Vivoree's POV
It's the last day na makakasama namin yung temporary partners namin kaya naman eto at parang kinakabayo nanaman ang puso ko. Kinakabahan ako kasi mamayang konti lang, kami na ulit ni CK ang partners. At malabo pa rin ang status naming dalawa.
I mean..may status ba? Ugh! Viv, wala naman eh. Ang assuming mo! 😏
"Uy, ano? Okay ka lang?"-Jaden
"Hindi."-Ako
"Si CK ba?"-Jaden
"Alam mo nang oo ang sagot ko diyan."-Ako
Napabuntong-hininga si Jaden nun at inakbayan ako.
"Ano ka ba Viv. Ayos lang yan. Wag mo nalang isipin masiyado para di ka na mastress."-Jaden
"Pero kasi..mas okay pa sakin yung dati kesa ngayon na ganito kami ngayon eh. Totally, hindi na kami nagpapansinan."-Ako
"And what's that to you anyway? That was never an issue before right?"-Jaden
Natahimik ako nun. Tama naman kasi siya. Wala akong pakialam kahit anong mangyari kay CK dati. Naiinis nga ako kasi palagi kaming nagbabangayan. Pero kasi lately..biglang ganito nalang. At naiinis ako sa sarili ko.
I think I have found the answers to my questions but then..I keep on denying it. I want to deny it.
Hindi ko alam kung dahil ba natatakot akong masaktan o hindi masuklian yung nararamdaman ko o dahil may inis pa rin akong nararamdaman towards him.
Hay ewan!
"So ano nga?"-Jaden
Napatingin ako kay Jaden. He's really determined and really waiting for my answer.
"Hindi ko alam."-Ako
"What? Hindi mo pa rin alam? Aba, mabuti pa ako alam ko na. Pero ikaw? Anong kasagutan ba ang hinahanap mo kung bakit ka nagkakaganyan ngayon ha?"-Jaden
"Nahanap ko na Jaden. I just keep on denying. Hindi naman kasi siguro totoo. Apat na taon kaming bangayan ng bangayan tapos ngayon biglang ganyan?"-Ako
"Eh ano? Kung mahal mo na siya, mahal mo na siya. Wala kang magagawa diyan. Lagi namang natatalo ng pagmamahal ang mga sakit at galit na nararamdaman ng isang tao eh."-Jaden
Natahimik nanaman ako nun. So ano? Aaminin ko na nga ba sa sarili ko?
Umayos si Jaden ng upo at hinarap ako ng mabuti.
"Ganito nalang. Sagutin mo ang mga tanong ko."-Jaden
"Ano?"-Ako
"Basta, sagutin mo nalang. Unang tanong. Anong totoo mong nararamdaman sa nangyayari sa inyong dalawa ngayon?"-Jaden
"Jaden.."-Ako
"Just answer it. Dali na! Dadating na si Sir maya-maya lang. May ibang tanong pa ako sayo."-Jaden
"Hayst. Fine. Naiinis. Nalulungkot. Miss ko na siya..I-I mean--"-Ako
