Vivoree's POV
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni CK kahapon pagkauwi ko, hindi na ulit kami nagpansinan. Pero sanay naman ako dun. I mean..kami. Sanay kaming magkasagutan tapos hindi magpapansinan pero hindi din magbabati. Pagkatapos hindi magpansinan, bangayan nanaman. That has been our routine for the past four years.
Hindi na ako masiyadong nag-isip. Naghanda nalang ako for school kasi nagtext si Jaden na andun na daw siya. Syempre, itutuloy namin yung plans for the project.
Pagkalabas ko, nagulat ako kasi parang pakatok dapat si CK sa pinto ko pero di na natuloy kasi nga binuksan ko na yung pinto.
Napatingin ako sa kanya. He looks shy. And I wonder why. Dati naman laging apurado sakin toh.
"May kailangan ka?"-Ako
"Uhm..I want to say sorry for yesterday."-CK
Nagulat ako nun. Whoaaa!! Si CK? Nagsorry sakin?! First time in the history toh for the past four years!
"Okay, alam kong nagulat ka. Pero yun talaga ang gusto kong sabihin."-CK
"Pero bakit?"-Ako
"Ano..anong bakit?"-CK
"Bakit ka nagsosorry?"-Ako
"Kasi, may kasalanan ako?"-CK
Napairap agad ako nun.
"Duh. Alam ko. What I mean is, bakit ka nagsosorry sakin? First time toh ah? May sakit ka ba?"-Ako
Napakamot siya sa ulo niya. Tapos bigla nanamang nagsungit. What?!
"Tsk. Bahala ka nga! Mauna na ako, naghihintay si Nikka!"-CK
At iniwan niya na ako. Seriously?! Did just that happened? Tsk. Bahala ka din!
Hindi ko nalang siya pinansin. Lumabas na ako ng kwarto ko at linock yun. Nung palabas na ako ng apartment, may nakita akong lunch box sa mesa. Naiwan ba toh ni CK?
Lumapit ako dun. Nagulat ako ng makakita ng note sa takip ng lunchbox.
Dahil curious ang lola niyo, hindi ko napigilang kunin at basahin yung note.
"Dear V,
Sorry sa pagsusungit ko kahapon. Sana magustuhan mo ang ginawa kong tuna sandwich.
CK."-AkoNapatingin agad ako sa baunan. Hmm..effort ah? Pero nagtataka talaga ako eh. Teka, hindi kaya may masamang balak yung lalaking yun sa akin?! Tsk. Bahala siya, hindi ko kakainin toh.
Iniwan ko nalang yung note chaca yung sandwich saka na umalis papuntang school.
School
Pagkarating sa room, magkausap na sina CK at Nikka. Aba, masaya siya ha? Genuine happiness yun. Okay, congrats.
Dumeretso ako sa tabi ni Jaden at nagsimula na ulit kaming magplano.
"So, ano na nga ang itatawag natin sa first recipe natin? Chaca, ilang piraso nga dapat toh?"-Ako
"Sa pangalan wala pa akong naiisip. Pero sa quantity, tinanong ko si Sir kahapon. For our first recipe daw, kahit 100 pieces."-Jaden
