Chapter 5

634 20 0
                                    

Chapter 5

Nakakatuwa nung bigla akong tinext ni Ike kagabi. Nagkamustahan kaming dalawa. Namimiss ko na si Ike. Wala parin naman daw pinagbago doon. Haaay. Sana magkita na kami.

Nasa Cafeteria kami ngayon nila Janella at Mariel. Recess kasi namin ngayon. Kaya eto kasama ko silang dalawa. "Cheska, close ba kayo ni Luke?" biglang tanong sa akin ni Mariel. Medyo nagulat naman ako sa tanong nito. "Hindi naman masyado". Sagot ko na lang.

"May nakakita kasi sa inyo na magkasama kayo. Nako Cheska mag-iingat ka kay Valerie at doon sa dalawa niyang kampon." Sabi ni Mariel. Binatukan naman siya ni Janella. "Kampon ka diyan. Ang dami nitong alam." Sabi nito. "Totoo naman e. Nakakainis kaya yung tatlong 'yun. Dapat nga hindi binotong muse 'yun si Valerie e" Sabi niya. Ah. Muse pala siya ng section namin. Sino nga ba yung Valerie?.

"Sabagay tama siya." Sabi ni Janella. "Ayun siya oh" Tinuro siya ni Mariel. Lumingon naman ako sa aking likuran. Parang pamilyar yung mukha niya.

"Kaya siguro hindi 'yan pinapansin ni Luke kasi napakasama ng ugali" Sabi ni Mariel. "Bakit?" Hindi ko alam kung bakit ako na curious. "Matagal na siyang may gusto kay Luke pero hindi siya pinapansin."

"Hindi naman siguro siya masama." Sabi ko. "Haay gusto rin namin sanang maniwala sa'yo pero wala na talagang pag-asa friend" Sabi ni Mariel.

Tinignan ko muli si Valerie. Maganda siya, maputi, matangkad. Mala anghel ang mukha. Hindi ko maisip na ganun siya. Siguro naman may dahilan kung bakit siya nagkaganon. Teka nga? Mukhang naaalala ko na. Siya yung nakita kong babae na kumausap kay Luke kahapon. Tama siya nga 'yun.

"Ano ba?!" Nagulat na lang kaming lahat ng may biglang sumigaw. Si Valerie.

"S-Sorry Valerie h-hindi ko sinasadya." Sabi ni Hanna kaklase namin na may pagka-nerd. Natapunan siya ng tubig ni Hanna.

Nagulat ako nung bigla niyang kinuha ang tubig ni Hanna at bigla ibinuhos ito sa kanya. "Dapat lang 'yan sa'yo. " Rinig kong sabi niya. Umiyak naman si Hanna. Malapit ng matapos ang break time kaya nag-alisan ang mga tao doon kasama si Valerie. Kaming apat na lang nila Janella,  Mariel at Hanna ang nasa Cafeteria.

Pinuntahan ko si Hanna at binigyan ko siya ng panyo. "Tumayo ka na Hanna. Eto oh panyo." Sabi ko. "S-Salamat Cheska" Ngumiti na lang ako.

*****

"Okay class tomorrow magkakaroon tayo ng quiz regarding doon sa lesson natin kanina. That's all and good bye" Nagpaalam na kami kay Sir.Ramos. Math teacher namin.

Ang bilis ng oras. Uwian na namin agad. "Cheska sasabay ka ba sa amin ni Mariel?" tanong ni Janella. "Hindi mauna na kayong dalawa. May pupuntahan pa ko." Nagpaalam na sila sa akin. Umalis na silang dalawa at ako naman dumiretso na ako sa may library.

Feeling ko may sumusunod na naman sa akin. Binilisan ko ang aking paglalakad. Kinakabahan na naman ako. Nandito na ako sa may library. Hanggang ngayon wala pa si Luke. May usapan kasi kami na magkikita kami ngayon. Gaya kahapon, kakaunti parin ang mga tao dito. Naalala ko bigla yung Journal. Alam ba ni Janella na may Journal si Jessica? Kukunin ko ba yung Journal? Mas kinabahan ako lalo. 

Pero bigla kong naisip kung paano nalungkot si Janella nung naalala niyang nawala ang best friend niya. Nilakasan ko na ang loob ko. Kahit na natatakot ako pumunta ulit ako sa dulo ng mga book shelves. Gusto ko rin malaman kung bakit siya nawala. Pagkarating ko dun, dahan-dahan akong pumunta kung saan naroroon ang libro. Pero nagulat ako noong bigla na lang may nahulog na libro. Iniwasan kong sumigaw dahil library ito.  Kinuha ko yung libro na nahulog at nakita kong ito yung Journal. Bakit kaya 'to nahulog? Tinignan ko ang pinaglalagyan nito. Wala namang tao sa kabilang shelf. Lumapit ako doon sa kinalalagyan ng Journal nang makita kong may sumilip doon sa kabilang side ng book shelf.

Binilisan ko ang pagalis doon sa dulo ng library. Natakot talaga ko. A-Alam kong ako lang ang tao dun. Sa sobrang taranta ko, may nakabangga ako. "Ouc-- Cheska?" Si Luke. "Bakit nanginginig ka? Anong nangyari sa'yo?"  Salamat naman dumating siya. "W-Wala 'to Luke." Sabi ko. Napatingin siya sa kamay ko. "Ano yang hawak mo?" Tanong niya. Nako! Nadala ko pala yung journal. "A-Ah eh novel 'to binabasa ko kasi kanina. Hindi ko nataposIpinasok ko sa bag ko para hindi ako mahalata.

"Ah. So tara? Ililibot ulit kita dito sa University." Tumango ako at umalis na kaming dalawa sa library.

Hindi kaya, si Jessica 'yun

*****

A/n: Hi guys! Baka malate ang update ko gawa ng exam na namin sa Monday. Nakakatuwa. Kahapon nakita kong pang #36 sa What's Hot 'tong story ko <3 Ngayon ata nasa 55. Pero sobrang saya ko na <3 Thank you guys. God bless. Siguro Tuesday night ako makakapag-update. That's all. Thank you <3

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon