BULLY SIX: Confused

549 14 5
                                    

Vivoree's POV

Nakakamiss pala noh? Nakakamiss pala si CK. Bakit? Kasi ayun. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na 'gusto' niya ako at pagkatapos niyang maging clingy sa akin nung araw na yun, ayun at parang hangin nanaman kami sa isa't-isa. Parang hindi nanaman ako nasanay. Isang linggo na ang nakaraan. Isang linggo nalang ang natitira at kami na ulit ang partners. Kakayanin kaya namin? Ewan. Hindi ko alam.

Nasa kwarto ako ngayon at gumagawa ng assignment sa ibang subject namin. Nasa labas naman si CK. Hindi ko alam kung anong ginagawa at parang natatakot akong lumabas para kausapin siya. Hayst.

Habang gumagawa ng assignment, bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Who else could it be if not him right? So huminga muna ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa maliit na salamin na meron ako dito sa kwarto ko.

Saka ko siya pinagbuksan ng pinto.

"Y-Yes? May kailangan ka?"-Ako

"Ah..itatanong ko lang sana kung alin dito sa dalawang damit ang bagay sakin. May alam ka sa mga ganyan diba?"-CK

"Ah..sa fashion..oo naman. Bakit? May lakad ka?"-Ako

"May date kami ni Nikka eh."-CK

Habang sinasabi niya yun, sinusuri niya yung dalawang damit na dala niya. Natahimik naman ako nun at napatingin lang din sa mga damit.

Bigla siyang napatingin sakin.

"Tignan mo. Alin kaya dito ang bagay sakin?"-CK

Ipinakita niya sa akin ng mas klaro yung dalawang damit.

Isang black ¾ polo yung isa. Yung isa naman, a simple white shirt but I know that he can catch the attention of many once na naisuot niya na yan.

Naiimagine ko nang pinagtitinginan siya habang magkasama kami.. MALI. Habang magkasama pala sila ni Nikka. What is happening to me again and what is happening here right now?

May date sila? Sigurado ba toh?

"Uy, Vivoree!"-CK

"A-Ah? B-Bakit?"-Ako

"Alin dito ang dapat kong isuot?"-CK

Napatingin nanaman ako sa dalawang damit.

Then I preferred to choose the white shirt.

"Y-Yung white shirt..i-isuot mo. Bagay yan sayo."-Ako

He smiled pero hindi kagaya nung ngiting ibinigay niya sa akin nung huling araw naming pag-uusap before today.

"Thanks. Maghahanda na ako."-CK

Tumalikod na siya nun pero ewan ko ba kung anong nangyari sa akin at tinawag ko pa siya. Oh, facepalm.

"Uhm..CK!"-Ako

Liningon niya ako.

"Yes?"-CK

"Uhm..y-yung sinabi mo nung isang araw.."-Ako

"Ah. Yung gusto kita? Wag mo nang isipin yun. Nabaliw lang ata ako nung araw na yun. Haha!"-CK

BULLIES IN-LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon