Vivoree's POV
Huminga ako ng malalim at pumasok na din sa loob ng restaurant. This is it. Today is my actual job. Help me, God. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.
Sinalubong ako ng boss ko. Of course, the Mister Markus. Yung mayabang na yun. Ughhh! Lord, give me patience po talagaaaa!!
"Good evening Miss. So, your actual job starts tonight and I hope that you are ready for it."-Markus
I smiled.
"Yes, I am super ready."-Ako
"That's good then. You may start your job."-Markus
I smiled.
"Sege po Sir. Maraming salamat po."-Ako
Ngumiti lang siya at umalis na din. Mukang may inasikaso sa ibang part ng kitchen.
Ngumiti din naman ako at huminga ng malalim saka nagsimulang magtrabaho habang nakikipagkwentuhan sa mga katrabaho ko.
"Masaya kami na andito ka, alam mo ba yun?"-Dana
Katrabaho ko siya na medyo naging kaclose ko din kaagad.
"Naku, salamat. Ang welcoming niyo nga eh."-Ako
"Eto kasi ha? Salamat sayo kasi andito ka. Hindi na kami sinusungitan ni Sir Markus. Ngumingiti na nga siya sa amin eh. Matagal-tagal na ding hindi nangyayari yun. Kaya miss na miss na namin siya. Yung dating siya I mean.."-Dana
"Ahh.."-Ako
Napatingin ako sa boss ko, tumingin din siya sa akin at tinanguan ako. Hindi ko nalang naman pinansin at nagtrabaho na din naman.
May past siguro siya kaya ganun. Whatever.
~~~
Time check. 6 AM. Hayyy. Humikab ako at linigpit na yung mga gamit ko. I officially finished my first day at work.
Ngumiti ako kasi finally!! Makakauwi na din ako. Matapos kong mailigpit yung mga gamit ko, paalis na dapat ako kaya lang sinalubong naman ako ng amo namin palabas ng restaurant.
"Going home?"-Sir Markus
"Yes Sir.."-Ako
"Okay. You want a ride?"-Sir Markus
"Ah..naku hindi na Sir. Okay lang naman po ako. I can manage po."-Ako
"You sure? Ayos lang din naman sa akin."-Sir Markus
"Hindi na po. Kailangan ko ding masanay po."-Ako
"Okay. Your will. Uhm, do you have plans for today?"-Sir Markus
"Wala naman po. Siguro matutulog lang para okay ako pagpasok ko mamaya."-Ako
"Hmm. Okay. Baka may gusto kang puntahan ah? You can contact me. Sasamahan kita."-Sir Markus
Ngumiti nalang ako at nagpaalam na din sa kanya. Buti nalang pinaalis niya na din naman ako.