them. Wala na siyang mahihiling pa. Masaya na siya. May magandang career sila pareho ng asawa niya, may starting business na din, may sariling bahay at lupa, at may anak na mabait at mahal na mahal sila.
Maaaring nagsimula sila ni CK na masama dahil madalas silang mag-away at magbangayan pero ngayon, andito na sila. Habang buhay na magsasama. Marami silang pinagdaanan along the way but now they're so in-love again and nothing can stop them from being together and choosing their happiness with each other.
Maya-maya pa, yinakap siya ng mag-ama and she felt all the love that she ever needed in this world.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lame, I'm sorry kung di niyo magugustuhan pero yan na ang nasa isip ko na story line. :(
Epilogue up next.
ibringhappiness