Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matapos maitype ang peke niyang pagbati sa dalawa, galit na galit na naitapon ni Jaden ang cellphone niya sa sahig ng opisina niya. Argh! Galit na galit siya talaga. Hindi niya inakalang magbubukas talaga ng bagong pinto para kina CK at Vivoree ang pag-alis niya. And he can't let this happen. Kahit ano gagawin niya masira lang ang dalawa. At nagdesisyon na siya. Uuwi na siya. Hindi pa tapos ang anim na buwan niya pero bakit ba? Who cares?! This is his own company. Pwede niyang gawin kahit anong gustuhin niya. Aalis siya at uuwi. Walang makikialam sa kanya.
"I will get you back, Vivoree. Akin ka lang, tandaan mo yan." anang galit na galit na Jaden sa kanyang isipan, nanggagalaiti pa rin talaga.
Nagulat naman ang kanyang secretary na si Kayla nung pumasok sa opisina niya at makitang nasa sahig ang sira niya na nang cellphone ngayon. Agad neto iyong kinuha at lumapit sa kanya.
"Sir, what happened here? Are you okay?" tanong neto sa tila naman nag-aalalang tono. Naikuyom niya ang parehong kamao at nagsalita sa kalmadong boses. "Get out, Kayla." he said. Nagulat naman si Kayla nun. She never saw her boss as angry like this before dahil tunay talaga itong magiliw. Mabait at maalaga sa kanilang mga empleyado niya so what happened to him? At isa pa, ipinatawag siya neto kani-kanina lang para sa schedule checking nila ngayong hapon. "But you called for me, Sir. Sabi mo po.." hindi niya natapos ang sasabihin niya dapat dahil bigla nalang tumingin si Jaden sa kanya ng pagkasama-sama. Sobrang talim. "I said, get out! Get out! Cancel all my meetings! You understand?!" bigla netong sigaw kaya natatakot naman siyang tumango ng sunod-sunod at saka na din nagmamadaling lumabas. Isinarado niya ng mabuti ang pinto dahil may "monster" sa loob. Pagkalabas na pagkalabas naman ng sikretarya niya, nagbook kaagad siya ng soonest flight pauwi ng Pilipinas. Humanda nang masira ang mga relasyon.
~~~ Vivoree's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na nga ni CK. Sobrang unexpected pero sobra ding nakakatuwa. Sobrang saya ko. Alam kong ito na nga yun. Matagal na din ang hinintay namin at mukang hindi na namin kakayaning magpakiramdaman nalang lagi.
I'm so happy! 🤗🤗
Habang masayang tinitignan ang IG post ko, bigla namang may pumasok na kitchen staff dito sa opisina ko. Break time ko kasi ngayon.
"Miss V?" tawag niya sa akin. I smiled at her at put my phone down. "Yes?" I asked her back as an answer to her call. Lumapit siya sa akin at may ibinigay na card at bulaklak. "Pinapabigay po ni Chef CK." she said, smiling to me na tila kinikilig din kaya napangiti ako at tumango saka tinanggap ang dala niya. I thanked her and she went out of my office. Ngumiti naman ako at binuksan ang card.
I love you.
I smiled. Yun lang naman ang nakasulat sa card. Pero bakit sobra-sobra akong kinikilig?!! Goshhh! I look like a high schooler dahik dito! 😅😜 Pero bakit ko ba pipigilan ang kilig na nararamdaman ko? Why not just show it tutal yun naman ang totoo kong nararamdaman? Hayy..my heart.