Bully Sixteen: Jaden vs. CK

598 30 8
                                    

At dahil nga pumalpak yung unang luto nila dahil nagkakailangan kanina, gumawa nanaman sila ng panibago. This time, mas okay na yung naluto nila. Mas masarap at mas ayos na talaga ang lasa kaya naman tuwang-tuwa silang dalawa.

"Akin na, titikman ko." biglang sabi ni CK nung matapos ang linuluto nila. Agad namang napatingin si Vivoree sa kanya. Nakasimangot. Natawa tuloy siya sa itsura neto. "Oh. Bakit?" natatawa niyang tanong dito. "Wag mo nalang tikman. Mamaya magbago pa lasa niyan. Okay na yan." sagot naman neto sa pabirong paraan kaya nakurot niya itong muli sa pisngi. Napareklamo nanaman tuloy ito. "Ayan ka nanaman! Masakit ang kurot mo!" angil neto. He just smiled at binitawan na din ang pisngi neto. "Pasensiya na. Nacucutan lang naman ako sayo." nakangiti niyang sagot. Natahimik naman agad ito. Tila isang teenager na kinilig sa sinabi ng crush niya. Tumalikod ito sa kanya at kunwari ay naging abala na sa pagliligpit ng mga gamit kahit may lulutuin pa naman sila. He smiled and screamed "Yes" in his mind. His plan is working.

"Hey V. Were still cooking something. Bakit nagliligpit ka na?" biglang pagsilip niya dito mula sa likod. At dahil sa ginawa niya, masiyado tuloy naging malapit ang mukha nila sa isa't-isa. Tipong isang maling galaw nalang, magkakabangga na ang mga ito. Magkakahalikan na sila. Nagulat naman si Vivoree at agad na napalayo. But hey, wrong move. Nagkadikit kasi ang katawan nila kasi nga nasa likod niya naman si CK at nakasilip sa mukha niya. Napatingin siya sa kaharap. Nakangisi ito.

"San ka pupunta? Wala ka palang takas eh. Haha!" tila nang-aasar naman netong sabi sa kanya. Hindi niya na tuloy alam kung paano ito kakausapin o kung paano magiging professional sa galaw.

"U-Uy, naman kasi eh. Nagtatrabaho tayo CK." nahihiya at nakayukong sagot niya naman sa sinabi neto.

"Diba sabi ko Chef Charles dapat ang itawag mo sa akin? Exclusive yun V." turan netong muli kaya napatingin na siya dito. Nakangisi pa rin ito at may pagtaas-baba pa talaga ng kilay. Ang cute-cute netooo! Ang sarap kurutin sa pisngi o di kaya yakapin kaya lang masiyado naman yatang awkward yun so Vivoree refrained herself from doing so.

Habang nasa ganoon pa ring posisyon, biglang pumasok si Beatriz at binasag ang moment nila. Nagulat pa nga yata ito sa nakitang itsura ng dalawa.

"Uy, Viv--Ay langgam! Ano ba yan! Nagulat naman ako sa inyo!" napahawak pa ito sa dibdib na tila gulat na gulat talaga. Agad naman silang napaayos ng tayo at dahil sa hiya, napayuko nalang ng ulo si Vivoree. Ang init ng pisngi niya at alam niyang daig pa neto ngayon ang Canada Red Tomatoes dahil sa sobrang pamumula ng pisngi niya. Her friend just saw her and CK in an awkward position!

Tila naman hindi apektado si CK at namewang pa saka ngumisi kay Bea. The lady just smiled na parang kinilig at umiling-iling.

"Oo na po, Chef CK. Kayo na ang proud. Haha! Anyways, V. Jaden is here. May lunch out daw kayo?" pagpaparating na neto ng pakay sa kaibigan. At kahit nagulat sa narinig dahil wala naman silang napag-usapang lunch date today, agad na din siyang tumalima at tinanggal ang mga cap para salubungin ang kaibigan.

"Ay! Oo nga pala! Grabe, di ko man lang napansin ang oras. Sege, salam--" pagmamadali niya pa. Kaya lang bigla naman siyang pinigilan ni CK. "Anong lunch out? Hindi pwede! Meron na kahapon, meron nanaman ngayon?" nakakunot-noo netong pagtatanong. Napangiti na lang ulit si Bea sa gilid na tila kinikilig sa dalawa at sa pagseselos ni CK.

"Oo. Bakit? Bestfriend ko naman yun eh. Anong mali dun?" nagtataka naman ding tanong ni Vivoree kay CK. Napakabilis naman kasing magbago ng mood neto. Kanina ngisi ng ngisi at inaasar pa siya. Tapos ngayon, ayan at nakasimangot na parang may kaaway. Mas lalo lang nangunot ang noo neto and damn! He was so cute in that face!

BULLIES IN-LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon