Chapter 17

478 12 0
                                    

A/n:  Dedicated to her! :) Hellooo!

*****

Chapter 17

Hindi namin nahanap kahapon si Ann. Hindi rin kasi siya pumasok pagkatapos ng recess. Kahit ngayon wala pa rin siya. Saan kaya pumunta 'yun? Lalo tuloy naguguilty si Janella sa nagawa niya kahapon.

"Hindi pa ba pumasok si Ann?" Tanong ni Janella. "Wala pa e. Hindi pa siya pumapasok" Sabi ko. "Okay class, let's take a break. " Nandito kami sa gym at P.E class namin ngayon. Tinuturuan kami ni Ma'am ng sayaw. Para ata ito sa dadating na sports fest. May dance number ata kami.

Umupo na kami sa lapag. Hindi na kami pumunta ng canteen. May baon naman kaming mga tubig. "Hindi ko magets yung sayaw" Sabi ni Hanna. Natatawa na lang kami ni Janella. Mabilis raw kasi magturo si Maam. Magaling si Hanna sa sports at academics pero mahina naman siya pagdating sa pagsasayaw. "Saan ka ba nalilito?" Tanong ni Janella.

"Sa lahat." Sabi niya. Tawa ng tawa si Janella kay Hanna. Matalino rin si Janella at magaling siya sa pagsayaw at pagkanta pero mahina naman siya sa sports. "Halika dito turuan ka namin" Habang break pa naman, binay-bay muna namin yung steps para magets ni Hanna.

"Mali kasi 'yan. Yung kanang paa muna. Ayan." Natutuwa ako habang pinagmamasdan 'tong dalawang 'to. "Hoy babae 'wag mo kaming tawanan diyan. Ikaw naman oh." Okay fine. Haha. "Ganito yung susunod." Sabi ko. Itinuro ko sa kanya yung kasunod. "Janella bakit kapag si Cheska yung nagturo nagegets ko?" Pang-aasar ni Hanna.

"Hindi na ulit kita tuturuan Hanna." Sabi niya. Natawa naman kami ni Hanna. "Joke lang oy. Pwede niyo na nga palitan si Ma'am e. Sana kayo na lang 'yung nagturo" Sabi ni Hanna. Medyo bolera pala 'tong si Hanna. "Cheska 'wag kang magpapaniwala diyan. Gusto lang niyan magpalibre." Sabi ni Janella.

"Edi 'wag. " Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ko. Kaya mahal na mahal ko sila. "Tara kunin muna natin yung bag natin" Sabi ni Janella. Sumangayon naman kami ni Hanna. Nagpaalam muna kami kay ma'am at umalis na. Iniwan kasi namin yung bag namin sa room.

Pagkarating namin 'dun, pumunta kami sa kanya-kanya naming mga upuan. Nagtaka nga ako dahil nakalabas ang sketchpad ko. Alam ko hindi ko naman ito inilabas kanina. Tinignan ko ang loob ng bag ko kung may kulang ba pero mabuti at wala naman.

"May problema ba Cheska?" Tanong ni Hanna. "Wala naman. Nagulat lang ako nung makita ko yung sketchpad ko nasa desk ko na." Isinarado ko na ang aking bag at sinukbit ito sa aking balikat. "Oo nga pala. Nagiisketch ka nga pala 'no? Patingin nga kami." Binigay ko sa kanila yung sketchpad and they took it excitedly.

Nung binuklat nila ito, nawala ang kanilang mga ngiti. B-Bakit? "Anong problema?" Napatingin sila sa akin. Hindi pa rin sila nagsasalita. Ibinigay nila sa akin yung sketchpad ko at nagulat ako nung binuklat ko ito.

Isa-isa kong tinignan ang mga pahina. Unti-unting nanlabo ang aking paningin at tumulo ang aking luha sa aking kanang pisngi. Sino ang gumawa nito? "Who did that?!" Galit na sabi ni Janella. Binaboy nila ang lahat ng pinaghirapan ko. Sinulatan nila ito gamit ang lipstick at ginusot ang lahat ng pahina. Yung iba nga punit na.

"Wag ka nang umiyak Cheska." Hinagod ni Hanna at aking likuran. Hindi ko mapigilang hindi umiyak kasi lahat ng 'yon, pinaghirapan ko. Mahalaga 'yun kasi balak kong ibigay 'yun sa daddy ko. He loves my drawings.

"Dalhin mo 'yan. Halika bumalik tayo 'dun". Sabi ni Janella. Umalis na kami sa classroom at bumalik sa gym. Pagpunta namin 'dun, nagsisimula na uli sila. "Where have you --- Oh? What happened to Cheska?" Sabi ni Ma'am.

Ipinakita ni Janella ang sketchpad kay ma'am. Nagulat rin siya sa kanyang nakita. " Galing po kami sa room. Pagpunta po namin dun, kami lang po ang tao na nandoon. Nagtaka po si Cheska kung bakit nasa labas po 'yan." Sabi ni Janella.

"Wala naman pong na wala sa gamit niya. Pero nung buklatin namin 'yung sketchpad, ganyan na ang naging itsura. Pinaghirapan po 'yang gawin ni Cheska." Halata namang nagalit si ma'am.

"Who did this?" Tanong ni Ma'am sa mga kaklase ko. Kitang-kita ko ang malungkot na ekspresyon ni Ash. Siya kasi ang unang nakakita nung mga ginuhit ko 'dun. Si Luke naman ay parang galit. Ibinalik niya sa akin ang aking sketchpad. Magsasalita na sana si Ma'am pero,

"AHHHHHHHHHH!" May narinig kaming sumigaw sa Comfort room dito sa gym. Sa gulat namin,  pinuntahan namin ang lugar. Nanggaling ang sigaw sa girl's restroom.

"Anong nangyari?" Tanong ni Ma'am. May babae na nasa dulo ng rest room. Umiiyak siya. Mukha siyang 1st year or 2nd year. Tinuturo niya yung bukas na cubicle sa dulo.

"Putek. Ang lansa ng amoy."

"Langya ang baho"

"Ugh. Hindi ko kaya ang amoy"

Yung iba kong kaklase ay lumabas ng C.R dahil ang baho talaga dito sa loob. Tinignan ni Ma'am ang nandoon. Nagulat kami nung sumigaw rin si Ma'am. Mangiyak-ngiyak na ito. "Diyos ko po". Nagsign of the cross siya. Ano bang meron?

Itinulak ako bigla ni Valerie. Muntik ako maout of balance. Buti na lang ay nasalo ako nina Janella at Hanna. Sumilip rin siya sa cubicle pati yung kasama niya.

Napatakip siya ng kanyang bibig. At humagulgol na sa pag-iyak. Nacurious kaming lahat kaya pumunta kami doon. Kinabahan ako bigla.

"What the?" Sigaw nung isa kong kaklase.

Lahat sila ay gulat sa kanilang na kita. Sumilip rin ako at nagulat ako sa aking na kita. Napahigpit ang hawak ko sa aking sketchpad. H-Hindi. May tumakip sa aking mata mula sa likod. Humarap ako sa kanya at napagalamang si Luke pala iyon. "'Wag mo nang tignan" Sabi niya. Hinila niya ako palabas doon. Gulat na gulat pa rin ako. Hindi ko na napigilang umiyak. S-Si Ann,

Patay na.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon