CK's POV
Pagod na pagod na ako. Wala pa akong tama at tuloy-tuloy na pahinga mula nung dumating ako dito kaninang umaga. Damn, it's 7 PM. Nasaan na ba kasi si Vivoree? Nalowbat pa yung cellphone ko. Now I can't contact her. Baka nakita niya na yung missed calls and messages ko. I hope she wouldn't think that I'm mad 'cause I'm not. Ang gusto ko lang ay makita at makausap siya ngayong araw. Ang maayos namin ang gulo naming dalawa na ako din naman ang nagsimula.
Then I suddenly thought about it. Night shift pala siya. Malamang nasa workplace niya na siya ngayon. Maybe I should go there.
I smiled. Tumawag ako ng Taxi at sumakay na doon. This is the 9th Taxi today but I ain't complaining kasi alam kong maganda ang magiging bunga neto pag nagkita na kami ni Vivoree mamaya.
Here I come, Love. Please wait for me. I love you.
~~~
Nagmamadali akong bumaba ng Taxi matapos makapagbayad. May konting lalakarin pa ako bago tuluyang makapunta sa restaurant pero ayos lang.Pero napahinto ako nung maaninag ko si Vivoree na bumaba mula sa isang Taxi. She's so beautiful. Damn.
I smiled and made my step again to reach out to her pero nagulat ako nung lumabas bigla yung boss niya sa restaurant. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Markus nga yun. Her boss. Ang dahilan kung bakit ko nasaktan ang damdamin ni Vivoree, ng babaeng mahal ko. Dahil sa selos ko.
Okay na sana ako. I was about to interrupt their conversation even if it would look rude because I have to talk to my girlfriend already. I needed to. Pero nagulat ako nung bigla niyang yakapin si Vivoree.
Napahinto ako. Hawak-hawak lang yung maleta ko at yung messenger bag na suot-suot ko mula pa kaninang umaga. Mula pa nung dumating ako dito sa Canada.
It pained me. She did not let go of the hug. I saw him comforting her and carressing her hair. Hindi siya umaalis. Bakit ganun? Ano na bang nangyari sa amin ni Vivoree?
Nanatili akong nakatayo doon ng ilang minuto pa until they let go of the hug. I saw Vivoree wiping away her tears.
And then she saw me. She looked at me, surprised. Nagtatanong ang muka. Ngumiti nalang ako ng malungkot at tumango saka dahan-dahan na ding tumalikod. Maybe I'm too late. Baka nga sila ang magkasama kanina kaya wala siya. Tho I'm not sure. Pero masakit pa rin talaga sa akin. Hindi ko gustong manumbat kasi gusto ko naman talaga siyang makita at mahanap ngayong araw para makapag-usap kami. Pero yun ang nararamdaman ko ngayon. My heart is tearing apart. Damn breaking. It hurts. It just hurts. 💔
Vivoree's POV
"CK?"-Ako
I saw him gave off a sad smile pagkatapos ay dahan-dahang tumalikod at naglakad papaalis.
"Is that him?"-Markus
"O-Opo. Uhm S-Sir, p-pwede po ba--"-Ako
"Of course you can. Go."-Markus
"Thank you Sir! Thank you so much po talaga. I'll be right back! Thank you Sir!"-Ako
Tumakbo na agad ako para makausap si CK. He looks very tired. Nakakaguilty sa akin pero mas iniisip ko pa rin yung issue naming dalawa. Alam kong kailangan naming pag-usapan ngayon. Kailangan naming magkaayos.