Chapter 7

548 18 0
                                    

Chapter 7

"Hindi parin talaga ako makaget-over sa ginawa sa atin ni Valerie. Konti na lang talaga. Babatukan ko na 'yan para magtino." Galit na sabi ni Janella. Naglalakad lang kami dito dahil uwian na rin naman. "Hayaan mo na Janella" Sabi ko. Ayoko na ng gulo.

"Pero nakita niyo ba magalit si Prime slash Mr. President natin sa nakakainis na Valerie na 'yun? Dapat talaga ginantihan natin 'yung bruhang 'yun e" Sabi ni Janella. Napagalaman kong President pala ng klase namin si Prime. Si Ash ay Treasurer at si Brian naman ay Isa sa mga P.R.O. "Hayaan na nga lang natin." Sabi ko. "Alam mo Cheska, masama 'yan" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Hanna. "Anong masama?" tanong ko sa kanya.

"Ang pagiging mabait minsan delikado 'yan. Minsan aabusuhin ka, o 'di kaya masasaktan ka ng sobra." Sabi ni Hanna. Speechless naman kaming dalawa ni Janella sa kanya. "Grabe ang words of wisdom mo Hanna. 'Di kita mareach. " Kahit ako. Nagulat rin sa sinabi ni Hanna e. "Pero teh, apply mo rin yung mga words of wisdom mo sa sarili mo. Minsan kasi inaabuso ka na rin ng iba. Tignan mo nga oh? Binubully ka" Sabi ni Janella.

"'Yun na nga e. Kaya ko nga sinasabi 'to kay Cheska. Kasi pinili ko pa rin maging ganito. Kahit alam ko ang magiging kapalit. Huwag mo ako akong gagayahin." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "Huwag kang masyadong magtiwala sa mga taong nasa paligid mo. Kasi hindi lahat sila totoo."

"Ay Cheska bet ko yung sinabi ni Hanna." Sabi niya habang patuloy na naglakad kaya mas nauna siya sa amin ni Hanna. Hindi ko alam kung bakit pero, parang may gusto si Hanna na iparating sa akin.

"Mag-iingat ka Cheska. Hindi ka pwedeng magtiwala sa kahit sino. Dahil lahat 'yan may sikreto. Lahat may tinatagong baho." Bulong sa akin ni Hanna. Lahat yata ng balahibo ko biglang tumaas. Nanuna na siyang maglakad sa akin. Minsan talaga may pagkaweird siya. Hindi ko siya maintindihan.

"Cheska bilisan mo naman!" Hindi ko namalayan na napatigil pala ako sa paglalakad. "S-Sorry!" Binilisan ko naman ang paglalakad ko para maabutan yung dalawa. "Ang bagal naman nito" Sabi ni Janella.

"Uhmm sino po sa inyo si ate Cheska?" Bigla na lang may lumapit sa amin na babae. First year siguro siya. "Uh ako 'yun." Sabi ko at napalingon naman siya sa akin. "Pinapatawag daw po kayo sa classroom niyo ni Ma'am Ramirez" Si Ma'am Yuna? Bakit kaya ako pinapatawag ni Ma'am?

"S-Sige salamat." Binigyan ako ni Hanna at Janella ng -Gusto mo sumama kami?- look pero umiling na lang ako at ngumiti. Iniwan ko silang dalawa at sinundan yung babae. Ano naman kayang dahilan kung bakit ako pinapatawag ni Ma'am.

Napansin kong kakaunti na lamang ang mga estudyante.  Siguro nakauwi na ang iba. "Excuse me, bakit daw ako pinapatawag ni ma'am?" Tanong ko dito pero hindi siya sumagot. "Uh? May ipapagawa raw ba sa akin?" Hindi parin ito sumasagot. Okay? Mukha akong timang dito. Napapikit lang ako saglit pero nagulat ako nung naging magulo ang buhok nito at puti ang kanyang damit. Kumurap ako pero bumalik na siya sa dati. Medyo kinilabutan ako dun.

Nang makarating na kami sa classroom, nagpaalam na siya. Nagpasalamat naman ako at umalis na siya. Nakita kong nandoon sa loob si Ms. Yuna, Valerie, Ash,  Brian at Prime.

"Umupo ka Miss. Wilson." Sabi ni Ma'am. Ano na naman kaya ang mangyayari?

*****

A/n: Kakanta ko bukas. Wish me luck  :)

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon